Chapter 4

242 8 0
                                    

"Sir, kilala mo ba ako? Ano pangalan ko sir?" sigaw niya kay sir Castillo.

Sakto naman napaahon si sir sa tunig at nakita kaming nakatitig sakanya.

"Ummm.. Is there a problem?" tanong niyang nagtataka.

"Wala sir, Enjoy your stay!"

Ito talagang si Claire, kung ano ano pinagsasabi hahaha

"Sige Claire. Mauna na ko ha? Off na ko for today, ayoko na muna magovertime."

"Sige, bes. Ingat ka ha?"

"Yup. Thanks!"

* L A T E R *

"Nay, 'tay' home na ako" paulit ulit na routine 'to guys hahaha

"Mabuti naman, anak. May sasabihin sana ako eh."

"Ano yun 'nay?"

"ah eh...  Mapuputulan na daw kasi tayo ng kuryente."

" ha? Bakit? Diba nagbigay na ako ng pambayad last week?"

"Ganto kasi yun, anak." Dahan dahan akong pinaupo ni nanay.

"na-ano kasi, nagastos ng tatay mo yung perang iniwan mo, sinabong niya kasi."

"Naman oh, alam namang naghihirap tayo eh. Wala na rin ako, 'nay. Hindi pa ako nagsesweldo."

" Please lang, anak. Pasensya na."

"Sige, 'nay. Tingnan ko kung ano pwede kong magawa."

Tinulog ko nalang. Hayyy, napakahirap ng walang pera.

*N E X T D A Y*

Nakatulala lang ako sa alkansya kong may nakasulat na "travel jar"

Hindi ko kasi dapat gagalawin yung naipon ko sa alkansyang yun. It's my ipon to travel around the world someday. Hay.

But i have too.

Binasag ko na ang jar at binilang ang laman sa loob. 2,950. Pwede na rin sugyro to makacover ng kuryente namin.

"'Nay, ito na po.. Please lang, pakitago po.." bilin ko kay nanay.

"Hindi ka ba magbebreakfast?"

"Hindi na, alis na ho ako."

"Sige, anak. Ingat ka ha."

* A T W O R K"

"Ms. Cruz, late ka nanaman, it's already 7:45, gosh. Magmaminus tayo ng 15 minutes sa salary mo. Jusko, ano ba yan!" wow ganda ng bati ni manager.

Dumeretcho nalang ako sa front desk.

"And oh, Jen!" napalingon ako kay manager "Request ni Mr. Tyler Castillo na ikaw daw magwake up call sakanya." Sabay iling at taas ng kilay sa akin.

"Bes!" harap sa akin ni Claire "I told you, beeeees! i'm so kiligggg!"

"Not right now, bes."

"bakit? Eh diba nga it's your time to shine and you shone! Oh diba!!"

"Stop, bes. Seryoso."

Hinawakan niya yung kamay ko "Jen, anong nangyayari, bat nanlalamig yung mga kamay mo?"

"Wala.."

"Kilala kita, Jen. Hindi ka nanaman ba kumain?"

Hindi ako umimik.

"Sabi na nga ba! Bakit nanaman?"

"Naudlot nanaman kasi yung pagtravel ko. Iginastos nanaman sa gastusin sa bahay."

A Receptionist's Lovelife (SPG)Where stories live. Discover now