MPMB: Twenty-Two (Side Story)

566 11 0
                                    

Enough muna tayo sa main story! Bakit di natin alamin ang buhay ng isa sa mga characters? This chapter is about Vixen Rain Santinio. Baka may malaman kayo! J)))))

Chapter Twenty-two:

~*~

[VIXEN’S POV]

“Sir.” Abala ako sa pakikipaglaban kay Marshall Law, tinatalo ang kanyang kalaban na si Lily. Aba okay tong si Marshall Law nuh! Matatalo ko na din si Lily nang bigla na lang may humigit sa kwelyo ng uniform ko. “Hoy! Ano ba!? Mananalo na ko eh!”

 

“Kanina ko pa pong sinasabi na magsasara na ang mall! Wala po ba kayong naririnig kanina?” Ah yun ba? Akala ko kasi may sunog lang sa may kabilang kanto eh.

Napilitan akong umalis ng mall. Ako na lang pala ang tao. Pero saying ang laban kong yon. Better luck next time.

Pagkalabas ko ng mall, napansin kong umuulan pala. Napatulala ako sa langit. Lagi-lagi na lang kasi eh. Sa tuwing bumabagsak ang ulan, ikaw agad ang pumapasok sa isip ko. Parang destiny. Kasi, naulan din noon. At pangalan ko ang salitang rain, na talagang ayaw na ayaw ko. Pero nagustuhan ko, dahil gusto mo at palagi mo kong tinatawag non.

Alam kong galit ka. Mas malala siguro kung sasabihin kong kinamumuhian mo ko. Dahil sa ginagawa ko kay Ken. Pero hindi mo masisisi… Ynah.. Ikaw ang nagbago ng buhay ko. At ang pagkawala mo, ang nagpabalik sa dating ako. Mag-isa na lang ulit ako.

Naalala ko pa ang unang meeting natin. Letseng ulan, sumabay pa habang lumalalayas ako sa amin. Walong taong gulang ako non. Kaya ayoko ng pangalan ko eh. Kasi ayoko din ng ulan. Dala-dala ang ben ten kong bagpack, sumilong ako sa bubong ng isang bahay. Hinihintay ang pagtigil nito. Nagulat ako nung biglang may nagsalita. Ikaw pala. Mukha kang dwende. Ang liit-liit mo pa non.

Tinanong mo ko kung bakit wala ako sa inyo. Ayoko namang sagutin kasi nahihiya ako. Pinilit mo ko ng pinilit hanggang sa sinabi ko na nga. Lumayas ako. Lasinggero ang tatay ko at sugarol ang aking ina. Nag-iisa akong anak, pero kung umasta sila ay parang wala silang anak kasi parang hangin lang ako. Hindi nila ako napapansin, Nagaway sila ng dahil sa pagaagawan ng pera at lumayas na ko. Ayoko din naman silang kasama eh.

Habang kinekwento ko yun, hindi ko alam na umiiyak ka pala. Eh bakit naman? Normal yun sa amin. Halos lahat ng pamilya sa amin eh ganon. Iskwater nga eh. Muli kang nagtanong. Pero hindi na tungkol sa akin. Tinanong mo kung masarap magpaulan. Binalik ko naman ang tanong na, bakit hindi mo subukan? Sabi mo, kung kaya mo lang sana eh araw-araw kang magpapaulan. Wala akong naiinbtindihan. Eh ano naman sakin diba?

Hanggang sa nagpakilala ka. Ikaw si Rowena. Tandang-tanda ko ang paghagalpak ko ng tawa dahil sa kabaduyan ng pangalan mo. Pang-matanda. Nakisabay ka pa sa akin sa pagtawa. Tapos sinabi mo na pwede kitang tawagin sa nickname mo. Ynah. Binigyan mo ko ng isang ngiti. Ngiti na talaga namang iba ang pakiramdam sa akin. Matamis at hindi nakakainis. Totoo. Masaya. Yan tuloy. Nakalimutan ko na nilalamig nap ala ako sa ulan.

Ikaw lang ang ngumiti sakin ng ganon. Na ang saya-saya mo na nakilala mo ko. Ikaw din ang taong namangha at naiinggit sa pangalan ko. Tinatawag mo kong Rain.

Simula ng araw na yon, lagi na kitang nakikita., nakakausap. Tumira ako noon sa ilalim ng tulay. At nagtrabaho. Pero dahil sayo, kinupkop ako ng mababait mong magulang. Sumasaya ka daw kapag nakikita mo ko. Ako din, Ynah. Hindi ko lang masabi kasi nakakahiya.

Pinag-aral ako, nakakapagsuot ng magagarang damit, nakakakain ng masasarap na pagkain. Yun ay dahil sayo. Utang ko lahat sayo. Nagkaroon ako ng magandang buhay dahil sayo. Gusto kong bayaran lahat yun sa pamamagitan ng pagpapasaya sayo.

Minsan mong sinabi na gusto mong magpaulan. Alam nating dalawa na hindi pwede. Pero nagpumilit ka na kahit isang beses lang. Napapayag mo ko at tumakas tayong dalawa non. Ang naging resulta? Nilagnat ka buong gabi at sising-sisi ako na nilihim natin yon sa mga magulang mo para hindi nila ako mapagalitan at baka mapalayas ako. Nung gabing yon, hindi ako lumayas sa tabi mo. Binantayan kita. Dun ko sinabi sa sarili ko na nandito lang ako sa tabi mo lagi.

Nuebe na ko noon at otso ka naman ng ipakilala mo sa akin si Ken. Pinagtanggol ka daw sa nambubully sayo. Nagkaroon ako ng konting selos na wala ako non sa tabi mo. Pumalpak ako bilang bantay mo. Nainis ako na nabaling ka kay Ken na wala namang ibang ginawa kundi tumahimik at magsungit kapag kinakausap mo.

Pero hindi ko ine-expect na magiging bestfriend ko pala si Ken. Akalain mo yon, hindi ko alam na nagkakasundo kami. Kahit pala masungit yon, marunong siyang pagpahalaga. Tayong tatlo non ang magkakasama.

First year kami ni Ken na sumali kami sa isang gang. Katuwaan lang nung una dahil marunong naman kaming makipagsuntukan ni Ken. Minsan ka nang umiyak noon na umatras na kami ni Ken noon pero hindi mo ko napigil. Kasi may dahilan na ko para mag-stay doon. Si Kir. Nalab at persayt yata ako. Hindi ko alam na ang pagiging abala ko sa ganong bagay ang nagpahirap sayo. Hindi ko napansin na malala na pala. Pero hindi mo tinigil ang lahat. Pumalpak ako. Nawala na naman ako sa tabi mo.

Gusto ko lang namang maging masaya ka lagi. At alam ko kung sinong makakapagpasaya sayo. Si Ken. Pero imposible yon, Ynah, Kahit anong pagpupumilit ko sa kanya ay hindi niya kaya. At kapag ngumingiti ka, alam kong hindi tunay yon at sa loob loob mo ay nasasaktan ka. Dahil mas pipiliin mo na hanggang kaibigan na lang kasi di mo kayang lumayo siya kapag nagpumilit ka. Pero Ynah.. Gusto ko naman na may magawa akong tama sayo. Kelan ko ba yon magagawa?

Pero dahil sa nangyaring yon.. huli na yata ang lahat. Nung nakita kitang malamig ka na, kalat na kalat ang pasa at dugo sa katawan, parang nabaliw ako. Na hindi ko kayang tanggapin ang lahat. Ang babaeng tinuring kong kapatid at nagpabago ng buhay ko, wala na ngayon. Nagalit ako sa mundo. Natuto kong kamuhian si Ken. Na sana siya na lang ang pinatay at hindi ikaw. Kasi karapatan mong mabuhay ng matagal dahil alam kong mas kelangan mo yon. Pero namatay ka ng di inaasahan at sa mas malalang paraan. Nagdilim ako. At kahit ngayon, nandito ka pa rin sa isip ko.

Hindi ko kayang kalimutan ang araw na yon. Lumayo pa nga ako kasama si Kir. Pero walang kwenta. Sa tuwing pipikit sa gabi at mumulat sa umaga ang mata ko, ikaw agad ang nakikita ko. Bakit ganon? Gusto ko na ding kalimutan ang lahat. Bakit hindi ko kaya?

Doon ko narealized na para makalimutan kita, dapat kong pahirapan si Ken. Kung hindi ko siya kayang patayin, dapat kong iparamdam sa kanya na dapat mamatay na lang siya. Gusto kong ipaalala sa kanya na siya ang may kasalanan ng lahat. Na siya ang pumatay sayo. At ang pagpatay niya sayo ang magiging dahilan ng pagkalugmok at pagkabaon sa lugar kung saan nadon siya dapat. Sa impyerno.

Hindi ko siya kayang maging masaya. Palayuin ang taong mahal niya sa kanya, lahat gagawin ko. Magalit naman si Kir ay wala akong pakielam. Kabayaran ito sa kahayupang ginawa niya sayo.

Alam kong hindi ka masaya. Gusto ko ding sumuko, kung alam mo lang.. Pero hindi ko kaya. Tumatak na sa isip ko na ito ang tama para sa kanya.

I’M SORRY, Ynah. Ito lang talaga ang magagawa ko para sayo. Sana mapatawad mo ko. 

[Exopink Series 2] My Prince, My BeastTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon