Chapter 2

8.7K 162 4
                                    


-M.C P.O.V-

"M.C ayan yung mga kailangan mong papirmahin kay Sir.Amadeus ha!Kailanganng maipasa yan."

"M.C yung payslip natin kailangan nadin mapirmahan ni Sir ha"

"M.C ngayon ang opening ng bagong Grande Food Industry branch natin sa kalibo,Aklan at kailangang umattend ni Sir Amadeus sa blessing ceremony.Pakikontak nalang si Sir ha!"

"M.C kailangang--------"

"HEPPPP!!!!"

Lahat ng mga katrabaho ko na may kanya-kanyang dalang mga papel sa lamesa ko ay natigil sa sunod-sunod na bilin nila sa akin.Sumasakit na ang ulo ko sa dami ng dapat kong asikasuhin.Pwede bang time out muna?

"Okey ka lang M.C?" tanong ng isa kong katrabaho na poker face kong ikinalingon sa kanya.

"Mukga ba akong okay?Guys naman,huwag kayong magsabay-sabay dahil alam nyo naman kung gaano kahirap hagilapin ni Boss.Isa lang ang katawan ko kaya huwag sabaysabay parang awa nyo na." reklamo ko bago pagod na sumandal sa upuan ko.

Ako nalang kaya ang pumalit na C.E.O ng kumapanyang ito!ako lang din naman qng nagaasikaso ng lahat eh!

"Pasensya na M.C,kailangan na kasi." nahihiyang sabi sa akin ng kasama ko sa trabaho na ikinabuntong hininga ko.

"Pakilagay nalang sa lamesa ko ang mga papel na yan." sabi ko na agad nilang sinunod at sabay-sabay na silang nagpaalam at bumalik sa mga pwesto nila.

Bagsak ang balikat akong napatingin sa tambak na papel na nakapatong sa lamesq ko.Ilang linggo na ang lumipas pero ganito parin ang sitwasyon ko sa kumapanya ni Boss.Ang hirap nyang hagilapin lalo na nitong nagdaang araw.Hindi ko nga akalain na tatawag lang sya sa akin para magpaalam na aalis sya papuntang Greece para tulungan ang problema ni Sir Balance.

Sana naman kung gaano sya kasipag tumulong sa problema ng mga kaibigan nya ay gawin din naman nya dito sa kumpanya nya.Ako nalang lagi ang napapagod at napupurwisyo.Sana naman magbago na sya,pasalamat talaga sya at nakakapagtiis pa akong manatili bilang sekretarya nya.

Nakabalik na kaya sya galing Greece?Kung icheck ko kaya para naman mapirmahan nya na ang mga dapat nyang pirmahan.Pag pinuntahan ko naman baka taguan na naman ako.Iba pa man din mag isip ang isang yun.Pag inabot ng katamaran ay talagang push na push ang pagtatago sa trabaho nya.

*Ring ring ring*

Napatingin ako sa phone na nakapatong sa lamesa ko,isa lang naman ang alam kong mang iistorbo sa akin pag ganitong oras eh.

Tamad kong kinuha ang phone koat sinagot ang tawag nya.

"Bakit?"

(What's with the voice M.C?Parang wala ka sa mood ngayon ah!)

"Wala talaga ako sa mood ngayon Hans kaya wag ka na magtanong." sita ko sa kanya na ikinatawa nya na lang.

Remember Hans?sya yung lalaking nakilala ko na kapitbahay lang ni Boss.Simula mg ayain nya ako sa ice cream parlor ay dineklara nya na magkaibigan na kami kaya araw araw nya na akong kinukulit.

Napalapit din naman sa akin ang isang ito dahil pag alam nyang wala ako sa mood ay aalukin nya ako ng ice cream at always libre nya.Tama din ang tingin ko sa kanya noon na babaero ang isang ito dahil nagpaalaman ko na maraming babae ang sabay sabay na nililiwagan nito.Minsan pa nga ay dinadamay nya ako sa kalokohan nya para tigilan sya ng mga babaeng hiniwalayan nya na.Kapal din kasi ng mukha ng isang ito.

Mayaman din kasi at gwapo naman si Hans.Sya ang nagmamay ari ng ilang mga resorts sa Cebu at isa dito sa Manila na hinahandle nya ngayon.

(Sabi ko naman kasi sayo magresign ka na sa trabaho mo kung nahihirapan ka na sa Boss mo at sa akin ka nalang magtrabaho bilang sekretarya ko.Ganda naman ng offer ko sayo ah!)

Secret Untold Series 2:  Travis Lancellot Amadeus(Completed)Where stories live. Discover now