Chapter 3

12 2 0
                                    

Sara's POV

"I can't believe you Ms. Kapayapaan. Hindi ka pa nag-uumpisa ng isang oras sayong trabaho nagawa mo na agad ang bagay na yun. And for god sake! Kay Boss JK pa? I can't believe you. Are you not informed that you can't go in someone'sbusiness? You don't even know the real story is!" Sermon sa akin ni Ms. Jazel. Kasi naman.. Mukha kasing sumobra yung lalaking yun! At kanina nung makita ko yung mata niya parang nasagot na kung bakit nakakatakot talaga yung boss dito. Dahil yun sa mata niya. Yung mata niyang wala namang emosyon pero nakakapanginig kung tumitig.

"I don't know what will happen to you Ms. Kapayapaan. Magdasal ka nalang na hindi ka niya pabalikin at ipa-expell sa school mo." Natauhan ako sa sinabi ni Ms. Jazel. Hindi sumagi sa isip ko yun. He was a powerful human being at kayang-kaya niyang ipaalis ako sa school ko. At hindi pwede mangyari yun. Paniguradong lagot ako kay nanay at tatay. Lalo na kung malaman nila ang dahilan ng pagkakatanggal ko. Ang tapang ko panaman na sabihing wala ako pakialam kung bigyan niya ako ng masamang feedback. Pero nawala sa isipan ko yung expell pati sina nanay! Anak ng tokneneng oh!

"Jazel.." Sabay kaming napalingon ni Ms. Jazel sa babaeng nasa pinto.

"Ms. Margaret." Hayst. Kung hindi lang ako nadala sa iyak ni Ms. Margaret kanina eh. Bukod sa walang modo yung Boss JK wala pa siyang galang sa nakakatanda sa kanya. Kahit boss siya dapat may manners and right conduct parin noh. Siguro 75 grades niya sa EsP nung high school.

"Can I talk to her?" Tanong ni Ms. Margaret. Teka ako ba? Kakauspin niya ako?

"Sure ma'am." Pagpayag ni Ms. Jazel. Tumingin naman si Ms. Margaret sa akin at ngumiti.

"Let's go?" Sinundan ko nalang siya. At habang naglalakad kami ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Ano? Instant celebrity na ba ako dahil sa ginawa ko?

Nakarating kami sa isang maliit na office at pinaupo niya ako sa sofa. I think, opisina niya ito.

"I'm so impressed sa ginawa mo Ms. Kapayapaan." Nakangiti niyang sabi. Impressed? Na impressed ba siya dahil ipinatanggol ko siya? Kaya ba niya sinasabi ang bagay na ito? Kasi yung mga tingin ng mga tao kanina hindi naman impressed yun eh.

"Mukha mali po ako ng ginawa." Sagot ko. Hay. Tama si Ms. Jazel. Hindi dapat ako makisabat sa usapan na hindi naman ako kasama.

"Actually yes. Mali ka nga." Napa-angat ako ng tingin kay Ms. Margaret. Oh tingnan mo! Binaliktad ako kaagad? Siya na nga tinulungan kanina tapos sasabihin niyang mali ako? Ano? Nasaan ang hustisya?

"I mean.. It's actually true. Kami ng team ko ang may kasalanan and we deserved to be scolded by Boss JK." Sabi niya. Agad naman akong sumagot sa sinabi niya.

"Pero Kahit na po ma'am. Hindi naman po tama na ganun ganunin niya kayo noh." Sabi ko. Tumango-tango naman siya sa akin.

"I know Ms. Kapayapaan bu—" hindi ko siya pinatapos sa sasabihin niya. Hindi pa ako tapos sisingit naman agad si Ms. Margaret. Dapat marinig niya to.

"Saka napaka-walang galang niya. Hindi niya dapat sinisigaw-sigawan ang matanda. Kawalang galang po yun—" natigil naman ako sa pagsasalita dahil sa pagsingit niya.

"Ms. Kapaya—" nagsalita ulit ako. She needs to hear my point. Kailangang maintindihan niya ako.

"Ma'am! Gusto ko lang po ipaintindi sa inyo ang ibig kong pong sabihin. Gusto ko pong iparating na kahit siya ang boss hindi tamang sigawan ang matatanda. At aba! Hinagisan pa kayo ng mga papel. That's not right ma'am! It's very very wrong. Elders should be respected." Sabi ko. With hand gesture pa yan. At this time ako naman ang tumango-tango. I'm very very proud sa sinabi ko. Kasi alam kong ako ang nasa punto at nasa tama. IpaTulfo ko pa yang si Boss JK eh.

Million Reasons (ON HOLD)Where stories live. Discover now