Chapter Thirty Five

2.1K 127 29
                                    

Thank you. Labyu --Unique to Blaster.

:>

**

Blaster saw us—Unique and I—while he was dragging me out of a dramatic scene like some sort of melodramatic movie. Akala ko sa movies lang 'yung gano'n, pwede rin pa lang mangyari sa buhay ko.

Very nice. Pwede na talaga kami sa TV.

"Ano ba'ng nangyari?" Unique said out of the blue, tinignan ko naman siya pero naka-focus lang sa daan 'yung mga mata niya. Napayuko na lang ako.

"Hindi ko rin alam," sambit ko. "Hindi ko talaga alam." Napapikit ako ng mga mata ko. Gustong-gusto kong yakapin ang sarili ko nang mahigpit kung kaya ko nga lang, pero sobrang nanghihina ako. Sobrang naaawa ako sa sarili ko, to the point na gusto ko na lang gumive up. Nakakapagod. Paulit-ulit. Kung tutuusin, I gave him the chance. Sobrang dami na ngang chances 'yung binibigay ko.

Nakakapagod pala kapag ginagano'n ka lang nang paulit-ulit.

I can't even find a good explanation kung bakit gano'n. Kung bakit niya hinalikan si Crys.

Sana nakinig na lang ako sa kan'ya.

Sana hindi na lang ako umalis. Sana hindi ko na lang siya hinabol.

I should have just stayed. E 'di sana ayos na lang, okay lang kami.

E 'di sana bulag pa rin ako sa katotohanan.

Unique's silence felt comfortable. Hindi na niya kailangang magsalita para gumaan kahit pa paano ang pakiramdam ko. His silence was already enough. Just enough to make me feel sane.

Pakiramdam ko kasi nababaliw na ako.

"Gusto mo munang kumain?" Tumango na lang ako. Wala talaga akong balak kumain, pero hinayaan ko na lang si Unique sa gusto niyang gawin. Kahit naman kasi humindi ako, pipilitin niya pa rin ako, aasarin na mukha na akong kalansay sa sobrang payat ko.

Tumigil kami sa isang fast food restaurant, "Suot mo. Baka makita ka nila." Iniabot niya sa akin ang isang hoodie. Sinuot ko naman kaagad at inalalayan niya na akong bumaba kasi sobrang nanghihina ako. Pwede pala 'yun? You just feel weak, walang ganang gumawa, gumalaw or even mabuhay. Parang dala-dala mo lahat ng problema ng Universe.

For the nth time, sana hinayaan na lang akong mamatay no'ng nagligtas sa akin.

Pagkapasok namin, maraming tao kaya binaba ni Unique ang suot-suot niyang beret para hindi siya mapansin. May ibang nakapansin sa amin, 'yung iba gustong lumapit pero nahalata rin yata na pareho kaming wala sa mood.

"Ano gusto mo?" tanong ni Unique pagkaupo ko. Tumingin lang ako sa kaniya at ngumiti.

"Mamatay." Napapikit naman ako nang bigla niyang pitikin ang noo ko.

"Para mo na ring sinabi na magpakamatay ako," sambit niya. "Bahala ka, oorder ako ng kahit ano, kainin mo." Tumango na lang ako at umalis na si Unique para um-order.

I sighed. Ramdam kong nagva-vibrate na naman 'yung phone ko kaya nilabas ko. Pagkabukas ko, pangalan kaagad ni Blaster ang bumungad kaya in-end ko na lang.

Suddenly, I was at the verge of crying again upon reading his messages.

Ter: baby, listen. It's not what you think it is, please let me explain. Hear my side.

Ter: baby. Please, mahal na mahal kita. Sabi ko ikaw lang 'di ba?

Ter: I'd rather kill myself than to see you with him again.

Ter: Of all people, Cass. Si Unique? Si Unique pa rin?

I scoffed.

Me:  you wanted a show right? Show lang tayo 'di ba?  Ito na show mo. Enjoy watching.

I replied before deleting his number. It just felt exhausting. Nakakagago.

Sakto naman pagkalapag ko ng phone ko, dumating na rin si Unique bitbit ang isang tray ng pagkain namin. Kahit wala akong gana, sinubukan kong ubusin. Buti na lang konti lang din ang in-order niyang pagkain ko kaya kinaya ko naman.

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ni Unique at uminom mula sa soda niya. Napayuko ako at napa-buntonghininga.

"Ayaw ko munang makita si mama," sambit ko. "Sigurado kasama niya si daddy."

