Chapter 06: Leiro's Mine!!! (I)

87 58 0
                                    

Desperate Hearts

Chapter 06:

Leiro's Mine!!! (Part I)

•°•°•°•

Lunely

Rrriinnnggg!!!

"My, ang aga naman tumunog ng alarm clock ni Leiro..."

Marahan kung inimulat ang mga mata ko sabay patay ng alarm clock niya. Medyo ang aga pa kasi ng four o'clock sa akin. Tumingin ako sa labas ng bintana ni Leiro nang makita kong madilim pa rin sa labas... Hindi ko na rin nakitang lumiliwanag ang buwan pati na rin ang mga bituin. Sandali, bakit ba kasi ang bilis-bilis ng oras ha?! 'Di ko pa nga nafe-feel ang yakap ni Leiro sa akin eh... Hmph. How unfair.

Inunat ko ang mga braso ko sabay hikab. Umusog ako ng konti papunta sa gitna ng higaan nang makita ko si Leiro na mahimbing na natutulog habang niyayakap ako. Nakahiga siya sideways, medyo two meters siya malapit sa mukha ko, he's not snoring though, but I can feel na maganda ang panaginip niya ngayon kasi ngumingiti siya.

Yikes! Para yatang matutunaw ako nito- ngayon ko lang pala na-realized na ang lapit pala ng mukha ni Leiro sa akin! Nyay! Pinilit kong takpan ang mukha dahil feel ko ay nahihiya talaga ako ngayon na tumingin sa kanya.

My face was really red that time, medyo nanginginig ako hindi dahil sa aircon kundi dahil medyo nate-tensed talaga ako, as I felt that Leiro sudddenly moved a bit. Bes kalma lang bes... Kumalma ka!!!

"Hmm... Lunely? May nangyari ba?" I tried peeking between my fingers as I saw Leiro staring at me, with the curiosity of his face. Tinakpan niya ang kanyang bibig sabay hikab at nagtanong ulit. "Ang aga mo yatang nagising ah?"

"I-It's your alarm clock Lei. Sorry..." I spoke softly as I just stood up calmly from Leiro's bed and fixed my hair a bit. "'Di ko pala alam na four o' clock ka pala palaging gumigising."

"Well, yeah. Six o' clock kasi ang pasok ko so I need to wake up early. Hayy... Ang bilis yata ng oras. Parang isang oras lang nga ang tulog ko eh. But anyways, good morning Lunely." He smiled once again, sabay himas ng ulo ko.

My... This sensation... The way Leiro touched my head, parang gusto ko yatang matulog ulit... Feeling ko yata magiging swerte ang araw ko ngayon now that my lucky charm just smiled before me.

"It was a good morning indeed... Now that I see you smile, my dear crush..."

"Eh, Lunely? Lunely? Tulog ka pa ba? Nagde-daydreaming ka ata..." My imaginary world suddenly stopped as Leiro interrupted me and chuckled. Naku naman Lei, nakakaturn-off ka... Hmph.

"Gising na ako, okay? Just, never mind me. Pina-process ko lang ang data sa utak kaya natahimik ako bigla. Well, good morning to you too Lei." I just rolled my eyes and crossed my arms without any hesitations... My, para yatang may bad omen akong naaamoy ah. I should be as alert as I could...

°•°•°

"Sure ka dito Leiro? Ba't kailangan ko pa talagang sumama sa'yo?"

I crossed my arms as I sat in a tsunderic position inside my Dad's car. I was wearing my office uniform- medyo may pagka-school uniform siyang tignan. It's actually a white female school uniform with a green tie on it, a green sleeves embedded with dark blue net patterns, green skirt with dark blue net patterns,  white long socks and black shoes. And hindi na rin nawala ang pagka-pigtails ng buhok ko.

Desperate Hearts (Couple Heart's Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now