2nd

554 26 0
                                    



C H A P T E R  2

Mabilis lumipas ang mga araw. Wala namang nangyaring bago. Maliban nalang sa pagiging masyado naming busy para sa upcoming program.

Friday na at ngayon namin naisipang bilhin na lahat ng materials na kakailanganin namin para sa booth.

Isang light yellow sleeveless dress nalang ang naisipan kong suotin ngayon. Di tulad nung mga nakaraang araw na puro ako palda.

Ayoko naman kasing magmukhang alalay mamaya sa tabi ni Hansley 'no.

Pagkatapos kong magbihis ay naabutan ko si kuya Ysaac kasama ang kaniyang mga kaibigan—malamang kasama na roon si Thaddeus.

Nilingon nila ako at bahagyang natigilan na siyan nagpakunot ng noo ko. Lumapit ako sa kanila para makapagpaalam.

"Kuya, may lakad ako ngayon." Pagpapaalam ko. Tumaas ang kilay ni kuya at hinarap ako nang nakapamaywang.

"Date?" He asked. Napaisip ako roon. Kapag sinabi kong lalaki ang kasama ko ay iisipin agad ni kuyang date iyon. Magagalit to panigurado.

Ngunit ayoko naman na hindi niya ako payagan. At isa pa, hindi naman date iyon, di ba? Wala naman sigurong masama.

Umiling ako. Inayos ko muna ang strap ng bag ko na nakasabit sa balikat ko bago siya sagutin.

"Hindi, kuya. Para sa booth namin 'yon. May bibilhin lang kami." Paliwanag ko.

Mukhang hindi parin naniniwala si kuya. Mas lalong napakunot ang noo niya at tinignan akong mabuti para malaman kung nag sisinungaling ba ako o hindi.

"Sino'ng kasama mo?" He asked. Natigilan ako doon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"U-uh k-ano...k-kaibigan?" Patanong kong sagot.

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko sa gilid ng mata ko ang paglingon ni Thaddeus sa kinatatayuan ko.

Kahit na kay kuya ako nakatingin, ramdam na ramdam ko parin ang panlalamig ng buong katawan ko dahil sa paraan ng pagtitig ni Thaddeus sa akin. Nakita kong sinarado niya ang magazine at tinignan akong mabuti.

"Babae o lalaki? You better make sure it's a girl, Yssandra." Kuya Ysaac. Mabilis akong napaiwas ng tingin.

Hanggang ngayon, napakaprotective parin ni kuya. Sobra. To the point na kahit for project purposes naman ito ay hindi niya parin palalagpasin.

Jusko! 'Bibili lang naman kami ng materials ni Hansley. Yun lang iyon.' Gusto ko sanang sabihin ito kay kuya ngunit hindi parin to papayag. For sure.

Ah! White lies...

"Babae, kuya..." Halos pabulong kong sambit.

"Ano pangalan?" Napalingon na ako sakaniya. Hindi ko ito inexpect! Ano bang meron at grabe magtanong si kuya ngayon?

Shit! Anong pangalan ang sasabihin ko? Pag sinabi kong si Zyrah o si Julia o Miracle ang kasama ko paniguradong tatawagan niya ang mga yon at mahuli pa ako sa kasinungalingan ko.

Crashed Into You.Where stories live. Discover now