Chapter 21: End.

367 20 43
                                    

Carnivals.

Cotton Candies.

All she wanted was a fun day at the carnival.

But Yvon's family arrived early.

Sinindi ni Yvon ang kandila na natutunaw na at nilagay sa bedside table niya.

"Unique. Punta tayo sa perya?"

Kumuha si Yvon ng oversized hoodie at isang face mask para sa pagmumukha ni Unique tsaka sneakers at jeans.

Pinasuot na niya ito kay Unique.

"Sige."

Binulungan siya ni Yvon na lumusot sa bintana niya.

Bumaba si Yvon at pumunta sa nanay niya na nasa kusina.

"Ma, punta lang ako sa may perya." Pagpapaalam ni Yvon.

"Sige, ingat." At hinalikan si Yvon sa pisngi.

Nasa gate na si Unique at hinawakan ang kamay ni Yvon at naglakad papuntang perya.

Hindi naman ganoon kalayo yung perya, mga isang sakay lang ng dyip o UV Express.

"So, uh. Anong grade mo na sa pasukan?" Pagbasag ni Unique sa katahimikan.

"Uh... Grade 11."

"Ah, okay. Galingan mo!"

"Thanks."

"Hey.. Pangarap mo sa buhay?" Tanong ni Yvon.

"Teacher kaso di na 'ko nakapagtapos kasi nalulong sa droga."

"Oh."

"Ikaw?" Tanong ni Unique.

"Wala eh, makagraduate tapos tunganga sa bahay."

"Basta wag ka magdadrugs."

"Opo."

Nakikita na nila ang kay laki laking ferris wheel sa hindi kalayuang perya.

"Ayun oh! Ang ganda nung lights nung ferris wheel oh!! Wow!" Sigaw ni Unique, dahil sa excitement, lalong naging mahigpit ang hawak ni Unique sa wrist ni Yvon.

"UY! MASAKIT! pero seryoso ka? Ngayon ka lang nakakita niyan?" Pagtataka ni Yvon.

"Oo, huling dalaw ko sa perya mga bata pa ako eh." Sabi ni Unique.

"Ah okz," tumango nalang si Yvon.

Nang makarating sila sa carnival, ang unang sinaksyan nila ay ang carousel. Nagbayad sila at sumakay sa mga kabayo.

"ang saya no, Unique?"

"Thank you ah, Yvon." At nginitian niya si Yvon kahit hindi kita ang pagmumukha niya. "YEEHAW!"

Nang matapos ang ride number one, pumunta sila sa pangalawang ride, sa roller coaster na medyo extreme.

Siyempre di nila nakalimutang magbayad.

"Nakaupo palang ako nasusuka na ako." Sabi ni Yvon. "Please don't suka suka huhu." Pagmamakaawa ni Unique na nakaupo sa tabi ni Yvon.

"HOLY FUCK TANGINAAAAAAA!" sigaw ni Yvon. "WAG KANG MAINGAAAAAY!" sigaw naman ni Unique.

"AAAAAAAAAAA!" nandoon na sila sa paikot ikot. "EEEEEEEEH NASUSUKA AKO!!!"

"PLEASE WAG KA SUMUKA!!!!!!!" Sigaw ni Unique.

BEEP.

Tumigil na ang ride at bumaba na sila.

"Nawala yung suka ko." Sambit ni Yvon na mukhang relieved na relieved.

kandila • unique salongaWhere stories live. Discover now