Forever Starts Tonight

401 23 5
                                    

Archie's POV

Inihinto ko ang aking kotse sa parking lot ng Megamall kung saan kami magkikita ni Ana. Sumulyap akong muli sa rearview mirror para ayusin ang aking buhok. Inayos ko rin ang kwelyo ng aking polo. Kinuha ko ang isang pink na tulip sa passenger seat bago bumaba ng kotse.

Pinuntahan ko siya sa Mcdo kung saan siya naghihintay. Napangiti ako nang makita siya. Busy siyang naglalaro sa kanyang cellphone. Nakakunot pa ang noo niya. Probably, she's playing mobile legends. Namangha rin ako sa suot niyang dress. Kahit nakaupo, I can already see her perfect curves. Ilang saglit pa ay lumingon-lingon siya sa paligid. Mukhang naramdaman niyang parating na ako. I just love her instincts. Nang magtama ang aming mga mata, ngumiti siya abot-tenga. I just love her perfect set of teeth. Her smile is infectious.

Lumapit ako at tumayo siya sa kanyang pwesto.

"A tulip for you because you're too perfect for me," bati ko sa kanya sabay abot ng bulaklak sa harapan niya. Kinuha niya ito at inamoy-amoy.

"Thank you. Pero, bakit isa lang?" nakangiti niyang tanong sa akin habang nakatitig sa mga mata ko.

I immediately kissed her lips. Nabigla siya sa ginawa ko.

"So, ayan, two lips na," biro ko sa kanya. Marahan niya akong hinampas sa balikat. Nakaramdam yata siya ng hiya dahil pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid.

"I really love your sense of humor," tugon niya.

"So, let's go ahead?" aya ko sa kanya at umangkla na siya sa braso ko.

"Let's go but wait... Kumain ka na ba?" tanong niya sa akin.

"I already did. I ordered burger and fries sa drive thru on my way here," tugon ko.

"Ah, kaya pala lasang burger 'yong halik mo," biro niya sa akin. Marahan kong ginulo ang kanyang buhok at sabay kaming tumawa. Naglakad na kami papunta sa aking kotse.

"Ano itong mga binili mo?" usisa ni Ana nang makapasok kami sa kotse. Nakaupo siya sa passenger's seat at napansin ang ilang gamit na binili ko na nakalagay sa backseat.

"May borax at plaster of paris pa," ani Ana nang kinuha niya ang plastic at inilagay niya sa kanyang lap.

"Wala 'yan. I'll use it later. Ibalik mo na 'yan dahil baka madumihan ka pa," tugon ko sa kanya. Sinunod naman niya ang utos ko. Mabuti na lang at hindi niya inusisa ang dashboard dahil naroon ang isang sorpresa ko para sa kanya.

"Kinakabahan ako, lalabs," bulong niya sa akin habang tinatahak namin ang EDSA. Mabuti na lang at Sabado ngayon. Maluwag ang kalsada.

Hinawakan ko ang isa niyang kamay.

"There's no need to worry. Mabait ang mga magulang ko. Tahimik lang sila pero you'll love them, I promise," tugon ko sa kanya habang hindi ko inilalayo ang tingin sa kalsada.

Tumigil ako saglit nang maging pula ang stoplight. As usual, tumingin ako kay Ana at hinalikan siya sa labi. Nakagawian na namin ito. Kissing under the red light. It's our own unique gesture eveytime na bumibyahe kami. Kaya kung ilang beses kami humihinto sa red light, ganun din karami ang paghalik ko sa kanya. Umangkla siya sa braso ko.

"Sana ganito pa rin tayo kahit matatanda na tayo," bulong sa akin ni Ana habang nakatitig sa traffic lights na ilang segundo ay magiging berde.

"Oo naman, bakit hindi?" tugon ko sa kanya. Nag-berde ang traffic lights at inayos ni Ana ang kanyang pagkakaupo.

"By the way, I already told Mama na gabi ang dating natin sa bahay," sabi ko kay Ana.

"Actually, mas okay sa akin iyon kasi mas maganda ako kapag gabi! Hahahaha" biro ni Ana.

Forever And AlwaysWhere stories live. Discover now