Chapter 11

48.8K 1.1K 17
                                    


"WHAT? Ako? Magiging kapalit nya?Partner mo?" Gulat na tanong ko kay Alexander.

"Magandang Ideya yan Mr. Alexander." Pagsang-ayon nya kay Alexander.

"Ms. Cherry kayo nalang po ang pumalit sa kanya." Pagpipilit ni Maggie sa akin.

Etong dalawang to hindi dapat magkasama. Si Maggie pa naman laging sumasang-ayon sa mga mabilis na paraan para iresolba ang problema. Hayy.

Parang biglang lumutang ang utak ko dahil sa sinabi nya. Ako magiging Model? Pangarap ko ang maging model pero hindi sa ganitong paraan.

"No way! Ayaw ko. Iba nalang" Sagot ko naman.

"At sino naman kukunin mo?" Tanong ni Alexander saakin.

"Oo nga Ms. Cherry. Sino naman ang kukunin mo?" Tanong naman ni Maggie.

"Pwede tumahimik muna kayo?" Naiiritang tanong ko. Nag-iisip kasi ako ng paraan. At tumahimik naman silang dalawa. Mabuti na yon.

Nakita ko namang merong binulong si Alexander kay Maggie na ikinangiti nya at umalis.

"Saan pupunta yun?" Tanong ko kay Alexander. Ngumisi lang sya at umupo.

Pagkalipas lang ng ilang minuto may mga dumating sa studio.

"Xander! Cherry!" Napalingon kaming sabay ni Alexander sa tumawag saamin.

Ang Mommy ni Alexander dumating. May kasamang dalawang bata. Si Drina yung isa at ang isa naman ay hindi ko pa kilala.

"Cherry pinapunta ako ni Xander kasi hindi ka daw mapilit na maging model. Ay oo nga pala, I want you to meet Nyky. Pinsan sya nina Xander. 5 years old palang sya pero model na tong bata na to. Naisip ko kasi na since Summed Outfit ang theme nyo gawin nyong Family shooting. Para naman hindi ka mailang." Mahabang paliwanag ng Mommy ni Alexander. Pero maganda rin ang naisip nya. Family in Summer Outfit.

"Sige na po. Ako na po ang papalit." Pangsang-ayon ko. Nginitian ko ang Mommy ni Alexander at tumingin ako sa gawi ni Alexander na saktong nakatingin din saakin. Ngumiti ito ng sandali at nawala rin ang ngiti nya. Yung parang sakin nya lang pinakita ang ngiti nyang yon.

Agad naman akong nagbihis at pinalagyan ng make-up pati narin ang mga bata ay nagbihis na rin.

Nakasuot ako dress na sleeveless na napakaelegante kung titignan pero sexy ang dating.

Paglabas ko, nakita kong naka-abang sa labas si Alexander na nakasuot ng tshirt at short na pares ang print nito.

Ngayon ko lang sya nakita na ganun ang suot nya. Ang gwapo nya palang nakaganon.

"You're beautiful My Cherry." Sabi nya saakin. My Cherry? Naalala ko tuloy yung sa call kanina kaya dali-dali ko syang pinuntahan sa pwesto nya at piningot ko ang tenga.

"Ara---y! Cherry! Masakit. Bitawan mo na ang tenga ko." Pagrereklamo nya.

"Kung maka-My Cherry ka naman wagas. Eh may Fiance ka naman. Pwede ba tigilan mo na ang pagtawag mo saakin ng My Cherry." Sabi ko sakanya. Natigilan sya at tinanggal ang kamay ko sa tenga nya at tumayo sa harap ko.

"Fiance? Kailan pa ako nagkafiance? Ang pagkaka-alam ko wala naman akong Fiance pwera nalang kung gusto mong maging Fiance ko." Sabi nya naman. At ngumisi sya. Oh my Gulay! Nasisiraan na nga ata si Alexander. Pacheck-up ko na kaya? Pero mahal ang pampa-opera kung sakaling may sakit sya sa utak. Saan ako kukuha ng pera? Ay oo nga pala may pera naman sya. Mas mayaman pa pala sya saakin.

"Isa nalang talaga, bibingo kana saakin. Tigilan mo na ako. Sabi kaya sa call kanina nang tumawag ako sa phone mo, Fiance mo daw sya. Tinawagan pa akong slut."

"Tinawag ka nya nang ganun? That bitch. Wait. Ako na ang bahala sa kanya. Magsisi sya na ganun ang tinawag nya sayo." Saka sya may kinalikot sa phone nya. At tumawag.

'Hello! Fired that woman right now. Yes, The HR assistant. Leader . Fire her right away!' Saka nya binabaan. Ang bastos talaga ng taong to.

Maya-maya lang ay nagsimula na kaming magshoot. Habang tumatagal nakikita ko kung paano palapit ng palapit ang mga katawan namin. Chansing. Manyak siguro to.

Nakaupo ako ngayon at katabi ko yung dalawang bata at nasa likod ko si Alexander.

Nagtatawanan, nagngingitian, at makikitang masaya ang naging photoshoot na ginawa namin. At lumalapit na naman saakin si Alexander at niyakap ako. Manyak nga to. Una bewang ko, tapos yung mga braso ko tapos ngayon naman, kung makayakap parang ilang sandali lang ay mawawala ako. Ang sakit kaya ng yakap nya.

"Hoy Alexander! Masakit yakap mo.Promise! Bitawan mo na nga ako bago kita sipain at lumipad patungong pluto." Pagbabanta ko sakanya. Pero wala parin. Hindi nya parin ako binibitawan.

"My Cherry, I want a baby. No, I want to have family. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong saya." Seryosong sabi nya. Shocks, kung gayon pala ay bakit hindi pa sya mag-asawa. Family? May pamilya na nga sya tapos naghahanap pa sya. Baliw ba sya?

Akmang magsasalita na ako ng biglang may nauna na saakin na magsalita.

"Mooommmy! Si Kuya Xander gusto na daw na magkaroon ng Baby at magkaroon ng Family."

-----------------

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Where stories live. Discover now