chapter two

8.8K 177 3
                                    


Enjoy reading!

•••♡•••••♡••••••♡••••••♡•••••♡••••

Two weeks passed

(Tapos na po yung recognition kahapon, di kayo na inform? Charr, tapos na po 'yung recog. nila di ko na po sinama.)



Zoe's POV


Nandito ako sa apartment at nag i-impake na ng mga gamit na dadalhin ko, kasi pupunta na kami ni Nica sa province nila.


Nasa salas lang siya, hinihintay ako. Isang bag lang ang dadalhin ko tutal, saglit lang naman kami doon.



Sabi sa akin ni Nica sa mansyon daw nila kami titira, ipapasyal niya rin daw ako at ipapakilala sa mga cousins niya don, excited na nga ako dahil pagkatapos ng 8 years, magiging masaya na rin ang summer ko.




Kung anong dahilan? Wag nyo ng alamin.


"Beshhh, tapos kana ba? Nasa labas na ang kotse!! Kanina pa actually." Rinig kong sigaw ni Nica mula sa salas.




Sinara ko na ang zipper ng bag ko bago sumagot. "Oo! Tapos na!" Sagot ko pabalik.


Binuhat ko na ang bag ko bago naglakad palabas ng kwarto, at ni-lock ito.



"Ready ka na ba?" Tanong ko sa kanya. "Kanina pa..." Sagot niya bago ako inirapan.



Nauna na siyang maglakad palabas ng bahay, sumunod naman ako.



Tumambad sa harapan namin ang isang ford na sasakyan.

Yaman talaga neto...


Pinasok na ng driver 'yung bag ko sa kotse nila. Humarap naman ako sa apartment ko at ni lock ito.





"I'll miss you apartment ko!!" Paalam ko sa apartment. "Besh, ano kaba? One month lang naman tayo dun eh..." Pag iinterupt sa 'kin ni Nica.




Nanlaki ang mata ko sa tinuran niya. "What?! Sabi mo one week lang tayo dun!?" Mataas ang tonong tanong ko.


"Hehehe wala ka ng magagawa..." Sabi nya at sapilitang hinila ako papasok sa kotse nila.


Umupo ako sa may bintana at napanguso.



Baka kung ano naman ang mangyari sa apartment ko.




"Beshhh, papano kung mapahamak 'yung apartment ko?" Nag aalalang tanong ko sa kanya.




Humarap naman siya sa 'kin at binigyan ako ng kunot noo. "What the hell Zoe? Hindi 'yan mapapahamak---O di pag napahamak, papatirahin na lang kita sa bahay namin." Sabi nya nang nakangisi.





"Ehh, basta bawal ng sumobra sa 1 month ahh." Pag papaalala ko. "Yeashhh." Tanging sinabi niya bago nag soot ng earphones.



Kinuha ko naman ang cellphone kong di-pindot at isinalpak ang earphone ko. Nag patugtog lang ako ng kahit ano.


'Yan, ang ganda ng music, may ganito pa lang kanta rito? Sinilip ko ang title ng kanta, my queen.


Ang ganda love song ito, at lalaki ang singer. Para akong hini-hele. Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng antok.



12:00 A.M. (Completed) (Editing)Where stories live. Discover now