Kabanata 1

6.2K 196 43
                                    


Kabanata 1

 Harriet POV

“Haaaawryyeeeett!”

Awts. Feeling ko nabasag ata ang eardrums ko sa sigaw ng taong yun. Sino pa ba? Edi ang maganda at sexy kong nanay, oo ganyan ang description nya sa sarili nya. Self proclaimed na dati daw syang byoti kwin. Ewan lang, sarili nya lang din ata ang naniniwala. Harhar!

At dahil nawala na sa ulirat ko na antok na antok pa ako, ay mas minabuti ko na lang na bumangon na mula sa kama ko. Pagkatapos ligpitin ang hinigaan ko ay bumaba na ko, at isang aligagang ina ang naabutan ko.

“Harriet anak! Waaaah! May beauty contest sa kabilang bayan.” Excited na anunsyo sa akin ni mama habang abala sa paghahanda ng pagkain sa mesa.

Umupo na lang ako… teka nga, beauty contest? Naku po, mukhang may binabalak na naman ang nanay ko. Napailing na lang ako tsaka humigop ng mainit na kape.

“Nak! Harriet baby! Sinali na kita ha!” saad ng nanay ko na kumikinang pa ang mga mata. Oh no! Not again!

Dahil sa gulat ay muntik ko pang maibuga sa mukha ng nanay ko ang kapeng nainom ko. Leshe. I knew it!

“Inay naman! Yan ka na naman eh. Diba napag-usapan na natin toh?” reklamo ko sa kanya at halos mapapadyak na ko sa inis.

“Nak! Hindi pwede, kailangan mong salihan yun! Sigurado naman akong mananalo ka na dun eh”

“Nay. In my 20 years of existence… at sa tanang record ng mga nasalihan kong beauty pageant, hindi pa ko kailanman nanalo sa mga contest na yan. Ano bang hindi malinaw dun nay? Kelan ba kayo susuko?”

Totoo naman, sa 34 beauty contest na nasalihan ko. Kahit isang beses di pa ko nanalo. Oo nga, halos hakutin ko lahat ng mga minor and major awards. Pero at the end of the night… It's either 1st place or 2nd lang. Tulad ng karamihan ngayon. I may have the looks but I don’t have the brain. Reality sucks, right?

“Nak. Kelangan ko ng maipasa sayo ang titulo ko. Alam mo naman na minsang naging beauty queen ang nanay mo. Dapat lang na ikaw din na anak ko. Nak Last na talaga toh, puuleeeesh!”

Napa-roll na lang ako ng mata, ang stubborn ng nanay ko. Ang hirap talagang magpalaki ng magulang. Kung nandito lang sana si Itay, may kakampi pa sana ako.

“At tsaka nak, malaki ang prize dun!” masayang dagdag ni inay.

Hindi ko na tuloy sigurado kung gusto ba talaga ni inay na masungkit ko talaga ang korona o sadyang pinagkakakitaan nya lang ako. Pero Sabagay, pandagdag na rin sa mga pinagkakagastusan.

Hindi naman kami mahirap, hindi rin mayaman. Kumbaga average lang. Sapat lang para sa aming dalawa ni ina, kami lang ang magkasama dahil nagtatrabaho sa ibang bansa si Itay bilang isang bodyguard. Sa South Korea sya nakabase. Kahit na nagungulila kami sa kanya, wala naman kaming reklamo dahil natutustusan naman lahat ni Itay ang mga pangangailangan namin. Kung minsan nga sobra-sobra pa eh. Simple lang ang buhay namin, may karinderya kami na isa sa mga pinagkukunan namin ng income. Ang nanay ko ang tagaluto duon.

Ako? Awa ng Diyos, kagagraduate ko lang sa kolehiyo. BS-HRIM ang natapos kong kurso. Ewan ko ba kung panu ako nakaraos sa pag-aaral despite sa consistent kong grade ng 3.O, hindi ko naman kinerengkeng ang mga profs ko. Sa ngayon, tambay na muna ako dito sa bahay dahil wala pa ni isa sa mga inaplayan ko ang tumanggap sa akin, well nag-aantay pa ko ng tawag mula sa iba pang inaplayan ko.

“So ano? Pumapayag ka na ba?”

At talagang nagbeautiful eyes pa ang nanay ko. Kasuka lang. Kelan pa naging childish si Inay?

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon