Kabanata 7

2.5K 118 15
                                    

Kabanata 7

 

Harriet POV

Isang linggo na rin ang lumipas, at ganito pa rin sila. Nagresearch na kami ng tungkol sa ganitong mga cases pero wala pa rin kaming mahanap na maaaring tumulong sa amin. Nagtanong-tanong na rin ako sa mga maaaring may alam ng solusyon, pati nga paranormalist, psychics, albularyo at bumbay! Wala pa rin akong maconclude na solusyon ang dahilan lang ng pagkakaroon nito ang naipaliwanag nila. Of course hindi ko naman sinasabi ang nangyayari sa EXO. Pero sa pagtatanong ko ay nagkaroon na rin ako ng kaalaman tungkol sa case nila.

Dumapa ako sa kama ko tsaka hinarap sa akin laptop ko. Nagbabasa pa rin ako ng mga articles about sa case nila.

Soul Exchange or Walk-in

‘A walk-in is thought to be a person whose original soul has departed his or her body and been replaced with a new soul.’

‘Walk-in souls do not steal or kidnap another person's body. A walk-in happens when two or more souls agree to swap places, making a soul contract . The original soul makes the decision that it wants out of a life and contracts with another soul to continue the life stream. The walk-in will reside in his body and continue living out the personality that has already been established.’

Mas lalo ko tuloy naintindihan ang nangyayari sa kanila. Ayon na rin sa psychic na napagtanungan ko tungkol sa dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong shifting. Nakasaad din sa binabasa ko ito…

‘When a soul decides to vacate the physical form another soul may opt-in and take up residence in the body. Both souls have to be in agreement for a swap to happen. The exchange or transfer of souls will usually happen during a trauma in a personality's lifetime such as an auto accident, major surgery, suicide attempt, and episode of depression or some other suffering. Sometimes a soul will exit the body at the end stages of life allowing another soul the opportunity to experience being in a coma or other pre-death experiences.’

I therefore conclude… maaaring nagtake place ang swapping dahil na rin sa pagkakaaksidente namin. Ito ang nagtrigger na mangyari iyon, masyadong malakas ang impact ng aksidente namin. Siguro nasa stage na sila ng nearly death ng panahong iyon kaya wala ng naging choise ang souls nila kundi gawin iyon. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala man lang silang galos ng mangyari ang aksidente, parang wala lang, parang tulog lang sila the whole time samantalang kami ni koyang driver na inglishero ay halos ikamatay ang aksidente.

‘In some cases, through the process if soul exchanging, the injured or illed body will spontaneously heal.’

Okay so iyon pala ang dahilan kung bakit wala silang injuries. Hindi ko alam kung matutuwa ba akong wala silang galos, pero sa kabila nun, ganito naman ang nangyari.

Ayon sa nabasa ko, ang mismong nagmamay-ari ng katawan ang nagbibigay ng access para makalabas at makapasok ang ibang kaluluwa sa loob nya. So sila mismo ang naghikayat, eh bakit wala silang matandaan at parang wala silang ideya?

Sinarado ko na lang ang laptop ko at umayos ng higa sa kama. Nabasa ko na lahat ang mga articles, paulit-ulit pa pero wala namang nakasaad na solusyon.

~

Naabutan kong tumutugtog ng gitara si Lay(Chanyeol). Magaling maggitara si Chanyeol, pag sya mismo ang gumagawa nun ang gandang pagmasdan, parang natural na natural. Marunong din naman maggitara si Lay, pero iba pa rin sa paningin ko pag si Chanyeol mismo. Napadako tuloy ang tingin ko kay Chanyeol(Kai) na sumasayaw sa malaking space sa gitna.

Nakakaproud tignan na magaling sumayaw si Chanyeol, kaso si Kai yan eh! Nakakainis dahil ang sexy nya! Ang lakas ng appeal. Nandun pa rin yung signature smirk ni Kai, bagay din naman kay Chanyeol kaso ang manyak tignan at the same time yung ngiti nya parang nakakauto!

Switched Bodies [EXO FF] [Completed]Where stories live. Discover now