Chapter Three: Glares

9 0 0
                                    

Julie's Pov

So ano nga bang ginawa ko pagkatapos kong tumakas? Oh well, nag-scroll lang naman ako sa malapit na mall. Engross na engross nga ako eh. Ngayon lang ulit ako nakapunta sa mall mula ng dumating ako dito sa pilipinas. Si mom kasi eh. Kung hindi niyo pa naitatanong, kakadating ko lang dito sa pilipinas from US. Nagstay ako dun for about five years together with dad. Si mom at Felix lang ang naninirahan dito pero dumadalaw naman sila samin doon. Hindi ko alam kung anong trip nila. Hinayaan ko na lang. One month pa lang ako dito. Mabuti at dito na ako for good.

So ayun nga....di ako pinapalabas kase si mom masyadong paranoid. Lumalabas tuloy ang pagkapasaway ko. Naglibot-libot lang ako. Tingin-tingin dito, tingin-tingin doon. Masarap palang magliwaliw paminsan-minsan. May mga gusto sana akong bilhin kaso ayoko naman gamitin ang credit card ko baka matrace ako nanay ko. Wala pa naman akong cash dito. Napansin kong napapatingin sakin ang mga tao. Nakauniform pa kase ako. Nagkibit balikat na lang ako. Who cares?

Napakamot ako sa batok ng mapansing nawawala ako. Lumabas na ako ng mall kaso hindi ko na matandaan kung saan ako pumasok kanina. Mahina pa naman ako pagdating sa mga direksyon. Medyo tago itong kinaroroonan ko. Nasa likod na ata ako ng mall. Ah ewan. Wala kaseng masyadong tao dito. Natigilan ako ng makarinig ng mga sunod-sunod na kalabog. Akala ko may mga nahulog na stocks or so whatever. Pero parang hindi eh.....Ewan ko ba. Parang may nagtutulak sakin ng tignan iyon.

Palapit na ako ng palapit, lumalakas din ng lumalakas yung mga kalabog. Sumilip ako at nanlaki ang mga mata ko sa nasasaksihan. Hindi mga stock na nahulog sa kung saan. Pinagbubugbog ang isang lalaki ng limang lalaking mukhang goons. Naawa naman ako dun sa lalaki. Naliligo na ito sa sarili nitong dugo. At pilit itong pinapaluhod.

Oh my gosh....panic mode!!!! Ano ang gagawin ko!?! Anong pwede kong gawin!?! Hindi naman ako pwedeng makielam doon. Baka ako naman ang pagdiskitahan. Marunong naman akong depensahan ang sarili ko pero babae pa rin ako!!!

Aha!!! I have an idea!!! I'm so bright talaga. I know right....Ang brilliant-brilliant ko talaga. Paniguradong effective toh. Nasubukan ko na kaya ito. Kinuha ko yung pito na dala-dala ko palagi sa bulsa ng bag ko. Napatingin ulit ako dun kase sinisimulan na naman nilang bugbugin si di ko kilala guy. Nagtago muna ako at nagbilang ng one to three. Pagkatapos,  hinipan ang pito.

*prrrrt* *prrrrt*

"Boss, alis na tayo. May parating na pulis!!!" sabi nung isang goon.

"Alis na!!! Iwan niyo na lang yan dyan!!!" sabi nung leader nila ata? Nakarinig ako ng mga yapak na paalis at ang pagharurot ng sasakyan.

Oh diba, effective!!!

Sinigurado ko munang wala na yung mga goon bago umalis sa pinagtataguan ko. Lumapit ako dun sa guy na namimilipit na sa sakit. Nakapikit ang mga mata nito at nakangiwi. Kaya sure akong gising ito. "Mister.....mister....okey lang po ba kayo? Humihinga ka pa po ba?"

Unti-unti itong nagmulat ng mata at natigilan ng makita ako. "Uhmmm....mister, may.....


.......huling habilin ka ba bago ka mamatay?"



Syempre joke lang iyon. Hehehe... Ganito lang talaga ako kaloka-loka.

"Peace!"

Kumunot ang noo nito pero agad ding nawala at naging seryoso. "Tulungan mo ako. Kailangan ko ng umalis. Baka parating na ang pulis. Hindi ako pwedeng maabutan dito." sabi nito kahit nahihirapan ng magsalita.

"Huwag kang mag-alala. Wala naman talagang pulis. Ako lang yun." sabi ko at winagayway ang pitong hawak ko. Para naman itong nakahinga ng maluwag. "Diyan ka lang. Hihingi ako ng tulong." sabi ko at aalis na sana ako pero pinigilan ako nito.

THE BAD BOYS' FIRST LOVEWhere stories live. Discover now