Chapter 32

4.4K 119 9
                                    

Chapter 32




"Long time no see Mr. Villanueva. Na-miss mo ba ko?" Isang nakaka takot at lokong ngisi nito sa kabilang linya. Namuo ang galit sa kanyang dibdib ng marinig nya ang boses ng Ama ni Ashley.




"Leonardo!" Nag tagis ang aking ngipin sa galit na nararamdaman ko sakanya.


Papaano?

Paano ito naka tawag sakanya, na naka kulong ito sa presinto?








"Nagustuhan mo ba ang hinanda kong pasalubong sayo Drake? Hindi pa nga ako nag sisimula, natatakot kana!" Aniya nito at ginala nya ang kanyang tingin sa bawat sulok ng mansyon para hanapin ito.






Hindi sya makakapayag na sirain nito ang pamilya nya.






"Hayop ka. Asan ka? Mag pakita ka sakin. Wag kang mag tago na parang takot na tuta!" Sigaw nya at hindi pa din humuhupa ang galit sa kanyang dibdib. Kinuyom nya na lamang ang kanyang kamao at hindi na sya makakapag hintay na basagin ang pag mumukha nito.




Isang nakakatakot at nakaka insultong pag tawa ang narinig nito sa kabilang linya.




"Relax ka lang Mr. Villanueva, dahil makikita mo din ako sa tamang panahon." aniya nitong muli.  "Nasa akin ang anak mo, at kong gusto mo pa syang makita, ibigay mo sakin ang gusto ko!" Madiin at nakakatakot nitong sambit




Inis syang napa sabunot sa kanyang buhok dahil sa inis at galit na nararamdaman nya. Napaka gago nya, dahil hindi nya man lang naisip kaagad, na may kinalaman sya sa pag kawala ng kanyang anak.






"Hayop ka. Wag mong sasaktan ang anak ko, nag kakaintindihan ba tayo? Kapag may ginawa kang masama sakanya, patawarin ako ng Diyos. Baka kong ano pang gawin ko sayo!" Asik nya at mas hinigpitan nya ang pag kakahawak nya ng kanyang cellphone, sa gigil at galit na nararamdaman nya na konting-konti na lang babasagin nya na yon sa kanyang kamay.








"Kong gusto mong makuha ulit ang anak mo, ibibigay mo ang gusto ko!" Pang uulit pa nito. Pinikit nya ang kanyang mga mata para kontrolin ang galit sa kanyang dibdib.






"Gusto mo bang pera?! Sige ibibigay ko, mag kano ba ang gusto mo? Name your price you bastard!" Umalingawngaw ang malakas at nakaka hindik nyang sigaw mula sa sala. Wala syang pakialam kong may maka rinig man sakanya, basta ang importante mabalik ng buhay at maayos ang kanyang anak.






Gagawin nya ang lahat para mabalik itong muli, kahit makipag patayan at kapalit man ang buhay nya. Hindi sya natatakot na mamatay, basta masigurado nya lang ang kaligtasan ng kanyang mag-Ina ay okay na yon sakanya.








"Hindi pera ang gusto ko Mr. Villanueva. Gusto ko si Ashley ang kabarayan!" Asik nitong muli at para na syang sasabog dahil sa inis at galit na nararamdaman nya. Napaka hayop nya, hindi nya hahayaan na makuha at makamit nito ang kanyang gusto. Napaka gago nya dahil huli nya na malaman na may kinalaman ito sa lahat-lahat ng kamalasan nila sa buhay. Kong alam nya lang na mangyayari to, sana matagal nya ng pinatay si Leonardo.   "Diba sinabi ko sayo na babawiin at kukunin ko sya sayo? Ito na yong araw na yon Drake. Ito na ang araw na kukunin ko sayo si Ashley!" Walang gatol na sambit nito.




Isang nakaka lokong ngisi na lamang ang gumuhit sa kanyang labi. Hanggang ngayon, si Ashley pa din ang bukambibig nya. Hindi na sya mag dadalawang isip na may sakit na ito sa pag iisip.






"Sa tingin mo ba gago ako para ibigay ko sayo ang asawa ko?! Nag kakamali ka, mag kakamatayan muna tayo, bago mo sya makuha sakin!" Asik nya dito. "Humarap ka sakin, wag kang duwag. Hindi ako natatakot sayo, sisiguraduhin kong papatayin kita kapag may ginawa kang masama sa mag ina ko. Mag hintay ka lang Leonardo, kahit saan kaman mag tago hahanapin kita kahit sa impyerno pa yan!" Asik nyang banta dito.




Payment of Debt [COMPLETED]Where stories live. Discover now