Chappy 4

13 1 0
                                    

"Mards, nakapagpaalam ka na ba sa lolo mo? Kamusta naman yung mga impressions mo sa kanila? Nayabangan ka ba? Naartehan ka ba? Paano kung hindi ka mapasali sa 'The Dauntless'? Okay lang ba sayo na magtrabaho sa isang kumpanya kung mababa ang posisyon mo? Paano naman kapag nakasali ka?"sunod-sunod na tanong ni Crenzer.

"Anong sasagutin ko diyan? Alam ko ang pangit pakinggan na nagtanong ka sakin pero sinagot kita ng isa pang tanong, pero saang parte ako diyan sasagot? Sa panguna mong tanong, pangalawa, o sa pangpito?"

Nakanganga lang siya sakin.

"Waaaaaaaaw! Ang dami mong sinabi! Hihihi."

Napailing na lang ako at nilisan na ang lugar na yun. Mahawaan pa 'ko ng baliw na yun eh.

"Treyzy."

Napalingon ako sa tumawag sakin at nakita ko si Ritchelle.

"Mm?"

"Gusto ko lang sabihin na ang tahimik mo."

"Wag mong sabihin saakin yan na parang hindi ko alam."seryoso kong saad sakaniya.

"Arte naman nito. Gusto ko lang naman makipagkaibigan eh."

"Bakit?"nakakunot-noong tanong ko.

"Ang cool mo kaya! Ahihihi."animo'y kinikilig na sambit nito.

"Magsama kayo ni Crenzer."

Ngunit bago pa ako makaalis, nahawakan na niya ang braso ko.

Nang humarap ako sakaniya, naka-pout siya.

"Pretty pwease?"sabi niya sakin at ipinikit-pikit ang kaniyang mata na animo'y nagpapaawa.

"Pag-iisipan ko."

"Hay nako! Sa ganda kong 'to tinanggihan mo ang inaalok kong pagkakaibigan? Sa bagay maarte ka nga pala."

Mayabang din pala 'to. Magkapareho pala kami ng lahing pinanggalingan.

Posible bang magkapareho kami ng ninuno? Hehe.

Inalis ko na ang naisip kong yon, at naglakad na ako paalis.

Naglakad na ako pauwi sa aming bahay at nagmano kay lolo.

"Tara apo at kumain muna tayo ng meryenda."

Tumango na lamang ako at dumeretso na sa upuan.

"Lo, we've met the 'The Dauntless' earlier, and they introduced their selves. We've been given a chance to know them atleast in their names and simple mannerisms, and I can feel that I am in a good hands while taking the test. But the problem is the test will take a very long time."mahabang sabi ko.

"So what if it will take a very long time?"nakakunot-noong tanong niya.

"Nagaalala lang ho ako sa kalagayan ninyo."

Nagkaroon ng sandaling katahimikan at bigla siyang nagsalita at napangiti.

"Ano ka ba naman apo? Malakas pa ang lolo mo. Hindi kaya ako weak."sabi ni lolo at sinundan ng isang masayang tawa.

Napangiti na lamang ako.

Mamimiss kita ng sobra, lolo ko.

--

Naglalakad ako papasok ng aming paaralan. Sa labas pa lamang ng gate, nakikita ko na ang mga mapanuring tingin ng mga estudyante. Marahil dahil napasama ako sa mga posibleng kasapi ng The Dauntless.

Insecurities are everywhere.

Hinding-hindi mawawala ang mga taong inggit. Gaano mo man sila irespeto, o gaano ka man kabait sa kanila, hindi mawawala ang posibilidad na  kapag ikaw ay nakaharap, ay tila ba'y isa siyang maamong pusa. Ngunit kapag ikaw ay naka talikod na, daig pa ang isang tigre sanhi ng inggit na lumalamon sa kaniyang puso.

The Endless ChaseWhere stories live. Discover now