Chappy 6

13 0 0
                                    

Nagising kami dahil sa mala ambulansyang tunog. Tumunog pa iyon ng ilan pang beses at tsaka lamang may nagsalita sa speaker.

"We will be giving you thirty minutes to prepare yourselves, after that, your pet will lead the way to the dining hall. You'll be having your breakfast."

Nangunot nanaman ang noo ko sa narinig.

Pumunta ako ng banyo at nagsipilyo, pagkatapos non ay nakasalubong ko si Quaisie sa pintuan ng banyo. Ilang beses kaming tila nagpatintero. Kaya tumigil kaming pareho at napangisi nalang.

"Aba naman? Bukod sa magkapareho tayo ng ugali at pananaw sa buhay, pareho pa tayo ng ikot ng bituka."natatawa-tawang sabi ni Quaisie.

Napangiti nalang ako.

"Nga pala, dahil ayaw ng comitee na ipaalam ang tunay naming pangalan, mag-isip ka ng ipapangalan saakin. Hindi mo ako maaaring tawagin sa pangalang 'Quaisie'"

Napatango tango na lamang ako at umupo sa couch para hintayin siya.

Ano naman kayang ipapangalan ko?

Nagisip ako ng mga bagay na hilig niya. At naalala ko ang mga pinagusapan namin nung una naming pagkikita.

Nang makalabas na siya, tsaka ko siya tinawag.

"Oy, Kalatala."

Bigla siyang napalingon sakin at napangiti.

Nangunot ang noo ko na may halong pagtataka.

"What?"

Tumatakbo siyang lumapit sakin at tsaka bahagya akong niyakap.

Nakakapagtaka.

Naisip ko yun dahil sa paborito niya ang kalikasan. dinagdagan ko lang ng kalawakan ay tala sapagkat iyon ang hilig ko.

"Tara na nga't kumain na tayo sa baba."sabi niya sa akin habang nakangiti pa rin.

Nag lakad kami sa hagdan. Ilang palapag din ang inakyat namin at hindi ko maiwasang habulin ang aking hininga panandalian.

"W-wala bang elevator dito?"naiirita kong tanong.

"Mm.. meron naman. You know? Mag-exercise tayo tuwing umaga, tuwing umaga, tuwing umaga." Nakangiti at pakantakanta ay may paindayog pang dagdag.

Balak ko sanang magsalita ngunit kaharap ko na pala ang lamesa na may nakahandang pagkain.

Nang makaupo na kami kasama ng iba pa nming mga kasamahan at ang The Dauntless, ay sinamaan ko ng tinignan ko si Quaisie--este Kalatala. Nakangiti pa rin ito habang nakatingin sa kawalan.

Baliw eh.

"Since kayo ang nahuli, ikaw nalang Treyzy ang mag lead ng prayer."

Pumikit na ang mga kasamahan ko at yumuko. Ganoon din ang ginawa ko at nagsimula nang magdasal.

"Panginoon, salamat ho sa mga pagkaing nakahanda sa amin. Nawa'y maging ang iba pang mga tao ay may sapat na pangpalaman tiyan upang magampanan ang araw na ito. "sabi ko sabay dilat.

Agad na nanguna ang mga kalalakihan. Siyempre, nauna nang kumuha si Crenzer ng pagkain. Nang makita siya ng kaniyang katabi, ay agad itong nakipagsabayan at nilantakan ang lahat ng pagkaing nasa harapan nila. Agad namang kinabig ni Sea ang kamay ni Crenzer dahil punong puno na ang plato nito.

"Nooooo!"sabi ni Crenzer sabay hawak sa mukha na animo'y nababaliw. Napahawak pa sa ulo niya at sinabunutan ang sarili. Ang mukha niya ay animoy nanggigigil.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 30, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Endless ChaseWhere stories live. Discover now