Ang Simula Part 3

13K 327 12
                                    

ASHLEY'S POV

Nagising ako sa liwanag na dumapo sa mukha ko at lamig ng hangin galing sa naka bukas na bintana. Umupo ako sa malambot na kama, takip ang makapal na puting comforter na tinatakpan ang hubo't-hubad kong katawan.

Tumingin ako sa kaliwang bahagi ng kama at wala na doon si Drake, tanging gusot na bedsheet na lang ang naiwan na palantandaan na bakas nito at ginala ko ang tingin sa malawak na silid na mabibinggi ka sa katahimikan.

Walang bakas niya sa silid, at pinapanuod na lamang ang pag galaw ng puting kurtina sa bawat pag ihip nang hangin.

Ang aking pag muni-muni biglang naputol ng marinig ang mahinang pag katok mula sa pintuan. Hindi nito hinintay ang anumang sagot mula sa akin, at pumasok na ito sa loob.
Ang babaeng katulong ang nakita ko, nag lalaro din ang edad nito nasa singkwenta at masasabi ko talaga na matagal na itong nag trabaho dito.

Nang makita nitong gising na ako, sabay ngiti ng ubod ng kay tamis at hawak nito ang tray laman ng almusal na pinag handa nila sa akin.

Biglang kumalam naman ang sikmura na maamoy ang mabangong aroma ng almusal na nanunuot sa aking ilong. Nag lakad na ang katulong palapit sa kama kong saan ako naka upo, at buong ingat na nilagay sa ibabaw ng kama na medyo may kalayuan din naman sa akin.

"Pinag uutos po ni Sir Drake na kumain na daw ho kayo Mam bago siya umalis." Panimula salaysay nito. "Pag katapos niyo daw ho na kumain at ipapasyal ka daw po namin dito sa Mansyon," simpleng tango lang ang sinagot ko sakanya.

Humigpit ang hawak ko sa comforter na hawak at bahagyang sinilip ang laman ng tray para alamin kong ano ba ang hinanda nila para sa akin. Isang magarbong almusal kagaya ng, bread and butter, bacon, itlog, at tinimplang gatas sa side dish naman ang prutas.
Ngayon lang ako naka-kita ng ganito kagarbong almusal sa tanang buhay ko at nakaka panibago lang talaga.

Kagat-labi na tinignan ang katulong na naka tayo sa gilid nang kama at pinapanuod ako. "Sa akin lang po ba lahat ng ito?"

"Opo sainyo po lahat iyan, Mam." Wika naman nito. "Kong gusto niyo pong maligo, naroon naman po doon ang banyo," sabay turo sa kabilang bahagi na kina sunod ko naman na makita ang isang pinto. "At naroon naman po sa walk in closet ang mga damit mo, at ilan po ninyong mga gamit." Tinuro na ang isang pintuan na naroon siguro ang mga gamit ko.

Tumanggo na lang ako bilang pag sang-ayon.

"May kailangan po ba kayo, Mam?" Pukaw na tanong na kina-iling ko naman.

"W-Wala na, okay na ako." Nag vow lamang ang katulong sa gilid ko bilang tanda ng pag respitu at nag lakad na ito palabas nang silid at naiwan na lang akong mag-isa.

Nang masiguro kong naka alis na nga ang katulong, sinimulan ko ng kumain ng almusal dahil kanina pa talaga kumakalam ang sikmura ko sa gutom.

****

Nang matapos kumain, bumangon na ako sa kama at dumiretso nang pumasok sa banyo para makapag ligo. Ilang minuto akong nag babad sa bathtub na nag lalagkit na ang katawan ko, at kanina pa ako pinang-iinitan.

Suot ang white robe, nag lakad na ako papunta sa walk in closet para maka pili ng maisusuot at doon naman ako namangha na makita ang samo't-saring mga damit para lang sa akin. Napuno iyon simula na pang bahay na damit hanggang sa pang alis.

Manghang-mangha na inalis ko sa pag kakasabit sa hanger ang isang mamahalin na damit, na ngayon lang ako makaka hawak at pag katapos binalik din naman kaagad kong saan ko iyon kinuha ng maagaw din naman kaagad ng tingin ko ang maka display na mga bags na naka display, iba't-ibang design at mga brands.
Mga sapin sa paa kagaya ng sapatos, flat shoes hanggang sa matataas na takong na mamahalin.

Payment of Debt [COMPLETED]Where stories live. Discover now