Chapter 15: Dani Hadley Jenner

123 6 2
                                    

SYDNEY’S POV

“Clyde?!”

Napatayo pa ko sa sobrang gulat. Luh. Hindi naman sana ko nagkakape pero dinaig ko pa ang uminom ng isang drum na kape sa gulat ko!

“Oh?! Sydney? Parang gulat na gulat ka?” tanong niya na medyo nagpipigil pa ng tawa.

Pumasok na rin siya loob at isinara ang pinto.

“Ah! Wala! Wala! Bakit ka pala nandito?”

Hay nako! Ang bibig mo talaga Sydney! Malamang, friends sila ni Damian. *roll eyes*

“Bawal na bang umuwi sa condo namin?” pa-joke na tanong niya.

Ohhh.. Magka-condo pala sila ni Damian. Isa akong matinik na fangil ng 12-4-1 pero hindi ko alam yun! Uwi na! Uwe!

“Ikaw? Bakit ka pala nandito?”

Duh! Binunggo mo po ako! Dahil sayo, nadapa ako. Pero labs pa rin kita, kaya okay lang. TT^TT

“Ahhh. An—“

“Clyde! Hatid mo na si Sydney. Gabi na.”

“Maka-utos tayo ah! Bakit hindi mo ihatid?”

Ouch. Nandito pa po ako. Che! Asar ka Clyde! Pagkatapos kitang ipagtanggol sa sarili ko! </3

“Ikaw kaya ang dahilan kung bakit may sugat siya sa tuhod.”

Agad namang napatingin si Clyde sa tuhod kong may bandage. Tapos biglang nawala yung kunot ng noo niya, biglang naawa yung expression niya. Pansin ko lang, parang wala nga siya sa mood. Bakit kaya?

“Sorry Sydney. Ihahatid na kita sainyo. Kaya mo bang tumayo?”

“Ah! Hindi! Okay lang ako! Wag ka ng malungkot! Kering-keri ko tumayo.” Sabay proud na proud na tumayo with matching smile. Sheeeeetttt of paper! Mashakit eh. Huhuhuhuhu.. TT^TT

“Sige Damian, ihahatid ko lang siya ah.”

“Sige. Bili ka na rin pala ng Gatorade natin. Wala na tayong stock eh.”

“Okay sir!” tas nag-salute pa siya bago humarap sakin.

“Tara?”

Nginitian ko naman siya tapos nag-paalam na rin ako kay Damian.

Nag-lakad na kami papunta sa elevator. Pero ang lintek! Sira pa! Tadhana?! Why you like this to me?

Nagpunta na kami sa hagdan. Juicekolord. Mahaba-habang lakaran ito!

After siguro mga 5 minutes, nag-stop ako dahil kumikirot yung sugat ko. Parang dudugo ata ulit. Huhuhuhu.. Ang sakit sakit niya men! Umupo muna ko sa isa sa steps ng hagdan.

“Okay ka lang Sydney?”

“Oo. Okay lang ako! Nasaan na ba tayo? Anong floor nato?”

“5th floor. Nakaka-isang floor pa lang tayo.”

“Ha?! Isang floor pa lang yun?! Sigurado ka ba?! Hindi ako galit ah. Pero seryoso?! Isang floor pa lang yun?!”

Natawa naman siya sa expression ko at sa paulit-ulit kong tanong.

“Yup. Seryoso.”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 28, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Next Girlfriend AcademyWhere stories live. Discover now