UWTP : Short Tempered

2K 75 14
                                    

"San ka galing?"

Sinundan ko ng tingin si Alli na naglakad papunta sa sofa. Pinagmasdan ko itong humiga at bumaluktot.

"Kumuha ng gamot sa clinic. Ang magaling ko kasing pinsan iniwan ako ng walang paalam at nabalitaan ko pang napasabak sa isang duel"

Hindi nakaiwas sa paningin ko ang pag-irap nito. Umiwas ako ng tingin.

"Tulog ka. Alangan naman panoodin kita hanggang magising"

"kaya iniwan mo ko? Di mo man lang naisipan pagkuha ako ng gamot"

"yun naman talaga balak ko kaso-"

Napatigil ako na ikinaharap nito sakin. Kumunot ang noo nito. " Kaso ano?"

Sa garden ang bagsak ko. At nakita ko pa ang taong ayaw ko makita. Hate pala ah? Well mas hate kita!

"Wala"

"Kailan ka pa naging takaw gulo?"

"I'm not"

"anong hindi? Panong napalaban ka? Isang oras lang ako wala sa tabi mo nakipagrambol kana"

"sila nauna"

"pinatulan mo naman. Hindi ko talaga alam gagawin ko sayo. Ano nalang gagawin mo pag wala ako?"

Napaface palm ako at piniling itikom ang bibig ko. Hiyang-hiya naman ako sa kaniya. Eh siya nga tong matakaw sa gulo. Siya pa lumalapit. Tapos kung makapagsermon kala mo biglang nag dilang anghel.

"Oh ano ka ngayon? Hindi ka makasagot? Sumagot ka. Magpaliwanag ka"

"Daldal mo. Matulog kana"

"Aba! Tapang natin ah. Porket nanalo sa duel, tumaas confidence? Lumaki ulo? Halika dito, putukin natin"

"Alli magpahinga kana"

Eto ang ayaw ko sa kaniya pag meron. Laging highblood.

"Ngayon pinapapahinga muna ko? Bakit? Aalis ka naman? Tapos ano? Maghahanap ka na naman ng away. Tas nyan hindi na isa. Dalawa pa o kaya grupo na. Bat hindi nalang ako sabihan mo? Ako bubugbog sayo"

Huminga ako ng malalim.

"Just sleep. Ingay mo"

Iniwan ko siya at pumunta sa kwarto ko. Agad naman ako napabalik at binuksan ang pinto ng may kumatok. Bumungad sakin ang mukha ni Sirene na nakangite.

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now