Chapter 12

48.1K 918 10
                                    

-----------------------------

"Mooommmy! Si Kuya Xander gusto na daw na magkaroon ng Baby at magkaroon ng Family." Sigaw ni Drina sa mommy nya. Nakitang kong bumitaw na sya saakin at hinarap ang kapatid nya.













"Drina! Shhh!" Sabi nya sa kapatid nya. Pero hindi pinansin ni Drina ang sinabi nya at tumakbo pa ito sa Mommy nya at iniwan si Alexander. Agad naman nya akong hinila at dinala sa dressing room.














"Change your clothes now before I change your surname." Mabilis na sabi nito at umalis. Bakit nya naman papalitan ang surname ko?











Pagkatapos kong magpalit ng damit, nakita kong naka-abang sa pinto ng dressing room ang mommy ni Alexander.







"Nakita mo ba si Xander?" Tanong nya agad saakin.











"Kanina po kasama ko sya pero nagbihis lang po ako tapos nawala nalang po sya." Magalang na sagot ko. Tumingin ako sa paligid pero wal narin yung ibang staff at pati yung dalawang bata.











"Kung makikita mo si Xander, pakisabi nalang na umuwi muna sa bahay ha. May pag-uusapan lang kami." Pagkasabi nito ay umalis na rin sya. Sakto namang nagtext saakin si Alexander.










From: Alagang Nilalang,

Hey, nasa parking lot ako. Tapos ka nang magbihis? I'll meet you in the front gate. May pupuntahan tayo. Bilisan mo.

seen: 7:34pm



















To: Alagang Nilalang,

Eto na papunta na ako sa front gate.

sent: 7:35pm












Pagkarating ko sa Front gate, nakita ko agad sya na nakasandal sa kotse nya namay suot na black outfit. Leather jacket, black tshirt, black pants, black shoes, pati sasakyan ay salamin at black.


















"Pwede ka na palang maging miyembro ng  Men in Black ha." Bungad na sabi ko sa kanya. Tinaasan nya akong kilay at napatunganga sa sinabi ko. Pwede narin pala syang pumalit kay Madam Kilay si Alexander. Ang hilig magtaas ng kilay.
















"Men in Black? What is that? An organization? Gang? Mafia? Is that a group name? " Tanong naman nya saakin. OMG! Hindi nya alam ang Men in Black? Nanood ba ito ng TV?













"Seriously? Hindi mo alam ang MEN IN BLACK?" Hindi talaga ako makapaniwala na hindi nya alam ang Movie na yun.














"Magtatanong ba ako kung alam ko yun?" Pilosopo din pala tong isang to.












"Men In Black, sila yung nagmomonitor ng mga aliens na nasa Earth. Ang ganda pa naman ng palabas na yun, hindi mo pa pala napanood yun. Ang galing pa naman ni Will Smith at Tommy Lee Jones. Di bale kapag may free time ako ikukukwento ko nalang sayo yung mga nangyari." Saka ako sumakay sa kotse nya. Tuloy- tuloy lang kasi ako sa kotse nya habang sinasabi ko yun.















"Sumakay kana kaya dito ng makaalis na tayo! Gutom pa naman ako. Baka mamaya magwala na tong mga alaga ko sa tiyan." Nakatunganga lang kasi sya sa labas at parang nagloloading pa yung mga sinabi ko sa kanya. Agad naman syang sumakay sa kotse nya at nagstart ng mag-drive.












Kumain kami sa isang restaurant na may magandang scenery ba makikita. Ang ganda rin ng ambiance tapos ang gaganda rin ng mga kanyang pinapatugtog nila.












"Nga pala Alexander, may pinapasabi ang Mommy mo." Sabi ko kanya. Nakatingin lang sya saakin.










"What?" Walang gana nyang sagot. Ang tipid naman nyang magsalita.










"Umuwi ka daw sainyo ngayon dahil may pag-uusapan daw kayo." Tumango lang sya bilang sagot nya. Halatang pagod na sya. Sabagay, ang dami nyang ginawa ngayong araw na ito kaya siguro wala syang energy.












Pagkatapos naming kumain, akala ko ay ihahatid nya ako pauwi sa bahay ko, yun pala isasama nya daw ako pauwi sa kanila.










"Bakit kasi kailangan mo pa akong isama sa sainyo. Pwede naman akong sa bahay nalang kumain ulit kung nagugutom ako eh." Pagmamaktol ko. Hindi ko kasi talaga gets yung reason nya. Sabi nya kasi, 'Isasama kita pauwi sa bahay para kumain ulit kung sakaling magutom ka.'










"Remember the contract? Wag ka nang magreklamo at sumama ka nalang. Tsk." Sabi nya. May regla ba sya? Ang taray!

----------------

Pasensya napo kayo kung may mga Typo error po ako kasi sa phone lang po ako nag-update. Salamat~

BS#1: Oh My Billionaire! -COMPLETE-Where stories live. Discover now