Chapter 4: Next Girlfriend Academy

314 16 19
                                    

MANAGER AMYA'S POV

(She is 12-4-1's manager)

"YEXEELLL!!"

"Keith Yexel Zane! Reporting for duty ma'am!"

"Ouch!"

Binatukan ko nga. Ano ko militar?!

"Ako'y wag mong pinaglololoko Yexel! Ikaw ba yung nagsulat sa likod ng placard nung fan signing niyo?" pamaywang ko sa harap niya.

"Kapag may nangyayaring ganyan, ako na lang lagi! Hindi po makatarungan yun!"

"Eh sino pa nga ba? Aber?"

"Ako. Me-he-he-he.." sabay kamot sa ulo.

Tignan mo to.

"Ka-"

"Pero! Di lang ako manager ganda! Pinagtulungan namin ni Leigh yun, diba Leigh?!" sigaw niya kay Leigh na kasalukuyang nagc-cellphone.

"Haha! Yeah! Ako pa nag-lagay ng doodles dun manager!" tsaka pa sila nag-apir.

"Hay nako kayo talaga! Kapag may nakakita nun! Patay kayo sakin," iiling-iling na sabi ko sakanilang dalawa. Ano pa nga ba magagawa ko? Eh makukulit tong mga alaga ko.

"Chill ka lang manager ganda! Papangit ka niyan," lapit naman ni Clyde samin.

"Ano nangyayari dito? Ano nangyari kay manager? Bakit siya naka-kunot?" sabi naman ni Layne na kararating lang.

"Hay nako. Mag-practice na nga kayo except kay Kyden at may pag-uusapan pa kami! Chop chop chop!"

SYDNEY'S POV

"Wooooowwww." Manghang-manghang sabi namin ni Brynn pagkabukas na pagkabukas pa lang ng gate.

"Excited na ko! Tara na sa loob!" hila ko kay Brynn.

Nandito kami ngayon sa Next Girlfriend Academy. Whooo! Grabe! Pahirapan pasamahin to dito! Kulang na lang kaladkarin ko siya dito, kung hindi ko siya madadaan sa pakiusapan, dadaanin ko siya sa hilahan! HARD EYY.

~Flashback~

Pagkakita ko sa poster, agad agad kong hinablot yun at itinakbo kay Brynn. Baka magaya ko kay Candace ng Phineas ng Ferb eh. Hindi pinaniniwalaan ng mommy niya dahil walang pruweba. Hah! Sa kanonood ko ng cartoons, may natututunan pa ko. Mehehehe!! Masabi nga kay Brynn! Pinagagalitan kasi ko at puro cartoons ang pinanonood ko.

"Brynn! Brynn!"

"Oh? Anong flavor ng ice cream yan?! Akala ko ba kukuha ka rin?"

Halatang pina-hold pa niya yung pila dahil hinihintay niya ko. Wahaha! Pansin ko lang, kapag kami na yung nasa unahan ng pila, lagi naming napapahaba yung pila sa dami ng kaartehan namin ni Brynn. Muhaha! Lesson: Cherish the moment! Chos! Lesson: Wag pipila sa senior citizen lane! Para kaming thunders sa bagal eh!

"Libre na kita!"

"Ow-kay," nagtatakang sagot niya. Minsan lang yan! Panunuhol ang tawag diyan! Kapag may kailangan ako, ganyan gawain ko! Mehehehe! Para pang blackmail.

Pagkabayad ko dun sa counter, lumabas lang kami at excited na talaga kong sabihin sakanya. Bago pa nga kami lumabas, may nag hay nako pa sa pila eh. Peace men! XD

Kinuha ko muna yung dala niyang ice cream at binigay ko sakanya yung poster ng ngiting-ngiti. Binigyan pa ko ng tss-mukhang-alam-ko-na-to-look. Nag peace sign na lang ako sakanya. Kilalang-kilala talaga ko ni bestfriend! Basta kapag ngiting-ngiti ako. Alam na! 12-4-1 na ang dahilan! ^___^

Pagkatapos niyang basahin, kinuha niya yung ice cream niya sakin tsaka binalatan.

"Sooooo??"

"Hinde!"

Next Girlfriend AcademyWhere stories live. Discover now