Chapter X Complicated Love

132 6 0
                                    

"manong ben.. maari ba tayong sa sasakyan na lang mag usap"

"sige po master macky"

(naunang nag lakad si macky papuntang sasakyan samantalang nakasunod naman sakanya si manong ben na nag iisip na parang ibang tao na ang nasa harap niya ngayon.. ibang paglalakad.. posturang postura at may aurang nababalot ng tapang,galit at poot.. pag kasakay ng dalawa ay nag drive na si manong ben papaalis sa ospital)

"ahh manong ben?"

"po master macky?"

"ahmmm.. macario po ang tunay kong pangalan.. ngunit kung kayo po ay sana'y na akong tawagin sa ngalang iyan ay ayos lamang po sa akin"

"masusunod po"

"ahhh.. nais ko po sana munang pumunta sa isang lugar kung saan may makikita akong dagat.. maaari niyo po ba akong dalihin doon?"

"sige po.."

(habang nasa byahe ay nag kwento si macky tungkol sa sarili niya at kung sino siya bago mapunta sa panahong ito.. ilang oras ang lumipas ay nakarating na sila sa manila bay.. agad bumaba si macky at naupo sa bench.. malalim ang iniisip nito.. mababasa sa kanyang mukha ang labis na pagkabalisa)

*FLASHBACK*

"una at ikalawang pangkat! Palibutan ang paligid bago ang tarangkahan maghanap ng mas mataas na lugar kung saan di kayo kaagad mapapansin doon sa gilid ng kabundukan. Ikatlo at ikaapat kayo ang magsisilbing bantay natin sa tarangkahan.. Ikalima at ikaanim kayo ang mag sisilbing ikalawang hanay sa tarangkahan. Ikapito, ikawalo at ikasiyam na pangkat sumama sa akin. ikasampung pangkat samahan ninyo ang mensahero at sabihan ang supremo sa mga kaganapan dito. Humingi kayo ng karampatang saklolo. MAGSIPAG HANDA ANG LAHAT! PARA SA KALAYAAN! MABUHAY ANG PILIPINAS!!"

"MABUHAY!"

"Heneral! Tumakas na kayo kami ng bahala dito!"

"PARAR! INDIO! INDIO!"

"IKAW! Isa kang traydor sa bayan! Lapastangan ka!"

"TAMPALASAN KA DIONICIO!"

*GUN SHOT*

*REALITY*

(naka tingin lamang sa malayo si macky at nag iisip isip kung paano siya naka rating sa hinaharap.. nais niyang malungkot ngunit napagtanto niya ang kagandahan at kapayapaan sa paligid.. maya maya ay lumapit si manong ben na may dala dalang pagkain para sa kanilang dalawa..)

"Ahh.. Master Macky.. siguro po ay gutom na kayo.. bumili po ako ng pagkain para sa ating dalawa"

"salamat po manong ben"

"ahhh.. mukhang malalim po ang iniisip niyo.. ano po ang bumabagabag po sa inyo? maaari ko po bang malaman?"

"Ito.. manong ben... ang simoy ng hangin.. ang mga malayang taong nag tatawanan at nag sasaya sa paligid.. mga batang nakaka pag laro ng habulan ng walang inaalala.. hindi naman po sa bumabagabag ngunit.. ang kalayaang ito... hindi ko maubos isipin na ang pinag laban namin noon ng buhay, pawis at dugo namin.. ay mag reresulta sa ganto.. na ang napakailap na kalayaang pilit naming inaabot noon ay mapakikinabangan ng ating mga kababayan ngayon.. akala ko noo'y walang patutunguhan ang lahat.."

(biglang napaluha si macky habang nag kukwento kay manong ben)

"kinaiinggitan ko ang mga batang ito.. malaya nilang nakakasama ang kanilang mga magulang.. ngunit ako.. maswerteng may naka dampot sa akin ng itapon ako na parang hayop ng aking mga tunay na magulang.. oo nakuha ko ang aruga na kinakailangan ng isang bata mula sa ina.. ngunit sa gantong edad.. imbis na makipag habulan at mag hanap ng kalaro... rebolber... tabak... at bala ang aking naging laruan.. noong kabataan ko... hindi ka makakapag laro ng ganto kalaya.. dahil ang panganib ay hindi mo malalaman kung kailan darating... masaya akong.. sa panahong ito... ang dating sa panaginip lang namin inaasam ay nasakatuparan na.. napaka sarap....... napaka sarap ang mabuhay sa inyong panahon.."

Love BoundsWhere stories live. Discover now