Chapter 1 - Ipis

639 11 0
                                    

"Anak, anak! Jusko, dalian mo!" Sigaw ni nanay at namamadaling pumasok sa kwarto ko.

"OH MA, BAKIT?!!" Bangon akong bigla sa kama.

"Anak, dali" hinila niya ako papunta sa kusina

"Nay, ipis?! ginising mo ako para lang sa ipis?" Napa-face palm ako dun.

"Nay, ipis?! ginising mo ako para lang sa ipis?" Napa-face palm ako dun

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Oh sige nga, patayin mo." pokerface bigla si nanay.

"Ay eh."

"Takot ka rin naman pala eh. Kala ko pa naman malakas loob mo."

"Malakas loob ko nay. Yun nga lang eh, we should protect insects because they are endangered." sabay nervous laugh na rin. Takot rin ang lola niyo, ano ba.

"At kelan pa naging endagered ang mga ipis? Sige nga."

"Umm.. According to the.. I give up. Sige na, ito na."

Kinuha ko ang tsinelas ko at dahan dahang lumapit sa ipis.

*Lumipad yung ipis*

"Gahhhhh!!!!" Napatakbo ako ng sobrang bilis patungo sa kwarto ni tay, tinalo ko pa si flash haha -_- "TAY TAY TAY, GISING NA TAY, ALA SAIS NA TAY."

"Ano nanamang problema niyo ng nanay mo?" iritableng sabi ni tatay.

"Eh kasi."

"Eh kasi ano?"

"kasi..." nakakatakot naman kasi, eh diba? manggigising ka ng ala sais ng umaga para magpapatay ng ipis, diba?

"BERT, JEN, dali!!!!"Sigaw ni nanay galing sa kusina.

"Ano nanaman nga? umagang umaga eh."

"Halika 'tay." Hinila ko si 'tay "tingnan mo nalang he he he"

"IPIS!!! yan lang ba?"

Tumango kami ni nay.

Kumuha si 'tay ng walis at wagas na pinalo palo sa ipis.

pero... ang hindi ko magets, Imbis na mamatay o umalis yung ipis, lumapit pa sa amin.

Napatakbo kaming tatlo palabas ng bahay.

"Ano ba naman yan, bert!" Sabay batok ni 'nay kay 'tay "Kalalaki mong tao takot ka rin sa ipis!"

"Makapagsalita, kala mo ikaw hindi?!"

Umpisa nanaman to ng away and again, it's up to me to solve this problem. lol

"Jacob!" Sumipol ako. Agad agad naman tumakbo papunta saakin ang aso namin.

"Jacob" Hinawakan ko ang ulo niya. "Alam kong askal ka lang dejk, pero kahit hindi ka hound dog o ano man, alam kong kaya mo patayin yung ipis sa loob ng bahay." Pinapasok ko siya sa loob ng bahay.

Naghintay ako ng 5 minutes and tadaaaa, pag pasok ko sa bahay, bulagta na yung ipis.

"Good boy, Jacob" Pinalabas ko na ulit siya ng bahay, guard dog na rin kasi namin siya.

"'Nay 'Tay, patay na yung ipis, stop fighting!"

Napatingin sila saakin at sabay na pumasok ng bahay na parang hindi lang sila nagaway hahaha

"Sige, anak, maligo ka na, magluluto na ako ng breakfast."

"Sige 'nay"

Dumeretcho na ako sa banyo at dali dali ring natapos, nag-ayos ng buhok, nagkilay and makeup cuz kilay is life at nagbihis.

"Nay, itlog nanaman?"

"Wow ha, nagrereklamo ka pa ha? ikaw shumoulder ng mga gastos sa pagkain, sisiguraduhin kong steak tayo araw araw."

napa-roll eyes nalang ako.

"Maiba nga natin ang usapan, kailan ka ba magaasawa?" Tanong ni 'tay.

"'Tay, 25 palang ako pinipressure niyo na agad ako."

"Nako Jen, matanda na ang 25. Kami nga ng nanay mo, 19 nagasawa eh."

"Iba naman kasi yung noon sa ngayon." 

Umiba na yung mood ko. Kasalanan ko ba kung wala pang dumarating na'right one' para sa akin? Umaga gabi kasi yan nalang palagi ang topic. hay.

"Sige 'tay. Alis na ko"

Dumeretcho na ako sa trabaho ko, the grand Halter Hotel.

"Hi Ms. Cruz, you're early today." Sabay ngiti ng manager sa akin. "Now, go over there, and work!" Tinuro niya yng front desk.

Ngumiti nalang ako. Saya lang, ngiti then biglang galit. Managers, we can never understand them, right?

Hi guys, PLEASE PLEASE PLEASE comment to let me know what you think. :D


A Receptionist's Lovelife (SPG)Where stories live. Discover now