Unique sighed at hindi na lang muna nagsalita. Hinayaan niya lang akong kumain nang tahimik bago kami umalis. Alam kong we're triggering a lot of issues again, pero wala na akong pakialam. Sobrang wala na talaga. Nakakapagod nang magkaroon ng pake tapos at the end of the day, masasaktan lang din ako.

I told him I'll trust him, pero hindi naman 'yung ganito. Sobrang sakit. Pakiramdam ko, para na rin niya akong pinatay. 

Tahimik lang kaming umalis at bumiyahe sa kung saan. Hinayaan ko lang mag-drive si Unique dahil drain na drain na ang buong pagkatao ko. Medyo na-bother lang ako dahil kanina pa ring nang ring 'yung phone ni Unique, pero hindi niya pinapansin.

"Sagutin mo muna kaya," sambit ko at iniabot ang phone niya sa kaniya. Ngumiti lang si Unique, pero nakatingin pa rin siya sa daan. 

"Si Kean lang iyan," sambit niya. "May final rehearsals kasi kami pero sabi ko pupunta lang ako ng mall para bumili ng pagkain, tapos nakita naman kita."

Saka ko lang na-realize, Sabado nga pala bukas--September 29, concert ni Unique.

"Hala..." bulong ko sa sarili ko. "Balik na lang tayo. Uuwi na lang ako." 

Natawa naman siya, "Sobrang baduy ba kung sasabihin kong prayoridad kita?" Tinitigan ko lang siya. I was taken aback. Alam kong vocal si Unique sa nararamdaman niya, but I never expected him to be this vocal. 

Hindi na lang ako umimik. Hinayaan ko na lang ulit siyang mag-drive hanggang sa itigil niya ang sasakyan.

The place looked familiar, saka ko lang din na-realize na nasa gallery kami ni Unique. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa likod.

"Kumakalma ako kapag nandito ako," sambit ni Unique habang nakaupo kami sa damuhan at nakatingin lang sa kalangitan. Ang ganda ng langit ngayon, maraming bituin, wala ring ulap kaya kitang-kita. "Hanggang kailan mo ba pipiliin si Blaster, Cass?"

Napalunok ako.

Lagi ko siyang pipiliin, pero mali na e. Maling-mali na.

"Hindi ko alam," sambit ko at niyakap ang mga tuhod ko. "Nakakapagod na rin siyang piliin, e. Kasi siya lagi 'yung pinipilit ng puso ko, ng isip ko. Nakakapagod siyang mahalin pero hindi ko alam kung bakit masaya ako kung kasama ko siya." Nagsimulang pumatak ang mga luha mula sa mga mata ko. Hinayaan ko na lang. 

"Kailan mo ako pipiliin?" Napatingin ako kay Unique, pero hindi siya tumingin sa akin. "I can be anything you want me to be. I can even lose everything, para sa'yo. Pero bakit siya pa rin? Ano ba'ng kulang ko? Ako 'yung laging nandito kapag nasasaktan ka, ako 'yung laging nagpapatahan sa'yo, pero bakit at the end of the day, siya pa rin? Siya pa rin 'yung babalikan mo, kahit wala nang kasiguraduhan?" Napatingin siya sa akin. Hindi ko napigilang mas maiyak pa lalo nang mapansing umiiyak na rin siya.

Pero, ngumiti siya. 

"Masakit, Cass," sambit niya. "Masakit, kasi never mo akong pinili. Pero ayos lang." Ngumiti siya, pero kasabay no'n ay ang pagpatak ng masaganang luha mula sa mga mata niya. "Ayos lang kasi kahit pa paano napapangiti kita. Ayos lang, kasi kahit pa paano napapasaya sa paraang hindi niya kaya. Pakiramdam panalo na'ko no'n. Pero sa huli, nare-realize ko rin na, talo ako. Kasi hindi pa rin ako ang pipiliin mo, hindi pa rin ako 'yung tatakbuhan mo, hindi pa rin 'yung sasabihan mo ng mahal kita. Siya pa rin." Napayuko na lang siya habang humihikbi. Napakagat ako ng ibabang labi ko.

Ganito na ba ako ka-unfair?

"Unique... sorry... ayaw ko namang maging unfair sa'yo. Hindi ko alam... I didn't mean to. Sorry kung lagi kitang sinasaktan, sorry kung ganiyan ang nararamdaman mo. Sorry..."

Tumungo si Unique, tumingin sa akin at ngumiti.

"Ayos lang, basta masaya ka, masaya na rin ako," sambit niya at hinila ako saka niyakap nang mahigpit. "Hanggang dito lang siguro talaga ako." 

By ChanceWhere stories live. Discover now