Chapter 4

309 8 0
                                    

Boyfriend and Girlfriend

Inis akong naglalakad ngayon pabalik sa classroom. Until now, hindi pa rin matanggap ng puso't isip ko ang katotohanang nadamay ako sa mababahong trip niya sa buhay!

"Akala naman niya maiinlove ako sa kaniya! Anong tingin niya sa sarili niya?! Oppa?!" Wala sa sariling sabi ko.

"Hey!" Nagulat ako nang may biglang kabute ang sumulpot sa tabi ko.

"Ay, Oppa!" Sigaw ko.

"Oppa? Ano yon?" Tanong niya kaya naman tipid akong ngumiti.

"Wala! Ikaw naman kasi, para kang kabute! Sulpot nang sulpot!"

"Sa gwapo kong 'to? Kabute lang ang tingin mo sa'kin?" Pacute na sabi niya pa!

"Sorry na. Ikaw naman kasi, nakakagulat ka masiyado eh!"

"Okay. My bad" natatawang saad niya pa pero di naman funny.

"Do you mind if sumabay ako sayo papuntang classroom?"

Agad naman akong natigilan dahil napaka gwapo niya habang nakangiti siya ngayon sa harapan ko.

"Sure!" sagot ko.

Habang papunta kami sa room ay pinagtitinginan kami ng mga students na nadadaanan namin. Hindi ko naman sila masisisi dahil gwapo ang kasabay ko.

"Don't mind them." biglang bulong ni Dustin. Tipid na lang akong ngumiti.

Mabilis na lumipas ang oras hanggang mag-uwian.

"Let's go?" Nagulat naman ako at napalingon sa katabi kong si Dustin na mukhang hinihintay talaga ako.

Nahihiya man ay tumango na lang ako. Sino ba naman ako para tumanggi sa gwapong nilalang na 'to di ba? Nang makalapit kami sa pinto ay doon ko narinig ang sigaw ng kaibigan ko.

"Fae!" Si Lianne.

"Kung makasigaw ka akala mo naman ay nasa kabilang bundok ako!" Agad na reklamo ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin at natuon ang atensiyon niya sa kasama ko.

Binigyan niya ako nang mapanuksong tingin kaya naman agad ko siyang tinignan ng masama.

"Lianne, this is Dustin. Dustin, this is my friend, Lianne" pagpapakilala ko.

Ngumiti si Dustin pero halata ang pagka-ilang niya kay Lianne "Ah nice meeting you, Lianne. I'm Dustin."

Ngumiti na lang si Lianne pero hindi pa din matanggal ang panunukso sa bawat tingin niya sa'min ni Dustin hanggang umabot kami sa may gate at kamalas-malasang naabutan si James.

"Follow me" seryosong sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko. Hindi naman ako gumalaw kaya nagulat ako nang magsalita ulit siya.

"I said, follow me! Tanga talaga!"

"Follow me ka diyan, e , ikaw nga, hindi umalis sa pwesto mo! Lakas talaga ng trip mo, no?!"

Lumapit siya sa'kin na talaga namang ikinagulat ko at biglang hinawakan ang kamay ko at pilit akong hinihila paalis sa kinatatayuan ko pero hindi ako nagpatinag.

"Dude, kung ayaw sumama sayo ng babae, wag mong pilitin" biglang sabi ni Dustin pero hindi siya pinansin ni James kaya naman nakasingit na rin si Lianne.

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ang kaibigan ko!" Sigaw ni Lianne.

"Tsk, i have a date on my girlfriend, so will you excuse us now?" Naiinis na sabi niya kaya naman pare parehas kaming natigilan lalo na ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko at di ko namalayang tuluyan na pala niya akong nahila palayo sa dalawa kong kasama. Pakiramdam ko ay pinukpok nanaman ako ng martilyo sa ulo ko dahil sa sakit.

My Contract Boyfriend Where stories live. Discover now