CHAPTER 18- Little Sweetness from HIM.. err HER?

957 29 6
                                    

A/N:  New Update para sainyo! Hahaha as promised. Malapit na mag2k reads 'to. Thankyou talaga Guys♥ Labyu ol XD

I dedicate this to SapphirePaper =)) Salamat sa pagbabasa, pagvote at pagsupport. Hahaha enjoy the UD~ ♥

---------------- ♥ --------------------

"Bagay naman pala sayo nakalugay e!",

Huh?! Pakiulit?! Nagsabi ba talaga siya ng compliment about sakin?! O__o

"Bakit ba kasi ang hilig mong magponytail? Buntot ka ba ng kabayo? Hahaha ganda naman ng breed mo, baboy na nga horsie pa!", pahabol ni L. Haay kala ko naman may maganda ng masasabi tong baklitang 'to.

"Inggit ka lang sa buhok ko e!", sabi ko sabay dila at lingon na uli sa harap. Pero si L di tumigil sa pangungulit, iniikot ikot niya sa daliri niya yung buhok ko. Uggh!

Pagkatapos ng klase sa Physics, hinanap ko yung tali ko para makapagtali na pero di ko mahanap. Tinanong ko kay L kung san niya nilagay yung tali ko pero sabi niya di niya daw nakita at di niya daw alam. Feeling ko tinago niya yun pero di ko nalang siya kinulit kasi nagiba nanaman ang mood niya, sumungit nanaman ang bruha! Ibang klase talaga ang mood swing nun, ang bilis! Hanggang uwian ganun siya kaya di ko na uli siya kinausap.

"Di nanaman sumabay satin palabas si L. Magkaaway kayo?", Nakoooo. Kung alam lang niya! Araw araw talaga kaming magkaaway no!

"Di kami magkaaway! Close na close kaya kami ng hinayupak na yon!", sarcastic na sabi ko pero alam kong nagets na yun ni Anne. Nasa labas na kami ngayon ng school at papunta ng Mall kasi nga nagpasama siya diba?

"Nakakatawa kayo! HAHAHA!"

"Aba! Natawa ka pa ah?!", Gagang 'to tinawanan pa kami.

"Naalala ko lang kasi, diba dati may gusto ka sakanya? HAHAHA tas tingnan mo ngayon, mortal kayong magkaaway", Ayy langya pinaalala pa yun! /le sings/ The past is in the paaast! Let it go~ Pfft.

"Hay nako. Pwede ba, wag mo na ngang paalala yan! Naiinis lang ako sa sarili ko. Teka nga, ano bang bibilhin mo dito at nagpasama ka pa?!", sabi ko.

"Ang totoo nyan.... PUAHAHA Gusto ko lang magpalamig!", sabi ni Anne. Walanjo! Budol lord talaga tong si Anne e! Gusto ko na sanang umuwi sa bahay tas tch andito ako ngayon. Haay! 

"Yaan mo na, ililibre nalang kita ng hapunan dahil sinamahan mo naman ako", Buti naman no! May maganda ring naisip tong babaitang to. Pagdating namin sa Mall, nagikot ikot lang kami at nagsukat ng mga damit tas kumain kung san san pero libre niya lahat! Bwahaha.

OPERATION: Seduce my Gay Seatmate [Kim Myungsoo] [EDITING]Where stories live. Discover now