Chapter 29: Checkmate

33 35 0
                                    

Desperate Hearts

Chapter 29:

Checkmate

•°•°•°•

Lunely

"Gumising ka Lei! Gumising ka!"

Pinilit kong makawala sa pagkahawak sa akin ni Mark habang nakikita kong nakahandusay na sa lupa ang wala nang buhay na si Lei. Hindi ko na mapigilang maiyak nang tumingin ako pabalik kay Professor Seth na may poot ang galit sa isip ko- hinding-hindi ko siya mapapatawad dito...

"Ngayon Professor, masaya ka na?! Masaya ka bang nakuha mo na ang matagal mong pinapangarap kay Leiro ha?! Napakawalang-hiya mo!!" Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang hindi ko na lubos maisip na gagawin talaga iyon ni Leiro. 'Di ba mag-promise siya na hindi niya ako iiwan?! So all this time ay ito ang plano niya ha?!

Inisip mo naman sana ako Lei!! Alam kong alam mo na ikamamatay ko kapag mawala ka sa tabi ko, 'di ba? Ano pa ang purpose ko dito sa mundo ngayo't wala ka na?! Sana naman ay inisip mo muna ang lahat bago mo pinatay ang sarili mo! Ayoko sanang sabihin ito pero ang selfish mo ngayon Lei!

Nagsimulang magpalakpak si Professor sabay lakad ng ilang metro papunta kay Leiro na nakahandusay na sa sahig. Tumingin siya sa amin at ang masakit pa ay bigla niya itong inapakan sa ulo na para bang hayop lang, sa kadahilanang mas lalo pa akong pumiglas na makawala nang naramdaman ko ang sakit ng kaliwang dibdib ko...

"Ang galing mo Lei... Sumunod ka nga sa usapan. You've kill yourself para lang sa mga mahal mo sa buhay- I've admired that sacrifice of yours. Yet, sad to say... Na hindi ako susunod sa usapan. I'm still gonna take Lunely and Yusarine somewhere na hindi kami makikilala, and we'll forget all about you Lei... We'll forget that all of these happen..." He started to laugh louder na halos maluha na siya sa kakatawa, and medyo hindi ko na kinaya ang sarili ko nang bigla akong sumigaw nang malakas sa loob ng storage room.

"Walang hiya ka Seth!!!"

Hindi ko na kinayang ilabas ang lahat ng mga iyak ko nang patuloy pa rin ako sa pagsigaw sa harapan ni Professor Seth. Biglang huminto sa pagtawa si Professor nang bigla niya akong tinanong.

"Ayaw mo ba nito Lou? 'Di ba sinabi mo noon na gusto mong tulungan ako sa lahat ng gagawin ko? 'Di ba sinabi mo na 'I'll do anything to repay his kindness? Ilang pera ang nasayang ko para kunin ka doon sa orphanage na 'yon tapos ito lang yung igagante mo sa akin?"

"At may plano ka pang gisingin ang konsenya ko 'ning hinayupak ka ha?!" Bigla ko sigaw sa kanya as if na ako apektado sa lahat ng mga pinagsasabi niya. "Oo, nagpapasalamat ako sa'yo Professor Seth- dahil sa'yo ay nakalabas ako sa orphanage na iyon, pero hindi ko lubos maisip na plano mo akong patayin just because nalaman ko ang mga plano mo! 'Yan ba ang pagmamahal Professor Seth? Pagkatapos mong alagaan ay papatayin mo lang?"

Hindi na kumibo si Professor Seth nang marinig niya iyon. Hindi na rin makapagsalita si Yusarine dahil alam niya rin ang lahat. Seconds passed ay bigla akong tinutukan ng baril ni Professor, sa kadahilanang bigla akong natakot pero pinilit kong maging matatag sa harapan niya.

"Hindi ko matatanggap ang ginawa mong ito Lou. Pagkatapos ng lahat-lahat ay ito lang ang ibabalik mo sa akin. Tandaan mo, binili kita mula sa orphanage kaya pagmamay-ari kita! Whether you like it or not, sasama ka pa rin sa akin!"

"Hindi mo pagmamay-ari si Lou, Professor!" Bigla na lang akong nagulat nang makita ko si Lilith tumatayo mula sa entrance ng storage room na ikinagulat rin ni Professor Seth.

Desperate Hearts (Couple Heart's Series #1) (Completed)Where stories live. Discover now