Prologue

739 32 9
                                    

Iminulat ko ang aking mga mata. Tinitigan ko lang ang puting kisame dahil tinatamad pa akong bumangon. Nang ipikit kong muli ang aking mata, ang magandang mukha ni Ana ang agad kong nakita. Napangiti ako at minabuting bumangon na sa kama. Tiningnan ko ang wall clock.

8am.

Naligo na ako at nagbihis bago lumabas ng kwarto. Sinuot ko ang kulay light pink na long sleeves. Regalo ito sa akin ni Ana nang nagdiwang ako ng kaarawan noong isang linggo. Hindi ko hilig ang kulay pink pero sabi niya sa akin, "Real men wear pink." Napa-oo na lang ako sa kanya at tinanggap ang regalong alam kong pinagipunan niya upang mabili. Napasulyap pa ako sa logo ng crocodile na nasa kaliwang bahagi ng aking damit.

"Ma, alis na po ako," paalam ko sa aking ina nang makababa ako sa hagdan. Nasa sala siya at nakaupo patalikod sa akin. Abala siya sa paggantsilyo sa isang rocking chair na nakaharap sa bintanang natatakpan ng makapal na kurtina. Gusto ko sanang buksan ito para pumasok ang sinag ng araw sa bahay. Ngunit, ayaw ni Mama. Pagagalitan niya ako.

"Ma, alis na po ako," ulit ko sa kanya. Ngunit, nanatili siyang walang kibo. Mas inaalala pa niya ang ginagantsilyo kaysa kanyang anak na ngayon lang muli nakauwi sa probinsiya. Simula pa lang noong bata pa ako, hilig na talaga niya ang mag-gantsilyo at gumawa ng mga medyas at boneta.

Napailing na lang ako. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Hindi na ako kakain sa bahay dahil hindi naman nagluto ang aking ina. Matagal ko nang tinanggap sa sarili ko na independent na ako sa buhay. Kahit hindi ako inaasikaso ng aking ina, masaya pa rin ako dahil nadaratnan ko siya rito sa bahay sa tuwing ako ay uuwi. Matapos uminom ay dumaan muna ako sa altar para mag-antanda ng krus. Nakita ko ang aking ama na nasa tapat nito.

"Pa, alis na po ako," paalam ko sa kanya. Ngunit katulad ng aking ina, wala rin siyang kibo. Ang sweet talaga ng mga magulang ko. Napaka-thoughtful, 'di ba?

Sa totoo lang, labing-isang taon ako nang simulang mawili ang aking ama sa pagdarasal sa altar. Tantya ko ay nasa langit na ang kaluluwa niya dahil sa pagiging madasalin. Lagi siyang nakaharap sa rebulto ng Sto. Nino at ng Mahal na Birhen. Sa sobrang pagkaabala ng mga magulang ko, minsan nakakalimutan na yata nilang may anak sila. Isa itong dahilan kung bakit bihira lang akong umuwi sa probinsiya. Sa Maynila rin ako nagkolehiyo at umupa ng bahay roon hanggang sa makatapos. Kahit na abala sila sa kani-kanilang gawain, masaya pa rin ako dahil narito sila sa bahay. Sapat na ang kanilang presensiya. Maaari ko silang makasama sa tuwing nanaisin kong umuwi sa probinsiya. Ilang saglit na lang at makikilala na nila ang babaeng kanilang magiging manugang.

"Aalis na po ako. I love you po," paalam ko sa kanilang dalawa. Lumabas ako ng bahay at kinandado ang pinto.

Sumakay ako ng kotse.

Kailangan ko pang bumiyahe ng dalawang oras para makarating sa Maynila kung saan kami magkikita ni Ana. Ngayon ang araw na tatanungin ko siya kung papayag ba siyang makasama ako habang buhay. Siya ang kauna-unahan kong kasintahan at nangako ako sa sarili kong siya na ang magiging huli. Mahal na mahal ko siya kaya handa akong gawin ang lahat makasama lang siya. Sabi ng iba, walang forever. Pero ngayong araw, patutunayan kong meron. I'll prove to everyone that forever does exist. Because, I'm willing to keep Ana forever and always...

Forever And AlwaysWhere stories live. Discover now