💔Chapter 22

1.6K 36 18
                                    


Crest

Nanginginig ang aking kamay habang hawak hawak ang payong at hinihintay ang kasamabahay na buksan ang gate.

Napasinghap ako ng makita si Pierce na basang basa. The rain poured so heavy at ganoon din nararamdaman ko. Mabigat at nasasaktan.

Humakbang ako palabas ng gate, "What do you want Pierce?" I said in a cold voice. Gusto ko ng tapusin to, napapagod din pala ang umaasa na mamahalin ka din ng taong mahal mo.

Kung mahal mo, hindi ka mapapagod. Hindi din. Nakakapagod ng mahalin ang taong hindi ka pinapahalagahan.

"Binalikan kita sa rooftop, bakit hindi mo ako hinintay?"

Umiling ako. "Hinintay kita Pierce."

"But you didn't wait long enough!"

Nag iwas ako ng tingin. Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mata. "I waited for you long enough Pierce." Saad ko. Alam kong may ibang meaning pa sa mga binitawan kong salita and he knew it. "I waited for you to choose me but you didn't."

Ang tagal ko ng hinihintay si Pierce. Matagal na akong naghihintay sa wala.

Mas lalong lumakas ang ulan. "Umuwi ka na. Wala tayong dapat pang pag us—"

"Are you pregnant? Tell me Crest.. Are you pregnant?!" Hirap nyang saad.

Humarap ako sa kanya, punong-puno ang mata nya ng emosyon. Lumapit sya sa akin, at doon nakita ng mas maliwanag.

"Are you pregnant?" Ulit nya. This time I can see fear in his raven eyes that reflects mine.

"No." Sagot ko sabay iwas ng tingin. Hindi ko sasabihin sa kanya ang kalagayan ko, ayoko ng ipagpilitan pa ang lahat.

I don't want him to love me dahil lang sa buntis ako. I don't want him to choose me or us dahil lang sa nabuntis nya ako.  I want him to choose us because he love us.

I heard him uttered a cursed. "Don't fucking lie to me! Xavier told that you—"

"False alarm lang iyon! I'm not pregnant! Kaya pwede ba umalis kana!" Sigaw ko.

"False alarm lang Pierce!"

He looked at me na parang hindi sya naniniwala, tumalikod ako. Dito na magtatapos. Napasinghap ako ng bigla akong niyakap ni Pierce mula sa likuran. Nakadantay ang kamay nya sa aking tyan, his head is on my shoulder at mahigpit ang yakap sa akin.

"Please baby, don't do this." Pakiusap nya, I heard his voice is breaking. Napapikit ako kasabay ng pagtulo ng aking luha.

Hardened your heart Crest. Stop na. Tama na. "Ayoko na Pierce." Hinawakan ko ang kamay nya at pilit na tinatanggal ang yakap nya sa akin.

"Don't leave me Crest.. Handa akong maging ama sa baby natin. Handa akong mahalin ka."

Pinilit kong makawala sa yakap nya. "Hindi ako buntis! At sa ating dalawa Pierce, ikaw ang nang iwan. Ikaw ang nang iiwan!" Buong lakas akong kumawala.

And I had to close my eyes for a second dahil nakaramdam ako ng hilo at paghilab sa aking tyan. "Umuwi ka na." Paalam ko at mabilis pumasok ng bahay.

He called out my name pero buo na ang desisyon ko. Pierce has a choice. Maraming beses akong naghintay na piliin nya ako, maraming beses na akong umasa at maraming beses na akong nabigo.

Ayokong iparamdam ni Pierce sa baby namin na second choice lang sya, ayokong umaasa ang baby at maramdaman nya ang sakit ng hindi ka kayang mahalin ng taong mahal mo.

"Hi Crest!"

"Uy Crest, minsan sali ka sa kantahan namin ha."

Tipid na ngiti at pagtango lamang ang gawad ko sa mga kaklase ko. Their judgemental eyes and hurtful comments towards me is gone, para bang nag iba ang ihip ng hangin. They are so nice to me while some of them is..

"Sorry Crest kung na i judge ka namin agad." Sabi nung isang kaklase ko.

"We don't even know the whole story yet we.."

Isinarado ko ang aking libro at ngumiti lang. No words of kindness is coming out of my brain.

"Buti nalang na i-video ni Paul yung lahat ng nanyari.."

Ipinakita sa akin ni Mia yung video ng nanyari between me and Sam. Rinig din doon ang convo namin. Kitang kita na sya ang unang sumugod at ang pagtulak ko.

I'm glad na naliwanagan na ang issue. But it doesn't matter to me, kahit pa hindi lumabas ang video. Wala na akong pakielam.

Hindi naman nito mabubura sa aking isipan na hinusgahan nila ako agad, na hindi nila muna inalam o pinakinggang ang side ko.

"Crest.. Let's talk!" Pakiusap ni Pierce after ng klase namin. Pero hindi ko sya pinansin.

"Pierce.. Ano ba?!" He held my wrist at hinila papunta sa isang vacant na room.

"Mag usap tayo."

Tinanggal ko ang kamay nyang nakahawak sa wrist ko. "There's nothing to talk about."

"I saw the video. I.."

Huminga ako ng malalim. "You're sorry? Its too late Pierce. Nahusgahan mo na ako, nasaktan mo na ako. You can't take back every hurtful words that you have said."

"But Cre—"

"If you're sorry about it then leave me alone." Malamig kong saad bago ako tumalikod at umalis.

Yes Pierce, leave me alone. Hayaan mo na ako. Hayaan mo na kami ng anak natin, this is for the best.

"Reina!" Napangiti ako when Xavier hugged me. He looks at me with happiness in his eyes.

"What? Is there something you want to celebrate?"

Ngumisi sya at inakbayan ako. "I tell you later. Now, my treat. Anong gusto nyo ni baby?"

Natawa ako. "Sige. Libre mo ako n—"

"Are you going out with him?" Nilingon namin ni Xavier si Pierce na matalim ang tingin sa amin. "Sasama ako."

"What?!"

Pierce just shrugged. "We'll use my car. Tara na."

ShatteredWhere stories live. Discover now