Chapter 10

301 5 0
                                    

Inis ako buong byahe pauwi ng bahay dahil kay James. Siya na nga kasi ang tinulungan, siya pa ang nakuhang mag inarte! Ano bang masama sa pagbibigay ng ice cream after ng nangyari?! Pasalamat nga siya at binilhan ko pa siya dahil bihira kang yun! Pero dahil siya si Mr. James Villaceran, talagang tinanggihan niya yon!

Pagdating sa bahay ay agad akong bumaba ng kotse at padabog na sinarado yon. Narinig ko naman bumukas din yung kabilang pinto kaya alam kong bumaba na din siya. Lumapit ako sa mga pinamili namin at isa isang kinuha yon

"Pwede bang dahan dahanin mo ang pagbubukas ng pinto ng kotse ko?!" Inis na sigaw niya kaya naman inis ko din siyang hinarap

"Bibilhan kita ng kotse letseng to! Masiyado mo ng pinapainit ang ulo ko kaya wag mo na kong simulan Villaceran!" Inis na sigaw ko saka padabog na pumasok ng bahay

Nakita ko naman si Manang na kalalabas lang mula sa kusina

"Oh bakit magkasalubong nanaman yang kilay mo?" Agad na tanong niya

"Wala po. Mainit lang po sa labas kaya nabadtrip ako" sagot ko

"Ha? Eh hapon na iha, mainit pa din?"

"Mainit din po kasi ang ulo ng kasama ko kaya nahawa ako. Ayun dalawa kaming nag iinit ng ulo ngayon. Sa sobrang init pwede ng pagprituhan ng itlog" biro ko pero nginiwian niya lang ako

"Oh siya sige ipaghahanda ko muna kayo ng meryenda" tinalikuran niya na ako at sakto namang pagpasok ni James na magkasalubong din ang dalawang kilay

"What the heck is your problem?!" Galit ngunit mahinang sabi niya

Inis akong tumayo at tinuro siya "You! What the heck is your problem?!"

"At ngayon ako pa ang may problema eh ikaw tong kanina pa nagdadabog!"

"Napaka sungit mo kasi! Binigyan na nga kita ng ice cream galit ka pa! Kulang ba sa lamig ang ice cream kaya nagawang painitin yang ulo mo ha?!"

"What?!"

"Yang inis mo lagi mo na lang sakin nilalabas! Kung galit ka sa mundo eh wag mo akong idamay! Hindi porket nagagawa kong magtiis na kasama ka ay natutuwa na ako sa pagka mainitin niyang ulo mo! Dinaig mo pa ang babae na laging may dalaw kung magsungit! Kung makaarte ka akala mo buwan buwan sumasakit yang puson mo!"

"Edi aalis na ako! F*ck! Why do i even stay here with you?! I should've left you! I regret meeting you damn!" Inis niya ding sigaw kaya naman natigilan ako

Nagsisisi siya na nakilala niya ako? Ang kapal naman ng mukha niyang magsisi. Sa aming dalawa, kung sino man ang may karapatang magsisi ay ako yon! Masiyado niyang pinagulo ang mundo ko! Nananahimik ako pero dahil sa kaniya ay naging maingay ang paligid ko! Siya ang dahilan kung bakit naging komolikado ang lahat kaya kung meron mang dapat magsisi, ako yon at hindi siya!

Tumalikod siya at akma ng aalis ng bigla kong hawakan ang kamay niya

"Sandali!" Sigaw ko

"Ano nanaman?!" Iritado niyang sabi pero hindi ko sinagot. Hinila ko siya paakyat sa kwarto ko pero dahil mabigat siya ay hindi ko kinaya

"Anak ng tupa! Wag ka ng magpahila! Anong akala mo sa sarili mo? Magaan?! Hoy James napaka bigat mo kaya wag kang mag inarte!"

"Tsk and why would i follow you?!"

"Because i said so dumbass!" Galit kong sigaw saka siya muling hinila pataas

Mabuti na lang at hindi na siya nag reklamo dahil baka biglang magdilim ang paningin ko ay maitulak ko siya pababa ng hagdan. Matangkad lang siya pero malakas akong sumipa. Sa sobrang lakas ay hindi lang labi niya ang puputok kapag nahulog siya sa hagdanan!

My Contract Boyfriend Where stories live. Discover now