Chapter XIV This day.. I realized

120 3 0
                                    

"Ada I'm sorry I did not mean to... ahh.."

*sob*

(crying) "sa susunod kapag aalis ka! Mag paalam ka!! Hindi yung bigla ka na lang aalis!! Di ko alam kung anung gagawin ko!! Di mo ba alam na aligaga ako nung magising akong wala ka na sa tabi ko!! Di mo alam kung anung pinag dadaanan ko! Hindi mo alam ang pakiramdam ng maiwan at mag isa!! Hindi mo ala...."

*hugs*

"Shhhhh... sorry na.. don't cry... I will not do that again.. hush down"

(crying) "bakit ba kasi!! Ikaw!!"

Macky's POV

"yeah.. bakit ba kasi ako? And yes.. bakit ba siya? I mean yes.. there's nothing wrong about loving someone.. but until now.. I'm still thinking.. wondering if loving someone that does not exist in my time... right.. Hearing those words from her.. It made me realize na ba ka may alam na siya tungkol sa akin.. kung sino ako.. but because of that love.. still.. she chooses na mag tikom ng bibig.. I keep on hurting her un intentionaly because of this love... this right love at the wrong time.."

"Macky!!!"

"Yes dear??"

"Halika na!! Gusto mo ba jan na tumira sa isla!!?? Iiwan ka na namen!?"

"Oh... yeah eto na nga!!"

Macky's POV

"Eto ang isang characteristic na gusto ko kay ada.. parang bata... well not necessarily isip bata but sometimes yes.. that attitude na when you do something to her na nakapag pasama ng loob niya.. yes she'll cry but after that.. makapag sorry ka sakanya.. parang wala ng nangyari"

-yacht-

-10:00 am-

"Macky! Where's your phone?"

"Oh here!"

"Oh yes! Haha!"

*click*

*click*

*click*

*click*

"Hoy!! Ano yan!!? Ha!? Pag na virusan yan phone ko nako! Nako!"

"Ang salbahe mo!! Parang sinabi mong ka virus virus ang mukha ko ahhh! Ayan na nga phone mo!!"

"To naman jinojoke lang.. oh to na oh! Picture na tayo!"

*click*

Macky's POV

"Photo... Picture.. I wish... I wish.... I can do the things that a camera can do.. preserving time... precious time I say.. staying at those beautiful memories.. pausing it and making it last for years.. this.. this day.. I realized.. I.... I don't want to go home from the place I've been.. because for now.. I get used to this.. this kind of life.. with her... and this... this is my home.. the place where I really belong.. here.. beside ada"

-Cheszna's Residence-

-5:00 pm-

"Ahhhhhhhh!! Yes!!! Finally we're home!!!!! Ahhh I miss my bed!!"

"welcome back ms. Ada"

"Ahhhhh!! Butler ben!! I missed you!!!"

*hugs*

"Ahh butler ben paki paakyat niyo na lang po yung mga gamit namin sa kwarto ahhh.. mag papahinga na kami... let's go mackysig!"

"Mauna ka na susunod ako.."

"Ok then! My bed!!!! Here I come!!!!!!!!!!"

"Ahhhh manong ben... may I have a minute... in private"

"Yes master macky"

-study room-

"Manong ben... gusto ko pong mag pasalamat sa lahat ng naitulong at nagawa ninyo para sa akin.. kung ano man po ang nalalaman ko ngayon ay utang na loob ko po iyon sa inyo"

"Ginagawa ko lamang po ang tungkulin ko at kung ano ang ipinag utos sa akin"

"Manong ben.. nais ko po sanang humingi ng pabor sa inyo.. maari niyo po ba akong tulungan?"

"Sabihin niyo lang po master"

"Manong ben... sa palagay ko po ay may alam na si ada tungkol sa akin.. sa kung sino ako.. ang totoong pagka tao ko.. ngunit sa tingin ko'y nag kikibit balikat lamang siya at mistulang nag tetengang kawali sa lahat ng nalalaman niya't naririrnig tungkol sa akin.. manong ben.. ayoko na pong masaktan pa siya ulit at makitang lumuluha ng dahil sa akin.. sa sitwasyon namin"

"Ano po ang plano niyong gawin?"

"Manong ben nais ko pong lumayo na.. mabuhay ng sarili ko... masanay na wala ang lahat ng ito.. upang sakali.. kung ako man ay babalik... sa lugar kung saan ako talga nararapat.. ay madali akong makaka limot at mabuhay ulit ng naaayon sa'king panahon"

"Buo na po ba ang inyong desisyon master macky?"

"Opo manong ben.. pinag isipan ko na po itong maiigi habang kami'y nasa isla ni ada"

"Kung gayon po.. kailan ninyo balak na umalis"

"Balak ko po sana ngayong madaling araw.. kapag tulog na ang lahat"

"May naisip na po ba kayong maaring puntahan?"

"Sa totoo lang wala pa ho ngunit nais ko po sana'y sa lugar kung saan may dagat"

"Kung ganun po ay may alam akong lugar.. sa amin pong probinsya tahimik at payak lang ang pamumuhay.. mayroon po akong bahay na ipinundar doon kung sakali na ako ay titigil na sa trabaho.. ipapagamit ko po muna ito sa inyo"

"Manong ben.. bagamat nahihiya ako ay tatanggapin ko ang inyong alok.. maraming salamat po"

"Ah master macky may isa po akong hiling"

"Ano po iyon?"

"Hayaan niyo pong ako na ang mag handa ng dadalhin ninyong mga damit at ihatid kayo ng personal sa lugar na iyon.. gusto kong pag silbihan kayo sa huling pag kakataon"

"Maari ninyong gawin ang inyong nais"

"kung ganun maiwan ko na po muna kayo"

"Salamat manong ben"

(Pumunta si macky sa kwarto ni ada at sinilip ito.. mahimbing sa pagkakatulog ang dalaga.. habang minamasdan ay nangingilid ang luha ng binata.. matapos ay bumalik siya sa study room para mag sulat ng liham para kay ada)

-1:00 am-

"Master macky handa na po ang inyong mga gamit.. inihanda ko na din po ang sasakyan maari na po tayong umalis.."

"Mauna na po kayo sa garahe may kukunin lang po ako saglit"

(Bumalik sa kanyang kwarto ang binata at kinuha ang isang litrato ni ada na may pirma nito sa likod.. matapos ay pumasok siya sa kwarto ng dalaga at iniwan sa ilalim ng lamp shade ang isang liham.. nangingilid nanaman ang luha ng binata)

"Goodbye ada"

*forehead kiss*

"Uhmmmmm"

(Mabilis na lumabas ng kwarto ang binata ng makitang maalimpungatan si ada.. agad itong tumungo sa garahe kung saan nag hihintay ang butler)

"Wala na po ba kayong naka limutan?"

"Wala na po manong ben.. tara na po't humayo"

-macky's pov-

"Lilisanin ko ang bahay na ito.. ngunit ang lahat ng magagandang nangyari ay babaunin ko hanggang sa huli kong hininga"

(samantala sa di kalayuan ay may nag mamasid)

"boss nagawa ko na po ang pinag utos niyo"

"Good job kid! Now let's wait again and see"

Love BoundsWhere stories live. Discover now