Chapter 19

6.1K 150 7
                                    

Chapter 19

"M-Mahal na mahal kita Ashley.... Nag mamakaawa ako sayo, wag mo akong iiwan.....H-hindi ko kayang mawala ka saakin" mangingiyak nyang turan.

Nanigas ako sa aking kinatatayuan dahil sa katagang binitawan ni Drake. Ramdam ko ang panginginig ng aking katawan at pamumuong saya sa aking dibdib dahil sa ilang buwan naming pag sasama, ngayon nya lang nailabas at nasabi ang kanyang tunay na nararamdaman para saakin.

Humigpit ng medyo konti ang pag yayakap nya sa aking likuran na tila ba, ayaw nya akong paalisin sa kanyang tabi at sa kanyang buhay. Hindi ko namalayang bumuhos na ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

Totoo ba ang lahat ng to??

Mahal nya ako?


Kaylan??

Papaano?



Maraming mga katanungan sa aking isip sa sandaling ito. Tinutulak ng isip ko na hindi maniwala sa mga sinasabi nya para hindi na masaktan at umiyak pa ng dahil sakanya.. Pero bakit kabaliktaran ang sinasabi ng puso ko, na maniwala at bumalik muli sakanya?

"Please don't leave me Ashely.. N-Natatakot akong maging mag-isa muli... Natatakot akong iwan muli ng mga taong mahal ko" garalgal nyang sambit. Kahit hindi ko sya tignan sa kanyang mga mata, alam kong umiiyak sya sa sandaling ito.



Kumalas sya ng pag kakayakap saakin at buong ingat nya akong hinarap sakanya. Doon muli bumalik ang kaba at init sa aking buong pagkatao dahil kaharap ko ngayon ang binata. Rinig ko ang mabilis na pintig ng aking puso na ngayon mag kalapit kami sa isa't-isa ni Drake at lihim nya akong tinitignan.

"Ashley" he said with deep and sincere voice. Nanatili lamang akong naka yuko sa harapan ng binata at natatakot akong tignan sya sa kanyang mga mata.

Natatakot akong tignan ang lungkot, sakit at takot na gumuhit sa kanyang mga mata.


"You're so beautiful" aniya nya. Nag ningning ng napaka ganda nyang mga mata habang naka tingin saakin, na tila ba pinaparamdam nya na ako ang pinaka magandang babae na kanyang nasilayan. "Don't cry.. I don't want to see you crying sweetheart" he said with deep toned.

Dahan-dahan nyang pinunasan ang aking luha gamit ang kanyang mainit na daliri sa aking pisngi. Doon ako naka ramdam ng importansya sa kanyang pag trato. Ramdam ko ang mainit nyang palad na dumampi sa aking pisngi, na nag bigay saakin ng kakaibang kiliti at saya sa aking dibdib.

"Pinapangako ko na hindi na kita sasaktan at papaiyakin muli. Sana bigyan mo pa ako mg pangalawang pag kakataon at itatama ko ang lahat ng pag kakamali ko." aniya nya at nilunok ko ang naka barang laway sa aking lalamunan. Dahan-dahan akong umangat ng tingin para tignan si Drake.

Nakita ko ang napaka gwapo nyang pag mumukha at bakas sa kanyang mga mata na umiyak sya.

Sandali?? Si Drake ba tong kaharapan ko??

Bakit ibang-iba nya ako tratuhin?




"T-Totoo ba yong sinabi m-mo?" Nauutal kong sambit sakanya. Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para sabihin at itanong ang bagay na iyon.


Gusto kong marinig muli sa kanyang bibig na mahal nya nga ako.. Gusto kong kompirmahin na hindi panaginip ang lahat ng to.. Gusto kong umasa.. Gusto kong ipag laban at aminin din sakanya ang tunay kong nararamdaman para sakanya.

Kita ko ang pag taas ng sulok ng kanyang labi sa aking sinabi. He hold my chin and lift it up, just to level him. Hindi pa din humuhupa ang napaka bilis na kabog ng aking dibdib at pamumula ng aking pisngi sa kahihiyan dahil ilang pulgada na lang ang layo ng aming mukha sa isa't-isa. Langhap na langhap ko ang mabango nyang amoy.

Payment of Debt [COMPLETED]Where stories live. Discover now