Chapter Twelve

4.3K 195 13
                                    

Kahit napagalitan si Blaster ng management dahil sa biglaang pagbaba niya sa stage kanina parang wala lang sa kaniya. Nagtatawanan na nga sila ngayon habang nasa loob kami ng van. Naintindihan naman ni ate Bel, pero may point pa rin na pinagsabihan niya si Blaster na huwag masiyadong magpapadala sa emosyon. Baka raw pag naulit ay pagbawalan na nila akong um-attend ng gigs nila (pero biro lang naman daw).

"Okay ka lang?" Nagulat ako nang biglang tumabi sa'kin si Blaster at isinandal ang ulo niya sa balikat ko. Ginulo ko na lang ang buhok niya. Mukha siguro kaming ewan habang pinagtitinginan kami nila ate Shanne.

Pagkababa namin sa van para kumain, magkasama pa rin kami ni Blaster. Nagulat tuloy ako no'ng bigla akong hilahin ni ate Shanne at ni ate Aimee.

"Honestly, sobrang cute ninyong dalawa," nakangiting sambit ni ate Shanne. Napangiti na lang ako dahil nahihiya pa rin ako sa kan'ya. Sobrang ganda niya talaga, pakiramdam ko kinekuwestiyon na ng inner self ko kung babae ba talaga ako.

Kumbaga, epitome of beauty na siya. Nakakaloka.

"How did you two meet? Aside from you being Zild's relative?"

Ngumiti ako, "Ano po, 'yun lang talaga. Tapos nagkikita kami sa school, hinahatid niya ako lagi. Tapos hanggang sa biglang ganiyan na siya." Napahagikgik naman silang dalawa habang papasok kami sa loob ng restaurant. Napalingon naman ako kila Blaster na nakikipagkulitan kila Zild.

Nang makahanap na kami ng table ay kami pa rin nila ate Aimee ang magkakatabi. Ang dami nilang kuwento sa'kin tungkol sa kakulitan ni Blaster and also the whole band. Tapos heto naman ako, parang naiilang na ewan dahil nakatitig sa'kin si Blaster—tapos bigla kong naalala 'yung paghalik niya sa noo ko.

"Holy shiz," bulong ko.

"Bakit?" tanong ni ate Shanne. Napalingon naman ako sa kaniya, umiling at ngumiti para malamang wala naman talagang problema.

Wala ba talaga?

Bigla ko tuloy nilabas 'yung phone ko at tinext si Blaster. Agad naman niyang na-receive 'yung message. Tumayo naman siya kaagad at lumapit sa amin, "Ah, excuse me lang. Usap lang kami ni Cass," sambit ni Blaster. Tumango naman sila ate Shanne at ate Aimee, kaya tumayo na ako at sumama sa kaniya palabas.

"Blaster..." panimula ko. "For sure... kalat na sa social media 'yun. Ano naman sasabihin nila sa'kin? Na ginagawa kitang rebound? Ayaw ko naman no'n. Halos alam ng buong school na ex ko si Dane, Blaster."

"Natatakot ka ba? Bakit? Tell me," sagot nito at hinawakan ang mga kamay ko. Napayuko naman ako at napa-buntonghininga.

"Blaster... ewan ko, ang bilis kasi ng phasing 'di ba? I mean, I won't deny. There's also something inside me that's reserved for you. Pero, don't you think it's too early? Baka nabibigla lang tayo? Baka nabibigla ka lang?"

Napangiti naman nang bahagya si Blaster, "Cass, look at me." Blaster held my chin and raised my head, high enough for him to meet my eyes. Suddenly, I felt that connection again, as I slowly drown in his stares with those dark brown eyes that I could never resist. "Trust me, okay? Oo, alam ko mabilis 'yung phasing. But, I've been longing for this to come. You are safe with me, Cass. Please don't worry. I will protect you, whatever it takes."

I smiled.

"Thank you," bulong ko. Hinila naman ako ni Blaster at niyakap nang mahigpit while running his hand through my hair.

"Can you feel it?" I uttered as I seize the moment of the two of us together, like we created our own small world.

"The connection?" Blaster asked in response. Napatungo tuloy ako ng ulo ko at napangiti. Ngumiti rin siya pabalik, "I've been feeling it ever since I met you way back in Junior High, sabi ko, holy crap ito na yata."

"Ha? 'Yung alin?"

"Sabi ko ito na yata 'yung makakasama ko habambuhay."

Holy shiz.

I've never felt this happy before.

No'ng kami pa ni Dane, oo masaya ako pero ando'n din 'yung doubts dahil biglaan lang din kami, kaya 'yung doubts na 'yun nararamdaman ko rin ngayon.

Pero, unti-unti nawawala 'yun. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa kaniya, pero sobrang pinapagaan niya ang damdamin ko. Kahit ano'ng gawin niya, na kahit ano'ng sabihin niya sa'kin magiging okay na 'yung pakiramdam ko.

Napa-buntonghininga na lang ako at isinandal ang ulo ko sa balikat ni Blaster. Habang bumabiyahe ay tinignan ko na lang muna ang Twitter ko, napa-buntonghininga naman ako no'ng ang dami kong nakitang photos namin ni Blaster pero may mas nakakuha ng atensyon ko.

"Gwapo ko diyan." Natawa ako.

"Bakit parents sinasabi nila?" natatawang sambit ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Bakit parents sinasabi nila?" natatawang sambit ko. Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti.

"Masaya." Napairap na lang ako sa kaniya.

"Bwisit ka," natatawang sambit ko. "Bahala ka nga." Aalis na sana ako sa pagkakasandal ko sa balikat niya, pero hinila naman niya ako pabalik.

"Huwag ka ngang umalis," bulong niya. "Dito ka lang."

"Wow, iiwan kita?"

Napapikit naman si Blaster, pagkadilat ng mata niya ay napansin ko ang lungkot sa mga iyon kaya bigla akong nag-alala, "Hala... may problema ba?" tanong ko.

Napangiti lang si Blaster at niyakap ako, "Wala. Huwag ka lang aalis. Hindi ko kaya na mawawala ka. Huwag mo nang uulitin 'yun."

Napakunot naman ako ng noo, "Trip mo?" natatawa kong sambit kahit sa totoo lang ay kinakabahan na ako sa mga kinikilos ni Blaster. Biglang nagbago 'yung mood. Maingay sa loob ng van dahil nagkukulitan sila Zild, pero pakiramdam ko wala akong marinig. 'Yung naririnig ko lang ay 'yung pintig ng puso niya at 'yung mabibigat niyang paghinga.

Napa-buntonghininga na lang ako at niyakap na lang siya nang mahigpit, "Kung may problema ka sabihin mo lang din sa'kin," sambit ko. "Don't hide things from me, Blaster, and I won't hide things from you."

Napangiti naman siya, "Don't worry, Cass. I won't hide things," he uttered. "I'll be completely vocal with you, just promise me that you won't leave. Okay? Hindi ko na yata kakayanin kapag pati ikaw iiwanan mo ako."

I made face and pinched his chubby cheeks, "Ang drama mo ngayon," natatawang sagot ko.

Ngumiti naman si Blaster, "I just can't lose my property, not now, not ever."

By ChanceWhere stories live. Discover now