MPMB: Chapter Three

1.3K 19 2
                                    

Previously on Chapter two:

          Sobrang saya ni Ree na makita si Shuu! Pero wait na malupet! May kakambal ang Shuu?! At delinquent pa! Anyayare kaya??

 

REE’S POV

“Ree, umalis ka nga diyan sa may lamesa ni Ma’am. Nandiyan na yung maintenance.” Suway naman sa akin ni Mikee. Grabe, wasak na wasak ang lamesa ni Ma’am.

“Everyone! Pwede bang tumahimik kayo?!” Sigaw ni Mikee sa klase. Sumunod naman sa kanya ang lahat kasi president na ang may sabi at nakakatakot magalit si Mikee. Nagiging halimaw siya. =___=

Walang klase ngayon. Kasi, nasa principal’s office si Ma’am ngayon tsaka yung kakambal ni Shuu. Nirereklamo siya ngayon. Ano ba naman. First day of schooling niya, gulo na agad? Napailing na lamang ako.

Gosh, ibang-iba siya kay Shuu.

“Ken Tucky….” Naalala ko na ang pangalan niya. Ano na kayang mangyayari sa kanya? Major offense ang nagawa niya. Suspension ba o expelled na siya agad? =____=

 

“Kasi naman, bakit kasi tinawanan mo pa?” –Rinig kong sabi ng isa kong kaklase.

“Eh sa nakakatawa naman talaga eh.” –Kaklase 2

Lumapit naman ako sa kanilang dalawa.

“Kayo, hindi niyo ba alam ang pinasok niyo? Paano kung gantihan kayo non? Tingnan niyo nga ang ginawa sa atin! At isa pa, ikaw PEPELITO, mas nakakatawa ang pangalan mo!” Maririnig naman ang tawanan ng ilan.

“Ree naman, wag mong ipagsigawan ang pangalan ko.” –PEPELITO

“Che! Anong masama sa Ken Tucky? Alam niyo, isipin niyo na baka ganong unique ang name niya kasi pinag-isipang mabuti ng magulang niya diba?” Sinamaan ko sila ng tingin bago ako tumalikod sa kanilang dalawa.

[Exopink Series 2] My Prince, My BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon