[12] Communication

50 6 0
                                    

3rd Person's Point of View:

"Lauren....Lo, kain na tayo." saad ni Goryo habang kinakatok ang pinto ng kwarto ni Lauren. Makalipas ang ilang sandali ay wala paring tumutugon. Napasinghal si Goryo at bumaba na sa salas kung saan naroon ang kanyang ina at nakatatandang kapatid. Pang sampung balik nya na iyon ngunit wala parin.




"Wala ata syang gana Ma." kamot-ulong paliwanag ni Goryo.




"Tss, Ako na nga! wala ka talagang silbi kahit kelan." saad ni Ally at akmang tatayo na upang akyatin muli si Lauren ngunit pinigilan sya ni Goryo.




"Wag na, hayaan mo muna sya--"



"Manahimik ka dyan! ako na!--"


"Ate pagod nga yung bata--"


"Ayan! dyan ka kasi magaling! kinukunsinte mo yung katigasan ng ulo nyang kapatid mo!--"



"Wag kang umasta na parang hindi mo sya kapatid!--"



"Pano ko hindi idedeny na kapatid ko yan, eh isa syang kahihiyan na kagaya mo! Pinaiiral ang katigasan ng ulo! hindi na ko magtataka kung matulad yan sayo na dito lang sa bahay dahil pipitsugin lang yang trabaho--



"Bakit?! sino bang nag-alaga kay Lauren nung wala si Mama?! Palibhasa kasi iniisip mo lang yung sarili mo! Pinili kong humanap ng trabaho na malapit lang dito dahil ayokong iwan si Lauren mag-isa. Ayokong maranasan nya yung lumaki nang walang gumagabay sa kanya." This was rhe very first time he exploded. He's had enough. Natahimik si Ally sa sinabi ni Goryo. Nagulat din ang kanyang ina.


"G-goryo ibig sabihin yung trabaho mo sa America--"


"Opo ma, hindi ako tumuloy. Wala kasing mag-aasikaso kay Lauren nung grade school pa sya, kasi si ate Ally nasa Makati nun nagtatrabaho. Tapos ikaw nasa abroad ka parin." Unti-unti nang tumutulo ang luha ni Goryo.



"Ma, sorry. Sorry kung isinantabi ko yung pangarap ko para sa kapatid ko. H-hindi ko kasi kayang lumaki syang hindi dama ang kalinga ng pamilya." Humagulgol na si Goryo, lumapit sa kanya si Rowena ngunit tumakbo nalang sya paakyat sa kwarto dahil nahihiya syang ipakita ang kahinaan.




Nadaanan nya ang kwarto ni Lauren, huminto sya at napaupo sa sahig tsaka sumandal sa pinto nito.




"L-lauren? P-pasensya na kung n-nasasaktan ka ha." halos basag na ang boses nito habang nagsasalita.




"S-siguro umiiyak ka rin dyan sa loob. T-tahan na Lo...nandito lang si kuya... di kita iiwan." saad nito at umiyak nang umiyak.



....


-Kinabukasan-


*Tok tok tok* "Lauren? Lauren gising na kakain na." saad ni Rowena at kinatok muli ang pintuan. Ilang katok ang inulit nya ngunit wala paring tugon. Napabuntong-hininga nalang sya nang makasalubong nya ang panganay na anak. Nakabihis na ito ng pang trabaho at handa nang umalis.



"Oh eto ma, ayan yung susi ng kwarto nya. Pakicheck nalang kung bubukas. Alis na po ako." saad nito at ibinigay ang susi sa ina. Napatango nalang si Rowena nang makaalis si Allyson at sinubukang buksan ang pinto.

...

Sa kabilang banda, nasa labas ng bahay si Nicholas na hindi mapakali.


"Ah..pano nga ba, ehem.. Lauren, pwede ka ba makasama lumabas?--ay masyado namang pormal. Uhm, yow lau! chill tayo, libre ko--duh, feeling close masyado." saad nito sa sarili.




LAHAT NG HASSLE AY MAWAWALA [On Going]Where stories live. Discover now