Meet The Girlfriend

500 27 7
                                    

Ana's POV

"Hello, lalabs? Nasaan ka na?" bati ko kay Archie sa kabilang linya. Nakaupo ako sa loob ng Mcdo sa Building A ng Megamall. Umorder na ako ng breakfast habang naghihintay sa kanya. Mabuti na lang at bukas na ang fastfood chain na ito kahit hindi pa bukas ang main mall.

"I'll be there in a bit. I love you," tugon ni Archie sa kabilang linya.

"Mag-ingat ka sa pagmamaneho. I love you too," tugon ko sa kanya at ibinaba ang cellphone.

Napangiti ako nang ibinalik ko sa aking bag ang cellphone. Looking forward ako sa pagkikita namin. Medyo assuming ako sa maaaring mangyari ngayong araw. Excited ako at kinakabahan din.  Sinuot ko pa nga ang bago kong biling white dress na hapit sa katawan ko.

Limang taon na kami ni Archie pero ngayon pa lang niya ako dadalhin sa kanilang probinsiya. Ipakikilala raw niya ako sa kanyang mga magulang. Batid kong medyo natagalan on his part para ipakilala niya ako sa mga magulang niya. Kilala na kasi siya ng mother ko simula nang magkakilala kami. Muling bumalik sa akin ang lahat nang nangyari sa nakaraan - kung paano kami nagsimulang magkakilala ni Archie.

Simula nang mag-college naging mailap ako sa tao. Hindi ko masyadong kinikibo ang aking mga kaklase. I had a traumatic experience during the end of the Senior year na kahit hanggang ngayon ay nahihirapan akong ikwento sa iba kahit kay Archie. Dahil dito, ang masayahing si Ana ay naging tahimik at malungkutin.

Kinuha ko ang kursong BS Psychology, pero ako yata itong higit na nangangailangan ng medical intervention. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ko talaga kinuha ang kursong ito - to save someone like me even though I'm the one who needed saving. 

Third year college kami noon nang gabihin ako nang uwi dahil sa ginawa kong projects together with my groupmates. May isang madilim na eskinita akong kailangang daanan before I reach my dorm. Habang dumaraan, may humarang sa akin na isang lalaki. Amoy-Marijuana siya. Alam ko ang amoy nito dahil gumagamit nito noon ang tatay ko na siyang dahilan kung bakit sila naghiwalay ni Mama. Bigla akong itinulak ng lalaki at isinandal sa pader habang tinatakpan ang aking bibig. Takot na takot ako. Muling bumalik sa akin ang madilim na alaalang pilit kong isinasantabi. Madilim ang paligid at ang nagsisilbing liwanag sa bahaging iyon ay ang kumikindap kindap na ilaw sa poste ng Meralco.

"Kung gusto mo pang sikatan ng araw, huwag kang sisigaw! Huwag kang mag-alala

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Kung gusto mo pang sikatan ng araw, huwag kang sisigaw! Huwag kang mag-alala. Bibilisan ko lang," banta ng lalaki at naramdaman ko ang isang kutsilyo na nakatutok sa aking sikmura.

Napaluha na lang ako habang sinisira niya ang aking pang-itaas maging ang aking palda. Sinikmuraan niya ako at itinulak sa sahig. Tumama ang ulo ko sa sementadong kalsada at bigla akong nahilo.

Pumaibabaw sa akin ang lalaki at naramdaman kong hinahawakan niya ang aking pagkababae at dinidilaan ang aking leeg at dibdib.

Ipinikit ko na lang ang aking mga mata at tinanggap na katapusan ko na nang gabing iyon. Na wala na akong lakas para labanan pa ang demonyong pagsasamantalahan ang aking kahinaan. Nakaligtas nga ako noon mula sa isang kapahamakan ngunit tila sinusundan talaga ako ng mga masasamang elemento. Ipinagdasal ko na lang na sana ay huwag pabayaan ng Diyos ang aking ina kung sakaling iyon na nga ang aking huling gabi.

Forever And AlwaysWhere stories live. Discover now