Chapter Five: Girlfriend

11 0 0
                                    


Julie's Pov

Busangot ako the whole time habang nasa sasakyan. Kanina pa kami naka-stop malapit sa university pero hindi pa rin ako bumababa. Ang katabi ko naman sinusubaybayan lang ang bawat kilos ko tapos may isa pang bodyguard sa kabilang gilid ko.


Napatingin ako sa labas ng sasakyan. Ang daming estudyante. Nakauniform din sila kagaya ko. Masaya silang nag-uusap-usap habang papasok sa malaking gate ng Soliven University. Ang sabi sa research ko, private ito at pag-aari ng pamilya Soliven. At kahit ang mahal-mahal ng tuition ang dami pa ring pumapasok dito. I wonder why.

"Pumasok na po kayo lady Julie." bumalik ang tingin ko kay Butler Yoo. Bumalik na ang seryoso nitong mukha. "Nandito lang po kami sa labas. Hihintayin po namin matapos ang inyong klase."


Lumiwanag ang mga mata ko. Ibig sabihin hindi nila ako susundan sa loob ng university?


Yes!

"Ibig sabihin hindi niyo ako susundan sa loob ng university?" nakangiting tanong ko.


Mukha nakita nito ang kislap sakin mga mata. "Gustuhin man naming pumasok hindi maaari, lady Julie. Pribado ang university kaya hindi nagpapapasok ng kung sino-sino maliban na lang kung may permit ka galing sa head ng University. Hihintayin ka na lamang namin dito sa labas,  lady Julie."


Okey na iyon kaysa naman sa palagi silang nakabuntot. Atleast my freedom ako sa loob ng University.

"Okey!" hindi na matanggal-tanggal ang ngiti sa labi ko. Akala ko talaga pati sa loob ng University nakabuntot pa rin sila.

"Parang gusto kong bawiin ang mga sinabi ko. Natatakot ako sa ngiting ipinapakita niyo, lady Julie." nag-aalinlangang sambit ni Butler Yoo. Hindi na ito mapirmi sa kinatatayuan nito.

"Huwag kang mag-alala, Butler Yoo. Magpapakabait ako." nakangiti pa rin ako ng wagas. Hehehe. I'm free!

Nakita ko itong napalunok ng sunod-sunod. Mukhang nagdadalawang isip pa ito kung hahayaan ako o hindi. Kaya bago pa magbago ang desisyon nito, lumabas na ako ng sasakyan at tumakbo nang papasok.

Hehehe. May mga namumuong idea sa isip ko. Huwag kayo. Magandang idea ito mga pare. Hihihihi. Parang gusto ko tumawa katulad ng tawa ni Tamahome sa Fushigi Yugi. Kilala niyo yun? Siya ang favorite anime character ko. Crush ko yun. Nakakatuwa talaga ito kapag tumatawa habang may kalokohang iniisip. Hindi gagawa ng maganda.


I giggle once again. Sorry Butler Yoo....

----

I sighed once again. Looking forward, saglit akong tumigil sa paglalakad at inikot ang tingin sa buong kabuuan ng university. In fairness ang lawak dito at malinis ang buong paligid. Siguro mayaman sila ng mga janitor.


Maglalakad na sana ulit ako ng biglang may umakbay sakin. Sa sobrang gulat hindi ako agad nakareact.

"Sorry, ladies....I have a girlfriend already. Kaya tantanan niyo na ko." natauhan lang ako ng magsalita ang lalaking nakaakbay sakin. At ngayon ko lang din napansin ang mga babaeng nakapalibot samin.


Napatingin ako sa mukha ng lalaking nakaakbay sakin. Malapit lang ang mukha nito kaya malaya kong napagmasdan ang makinis nitong mukha. Kung wala lang ako sa still-shock-state, baka nagdrool na ako mga bakla! Ang gwapo kaso mukhang arogante. May piercing siya sa kaliwang tenga na nagpadagdag pa lalo sa mala-bad boy nitong aura. Ang mga taong may ganitong mukha ay dapat itinatapon sa Bermuda Triangle. Nakakalaglag pantiii!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE BAD BOYS' FIRST LOVEWhere stories live. Discover now