Chapter 27: The Threat

37 36 0
                                    

Desperate Hearts

Chapter 27:

The Threat

•°•°•°•

Christins

Pinagmamasdan ko na lang ang reunion ni Cris at ni Lilith habang pinilit kong hindi umiyak- siyempre naman... Sa tatlong buwan nilang hindi pagkikita ay dumating itong moment na ito. Hayy... Para yata itong isang teleserye lang ah.

Well, pagkatapos ng ilang mga oras ang nagdesisyon na kaming i-discharged para naman matuloy namin ang mga plano naming pagpapakulong kay Prof. Seth. Hindi nga lang alam nina Mama at Papa ang nangyari sa amin so baka malintikan talaga kami nito pero kailangan muna namin itong isekreto dahil magiging sagabal sila sa mga plano namin, I mean hindi naman sa sagabal talaga ha?

Hindi na namin nakita pa ang sasakyan ni Mark dahil dinala na yata 'yon sa malayong lugar. Sayang naman no'n. Well, hindi naman yata mapapakinabangan ni Mark 'yon kaya wala na tayong magagawa kundi tanggapin na lang ang katotohanan na sira na ang sasakyan niya.

Sumakay na muna kami sa isang puting van na pagmamay-ari ni Charlotte papunta sa isang lugar na kung saan ay walang nakakakilala sa amin. Malayo ito sa Naipass, tsaka nakatago ito sa isang kagubatan- luh? Ang creepy naman...

Maya-maya lamang ay bumungad sa amin ang isang building na nasa gitna ng kagubatan- bago pa siya, may tatlong palapag, merong puting background tsaka mga bintanang salamin. Meron ding isang sementong pader na nakapalibot dito at meron ding berdeng gate na may dalawang guards sa labas. Hala, hidden base ba ito?

Nang makita ng mga guards ang van namin ay agad silang naghand-signal bilang sinyales na buksan ang gate, and boom! Automatic na bumukas ang gate na para bang automatic sliding window para makadaan kami.

Pagpasok namin sa loob ay biglang huminto ang van sa tapat ng mala-automatic na glass door sa first floor na building. Meron ding guards na dumating para buksan pintuan ng van namin at dahan-dahan kaming bumaba ng sasakyan nang bigla na lang-

"Huwag kayong kikilos, mga miyembro ng Mini-Lifesavers Institution!"

Bigla na lang akong kinilabutan nang tinutukan kami ni Yusarine ng baril ng mga guards na nakabalibot sa amin. Gusto long sumigaw pero sa takot ko ay pinilit kong hindi gumalaw nang bigla na lang kaming hinarangan ni Cris mula sa mga guards sabay hawak sa kamay kong kanina pa nanginginig.

"Mga sir, nagkakamali po kayo! Hindi kalaban ang girlfriend at ang pinsan ko, okay? Please lang, ibaba niyo po ang mga baril ninyo dahil kakampi natin sila!" Pagmamakaawa ni Cris sa kanila nang bigla akong nakaramdam ng ginhawa. Naku naman! Bakit ba ako dinala ng takot do'n ha?! Si Cris pa tuloy ang nagligtas sa akin. Huhu...

"Please, guards. Put your arms down. Christina and Yusarine are not our enemies. They came here to help so don't worry." Ngiting sabi ni Charlotte sa kanila at dahan-dahan nilang ibinaba ang mga baril nila. Hayy salamat naman... Sandali, paano nila nalamang member kami ng M.L. Institution ha? Hindi naman kami nakasuot ng office uniform or may I.D. na dala ah...

"You owe me one, Christina..."

Kinindatan na lamang ako ni Charlotte nang nagsimula na kaming maglakad papasok sa building. Sa pag-apak namin sa isang mat malapit sa harapan ng glass door ay bigla itong bumukas- ay wow, sanaol automatic.

Pagpasok namin ay bumungad sa amin ang mga batang babaeng kasing-edad ko rin. Nakasuot sila ng puting lab uniform tsaka isang pares ng gloves- yung tipong parang mini-hospital itong pinuntahan namin.

Mapapansin mong parang normal lang na hospital ang pinuntahan namin- may puting background, mga pintuan na may mga pasyenteng lalaki sa loob at kung ano-ano pa. Meron din silang research lab kung saan makikita sa bintana ang mga lab workers na babae na nag-eekspiremento ng mga bagay na hindi ko maintindihan. Well, I don't mind.

Desperate Hearts (Couple Heart's Series #1) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon