Chapter 4

6.8K 149 6
                                    

Chapter 4

-TRAVIS P.O.V-

"Atlast natapos din."

Sinandal ko ang likuran ko sa upuan ko at iniutnat ang mga braso dahil sa ilang oras na pagpipirma at pagta-type ng mga kamay ko sa laptop ko.Pinagawa na lahat ni M.C ang mga gawain na itinambak ko sa  kanya.Ang babaeng iyon,talagang binabawian ako sa ilang araw na tinatakasan ko sya.

Grabe!Hindi ako sanay na nagbababad sa trabaho.Hindi naman ako papasok sa opisina ko kung hindi lang ako binantaan ni Taz.Ewan ko ba!nang marinig ko ang banta nya sa akin parang kinabahan ako.Kilala ko si Taz lahat ng sinasabi nya ginagawa nya at sa oras na hindi ako pumasok sa kumpanya ko baka gawin nya nga yun.Lahat kasi sila naawa daw kay M.C dahil lagi akong hinahabol at lagi kong pinagtataguan.Ako kaya kaibigan nila.

Pag naiisip ko ang banta ni Taz sa akin parang yung katamaran ko sa katawan eh nawawala.

Aish!Hindi ko alam pero ang lakas ng epekto sa akin ng banta ni Taz.

*FLASHBACK*

"The hell you were doing here Amadeus?Don't you have a company to work for?Bakit ba lagi kang nasa kumpanya ko?"

Ito talagang si Taz kakaupo ko lang sa sofa nya sinisinghalan na agad ako.Masama bang tumambay sa opisina nya?May asawa na at lahat,magkaka anak na din pero may kasungitan paring taglay.Nawa'y hindi mamana ng anak nya ang ugali ng ama nya.

"Masama bang makitambay Taz?Tsaka alam kong pupunta sina Lance dito at ang iba para pagplanuhan ang nalalapit na kasal ni Lance kay Sari,tutulong ako syempre." sabi ko na poker face na ikinatitig nya sa akin.

Ang mga ganyang titig ni Taz minsan di mo alam kung dapat mong katakutan eh.Kakauwi lang namin galing Greece kahapon matapos naming bawiin si Sari sa matanda nyang tiyuhin tapos tatambay lang sa opisina nya ipagdadamot nya pa.

"I will remind you Amadeus that they will go here after their works.Ikaw?Hanggang kailan mo pahihirapan ang sekretarya mo?"

Napakamot ako sa ulunan ko dahil sa sinabi ni Taz.Ang alam ko lang ay si Balance ang mahilig manermon sa akin about kay M.C hindi ko akalain na concern din pala ang isang ito.

"May tiwala naman ako sa kanya Taz.Tsaka ayokong mawala sa mga kaganapan sa grupo." dahilan ko na ikinailing nya

"If i were you magsisipag ako sa kumpanya ko at hindi patamad tamad.Hindi ako magtatakas if one day babagsak ang kumpanyang ipinamahala ng Daddy mo sayo.Poor Uncle Luis for having a lazy son.Hindi mo ba naiisip ang magiging future mo pag nag asawa ka na?kawawa ang babaeng mahuhulog sayo." sabi nya sa akin.



Grabeng panlalait naman ni Taz sa akin.Akala ko ng maging asawa ni Gail ang isang ito ay babait kahit 1% lang.Wala paring pinagbago,sasabihin at sasabihin ang iniisip.Tsaka sino bang may sabing mag aasawa ako?

"Marriage is not for me okay Taz.Wala sa plano ko ang mapasama sa team nyo nina Balance at Shawn." sabi ko na ikinailing nya lang

"Isa pa my company can stand without me Taz.Kung baga mag ooperate yun kahit wala ako.Isa pa inaantok lang ako pag mga documents ang nasa harapan ko." paliwanag ko pa

Napasunod ang tingin ko kay Taz ng tumayo ito sa pagkakaupo nya at naglakad sa harapan ng lamesa nya at umupo sa ibabaw nito bago namulsang nakatingin sa akin ng seryoso.Pag ganitong tinginan ni Taz na hindi ko alam ang nasa isip parang gusto kong kabahan.

"If you continue doing that attitude of yours Amadeus im sure that M.C will have no choice but to leave you." sabi nya na malawak na ikinangiti ko.

Secret Untold Series 2:  Travis Lancellot Amadeus(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon