Chapter 1♥The Story Begins

5 0 0
                                    

Azira's PoV💕

“Azira, dalian mo nga diyan! We're getting late!” sigaw ni Lishanne mula sa baba.

“Wait up!” sigaw ko pabalik.

Why so arte ba nila? It's just already 6:25 am in the morning pero kung maka-react, eh, akala mo ay 15 minutes late kami sa pupuntahan namin. Where? Sa restaurant, we are meeting an important someone. Who? Walang iba kundi ang Manager namin na ubod ng kulit, mahirap talaga maging talentado. Psh!

“AZIRA!! BABABA KA NA O, AAKYATIN PA KITA!??”

Uh-oh.

Dali-dali akong tumakbo pababa at naabutan ko nga doon nakatayo si Lishanne habang naka-crossed arms pa habang, si Mikay naman, eh, parang hindi nakakita ng tao. Focus na focus sa cellphone niya, nagbabasa na naman siguro ng Wattpad.

“Bakit ba ang tagal mo, Azira? Ni hindi ka naman nagmemake-up, hindi ka din naman nag-aayos. Ano naman ang ginagawa mo?” nakacrossed arms na tanong ni Lish with matching taas kilay.

Well, she's Lishanne Andrea Buenaventura, ang masungit at mataray 'kong bestfriend. And the other one reading wattpad, is Mikaella Louise Garcia, ang tahimik yet, makulit ko 'ding bestfriend.

“Sorry, okay? Kasalanan ko ba kung ang sarap matulog? Err! Let's go na nga, wala akong time para makinig ng misa.” inirapan ko na siya at naglakad palayo.

Sunday ngayon at bukas, eh, may klase na kami. Bagong transfer kami sa isang sikat na eskwelahan which is St. Montelo University. Sama-sama kaming tatlo sa iisang bubong, gusto namin maging independent na sinang-ayunan naman ng mga magulang namin kaya walang problema, bestfriend ko din naman sila so no worries.

“Azi, wait for us!” sigaw ni Mikay habang tumatakbo sa direksyon ko.

Huminto naman ako at hinintay silang dalawa na nagpapa-unahan pa yata sa pagtakbo, naka-heels pa kasi ang mga beshies ko. Langya! Ako lang nakarubber shoes dito, uy.

“Hoy, Azira Denise! Bakit ba ang bilis 'mong maglakad!? Bagalan mo nga!” bulyaw ni Lishanne at saka ako pinalo.

“Aray, ha! Sabi mo kanina, ang bagal ko, tapos nung, binilisan ko, sasabihan mo na bagalan ko. Ano ba talaga!?” bulyaw ko din sakanya at sinamaan siya ng tingin.

“Basta! Umalis na tayo. Aish!” sagot niya at naglakad na papasok ng sasakyan.

“Kita mo 'yang babaeng 'yan. Sisigaw-sigaw tapos siya naman pala ang magwo-walk-out. Hays!” bulong ni Mikay habang nakaharap pa din sa cellphone niya.

Ako ba ang kausap niya, O, ang cellphone niya?

“Hindi sasagot 'yang cellphone mo, Mikay. Asa ka pa!”

Kumunot naman ang noo niya at saka ako hinarap. Anyare?

“Aray!” singhal ko. Binatukan ba naman ako?

“Bakit ka ba nambabatok, hah? Masakit kaya!”

“Masakit talaga! Naalog na ba ang utak mo? Sino naman'g tanga ang kinakausap ang cellphone, ikaw ang kinakausap ko. IKAW!!”

Ay, sorry naman. Ako pala?

“Tse! Whatever.” saad ko at nagmartsa papasok ng sasakyan. Bahala siya 'dun!

“Oh? Anyare sa labas?” tanong ni Lishanne habang nakaharap sa salamin at inaayos ang lipstick niya.

“Wala ka na 'dun!”

Tiningnan niya ko ng masama pero deadma lang, hindi naman nakakamatay, eh.

“Ang suplada mo talaga, bahala ka na nga diyan!” tugon niya at ipinikit ang mata niya habang nakasandal naman ang ulo niya sa glass window.

Hindi pa nagtagal ay pumasok na din si Mikay at ako ngayon ang nasa gitna nilang dalawa, walang imikan. Badtrip kami'ng tatlo ngayon kaya wala munang mag-iingay.

