The Bad Boys' First Love by LizyYhou Si Julie ay loka-loka na may pagkanerd na sisinghalan ka pabalik kapag sinigawan mo. Mumurahin ka pabalik kapag minura mo. Una kang bubugahan ng apoy bago mo pa siya mabugahan. Makikipagtagisan ng tingin sayo kung alam niyang tama siya. Sasamaan ka ng tingin kapag kinanti mo ang pamilya niya. Uurong ka na lang kapag tinarayan ka niya. Maloloka ka sa talas niyang magsalita. At susuntukin ka kapag na-bwisit siya sayo. Pero ngingiti ka na lang kapag nginitian ka niya. Matatawa ka kahit hindi naman siya na-jojoke. Magtatalon ka sa tuwa kapag sinabihan ka niya ng gwapo na hindi naman niya madalas sabihin. Kikiligin ka kapag hinawakan ka niya sa braso. Iinit ang pisngi mo kapag sayo siya nakatitig. Matutulala ka na lang kapag siya na ang tumawa. Buo ang araw mo kapag siya ang kasama mo. At mahihiling mo na sana sayo na lang siya. If seducing her is the only way I can to make her mine, so be it. But how can I do that if I'm not the only one who wants her? The operation: seducing julie signed by The Bad Boys
6 parts