CHAPTER 19- His Gayness Activated

953 28 2
                                    

A/N:  Dedicated to BehindMyBlueMask Salamat sa pagbabasa! ♥

Enojy the UD! Mehe. Malapit na yung Steps sa pagseseduce kay Mikael/L. HAHAHA yung nandun sa prologue ^^ Excited na ba kayoooo?! HAHAHAPPY 2K READS NGA PALA! THANKIEESSS :***

-------------------- ♥ ------------------------

Nagulat ako sa ginawa niyang yun at yung puso ko, taglandi nanaman. Di ko alam pero may naramadaman akong kuryente nung lumapat sa balikat ko yung kamay niya. Naaabno nanaman tong nararamdaman ko. Wtf!

Nung nakatawid na kami agad din naman niyang tinanggal yung pagkakaakbay niya sakin. Ang tahimik ko, di ako makasalita. Di ko alam yung sasabihin ko sakanya. NaAaawkwardan ako. Bakit ganto? Ramdam na ramdam ko padin yung kamay niya kanina sa balikat ko.

"Oh ano? NaTraumatized ka na?!", nangaasar na sabi ni L sakin pagpasok sa Mall.

"Huh?! Ano?", sabi ko kasi nagulat ako. Ang lalim lalim ng iniisip ko, anubayan.

"Bangag ka nanaman e! Tara na nga sa department store ng makauwi din agad!", sabi ni L at hinila ako sa damit -___- Kala ko naman sweet na e! Pwede namang sa kamay niya ako hilain! Huhu. Pero bakit ko ba gusto? Ew gay. He he!

Pagpasok namin sa department store nagpunta kami dun sa may mga bracelet churva pero di naman siya bumili. Tinanong ko kung ano ba talagang bibilhin niya pero ayaw naman niyang sabihin, di niya ako pinapansin =__= Naglakad lakad kami hanggang sa nakarating kami sa mga undergarments.

"Waaaa. Oy yung mata mo!", sabi ko at tinakpan yung mata ni L.

"Ano ba! Bakit?!", reklamo naman niya at hinampas yung kamay ko at aktong titingin sa gilid niya pero pinigilan ko yung muka niya kaya medyo nasampal ko siya.

"Wag kang lumingon dun! Makikita mo yung katawan ko!", biro ko. HAHAHA. Yung andun kasi sa gilid na yun ay yung mga malalaking display pictures ng mga sexy na model ng bra at panty! Pfft. Tinanggal niya yung kamay ko sa muka niya at tumingin na sa gilid.

"HAHAHAHAHA", sabi ni L. "Galing mo talaga magJoke Jei! Ayan katawan mo?! Watdaffff! HAHAHAHA e ako kaya yan! Nakawig lang!", sabi ni L at pumunta dun sa tabi ng mga manequin at ginaya yung pose. Grabe talaga 'to! Buti kami lang andun at walang mga sales lady. Nakakahiya kasama! HAHAHA

"Lande mo! Tara na! Bwisit ka!", sabi ko pero natatawa.

"Wait lang, wait lang!", sabi niya at hinila ako sa bag. Walangyang 'to! Kanina damit ko yung hinila ngayon naman bag. Sumunod nalang ako sakanya.

OPERATION: Seduce my Gay Seatmate [Kim Myungsoo] [EDITING]Where stories live. Discover now