UWTP : Training

1.6K 65 0
                                    

"Gosh, kalat na kalat na ang magaganap an event next week and we have only 10 days left before the battle"- sirene said. We're here in the Cafeteria. Lahat ng mga estudyante ay napapatingin sa grupo namin pero hindi na namin binigyang pansin.

"Hehehe I'm so excited!"

"Tss excited? You're so clumsy at baka yang katangahan mo pa ang magpatalo sayo"

(Pout)

(Glare)

"Wahhhhhh Lucassss inaaway ako ni kamballll!"- lumapit ito kay lucas at kumapit sa balikat nito. Tinapik nito ang balikat ni Ice na parang nakikiramay din ito "Dont worry, I feel you"

"Nagsama ang dalawang tanga"- mabilis na napatingin ang dalawa kay Luke ng magsalita ito.

"ANOOOOOO?"

"Tss d lang tanga, bingi pa"- at sa huli ay nagyakapan ang dalawa na parang tanga.

"Childish"- rinig kong mahinang sambit ni wade na katabi ko. Napatingin ako dito ngunit sa pagkain lang ang tingin nito nakatuon. Napangiwe ako ng may marinig akong bumagsak. Mabilis na tumayo si Zeke at nag walk out.

"Ano na namang problema non?"- takang tanong ni Alli. Walang sumagot. Napatingin ako kay Tania ng maramdaman ang tingin nito sakin.

Bakit ang sama ng tingin niya sakin?

"Don't worry, she's just jealous"

What the? Kanino naman siya mag seselos? Saming dalawa ni zeke? Oh ghad, ni hindi nga kami nag uusap non eh well except pala kahapon.

Btw by partner ang magaganap na duel. And you know what? Yung nakapartner ko lang naman ay si Harlequiny. Akalain mo yon? Baka naman imbis na magkasangga, kami pa maglaban. Sa daloy ba naman ng utak non? Hindi na malabong mangyari yon. Lahat ng mga Alpha ay pinag hiwa-hiwalay. Sinadya daw nila yon para maging fair. Tss fair my ass.

Base sa nalaman ko, most outstanding student si Zeke, next is Seven, Wade, Luke, Lava, Lucas, Sirene, Tania, and Ice. At karamihan sa kanila ay kasama sa mga Officers ng buong akademya. Si Zeke sa president, wade-vice pres, sirene-secretary, treasurer- Lava, Muse-Tania, escort-Seven.. at hindi ko na alam ang iba.

Hindi ko nga alam kung nagkataon lang ba talagang seven yung escort nila. Kapangalan ng kababata ko. Tania and seven is the last year representative na nanalo sa contest. Well wala naman akong angal dahil maganda at matalino si Tania. Ewan ko lang sa ugali. Kahit matagal-tagal na kaming magkasama, hindi parin ako nagtitiwala sa kaniya. Pakiramdam ko may gagawin siya na hindi ko magugustuhan.

"D ka pa aalis?"

Naghalumbaba si Alli sa lamesa "no"

"Your partner was waiting for you"- sinulyapan ko si Ethan na kapartner niya na kanina pa sulyap ng sulyap sa gawi namin.

Napailing ito

"No"

"Alisson"

"What? Wala akong pake sa kanya"

"Ayos lang sayong matalo kayo?"

"Of course not! Bubuhatin ko siya. I can fight 2 person!"

Napakunot ang noo ko.

"No ali, wag makulit. Kung natatakot kang iwanan ako dahil sa nangyari. I'm going to be fine. I can handle myself"

"But what if-"

"No but's and if's. Go"

Padabog itong tumayo

"Be careful"

I sigh. Masyado niyang pinag-aalala ang sarili niya sakin. Ayokong sakin lang nakatuon ang atensyon niya.

"Tss let's practice na"- napatingin ako kay Harley na nakatayo sa harap ko at nakataas ang kilay. "Sure"

Pagkarating namin sa training room ay agad na kaming nagsimula. Btw napakaraming training room dito. May isang pinto tapos kapag pumasok ka may napakaraming room then napakalawak pa. Magic is amazing, isn't?

"Let's see what you've got"

Walang pagdadalawang isip na umatake ito at wala ng sinayang na oras. Oh ghad. Napakarami niyang binabanggit na salita na wala akong maintindihan. Naglitawan ang maraming ice torn sa harap nito, iniharap nito ang wand sakin kasabay ng pagbulusok ng mga atake nito. Parang nakikisama ang katawan ko sa hangin sa bilis ng kilos ko. Umatake pa ito ng walang hinto at sa lahat ng atake niya ay wala ni isa ang tumama sakin kahit daplis man lang. Napalitan ng mud yung inaapakan ko at unti-unti akong lumubog. Napailing na lamang ako ng makitang may lumabas na ulap sa taas ko na handa ng patamaan ako ng kidlat. Nakangise ng tagumpay si Harley. She's really underestimating me.

Air

Kinontrol ko ang katawan ko at lumipad upang maiwasan ang darating na atake. Nawala ang ngise nito at muling bumalik ang bagsik sa mukha nito.

"Arggghh! This is hell hindi man lang kita matamaan!"- muli ay umatake na naman ito hanggang sa mapagod.

Napaluhod ito sa pagod. Naligo na siya sa pawis niya ngunit hindi man lang niya ito ininda.

"We need to focus on your physical strength. You're using too much power and using too much is bad. Your power is based on your body. Kung mahina ang katawan mo binding-hindi ka magtatagal, mabilis kang maghihina. Based on what I've seen earlier, you have so many weaknesses. Takot kang masaktan, takot kang matalo at iniiwasan mo lumaban physical"- napatahimik ito at hindi nagawang magsalita.

Mukhang tama ako.

Every battle nananalo ako at hindi ko hahayaang matalo ako ng dahil sa kaniya. Kung ako lang ay kayang-kaya ko siyang buhatin. Ang ayoko lang ay ang aasa siya sakin. Gusto kong matuto siyang tumayo sa sariling paa niya.

"Pero bakit pakiramdam ko may kahinaan ka pa bukod sa mga binanggit ko?"

Unordinary World (The Prophecy)Where stories live. Discover now