“OMG!”

Halos mahulog kami ni Lishanne ng biglang sumigaw si Mikay. Ang sarap pa naman ng tulog ni Lish habang, ang ganda din ng pananahimik ko. Putspa! Babaeng 'to. Ay naku!

“Ano 'bang sinisigaw-sigaw mo diyan, Mikay!? Nakakagulat ka!” bulyaw ni Lish. Bakit ba ang hilig niyang mangbulyaw?

“Aksidente kasi silang nagkahalikan ni Ice at Zoe, ehh! Nakakakilig! Kyaaah!” kinikilig na tugon niya at may papadyak-padyak 'pang nalalaman.

Mabuti na lang talaga at mabait 'tong driver ni Manager Hong, sakanya kasi 'tong sasakyan. Pinasundo lang kami para sigurado na hindi na kami pupunta kung saan-saan. Alam niyo na, masyado kami'ng palagala ng friends ko.

“Gager! Tigilan mo na nga yan, kanina ka pa, hah!” saway ko sakanya.

Sumimangot naman siya. “Tse! Puro kasi pambata mga binabasa mo, bitter kasi!”

Kumunot ang noo ko. Langya! Ako? Bitter? “Hi—”

“'Wag mo nang idedeny, halata ka masyado. Move on na kasi, besh! Matagal na yun. Matagal na kayong wala n—asdfghjkl...”

Sinangsangan ng tissue ni Lish ang bunganga niya habang ako, wala lang. Kumirot na naman kasi yung puso ko ng maalala yung nangyari, mahal ko yun, eh. Kaso, hindi nga siguro kami para sa isa't-isa. Tanggap ko naman na masaya na siya sa iba habang ako, naiwan mag-isa. Whoo! Feeling ko, maiiyak na naman ako. Matagal na yun, eh, pero sariwang-sariwa pa din yung sugat.

“Azi? Okay ka lang?” tanong ni Lish at hinimas-himas pa ang likod ko.

Tumango ako at pilit na ngumiti kahit deep inside, gusto ko nang umiyak.

“Andito na po tayo!” masiglang tugon ng driver.

Napasilip naman kaming tatlo sa bintana at oo nga, andito na kami sa isang tapat ng nasabing restaurant. Ang daming tao na naglalabas-pasok at tinted ang glass kaya hindi mo masyado makita, ang ganda naman.

“Azi, baba na tayo!” excited na tugon ni Mikay at parang wala lang na hinatak ako.

Awtomatiko din naman ang kamay ko at nahila ko din pababa si Lish saka kami nagtatakbong tatlo papasok. Yung totoo? Para kami'ng shunga dito na first time nakapasok sa restaurant.

“Girls!” tawag ni Manager na nasa isang mesa.

Naglakad kami 'dun at umupo sa tatlong bakanteng upuan na nakaharap kay Manager. Madami ditong tao at halatang mga mayayaman, ang gara ng suot.

“Bakit mo kami pinapunta dito?” diretsahan 'kong tanong. Gusto ko na kasing kumainnnnn!

“Ah.. eh...” ih, oh, uh?

“Ano nga, manager?” iritang tanong ni Mikay. Malamang, gutom na din 'to.

“May contest kasi ng sayawan sa barangay namin at kayo ang balak na ipanlaban ko, ang galing niyo kasi.”

Contest? Yun lang pala, eh.

“Payag ako.” sagot ko.

“Me, too!” Lishanne.

Me, three!” Mikay.

“Good.” nakangiting tugon ni Manager.

“Wait, kailan ba 'to?” curious 'kong tanong.

Natigilan naman si Manager bago sabihin 'kong kailan. “Sa friday.”

What?! Pero, wala. Mahirap tanggihan si Manager.

“Sure. Now, we're going.” sagot ko at saka linisan na ang lugar na yun.

Sa friday!? Sa friday talaga!? Aish! Nanaman!

----------
“THE BADBOY'S GIRL”
Season 1.
Unedited Version.
Written by PrinzeaInDark, the one and only.

⚠Plagiarism is a crime.⚠
⚠Beware of typo's.⚠



The Badboy's Girlحيث تعيش القصص. اكتشف الآن