Chapter 2♥ My Baby

0 0 0
                                    

Azira's PoV💕

Naglalakad kami ngayon papasok ng St. Montelo University. Hindi nga maikakaila na sobrang ganda nito na halos wala ka nang makitang basura na nakakalat sa lupa. Kaso, hindi approachable ang mga students dito at parang tingin pa lang ng iba, eh, pinapatay na kami. Insecure much?

“Guys, andito na tayo!” masiglang tugon ni Mikay at dali-daling naglakad papasok ng classroom.

Sumunod din naman kami ni Lish and as usual, pinagtitinginan na naman kami. Ganda naming 'to? Tss. Bulag ka na lang yata kung hindi mo kami makita.

“Sila na ba yung transferees? They're pretty pero sana hindi tulad ng iba na bitchy.”

“Ang ganda nila.”

“Ang sesexy din!”

“Pustahan, magiging girlfriend ko isa diyan!”

“Single pa kaya sila?”

Napailing-iling na lang ako sa mga pinansasabi ng mga new classmates namin habang si Mikay ay todo-ngiti, si Lish naman ay nakataas ang isang kilay habang naglalakad papasok, ako? Deadma lang.

“Wala na 'bang ibang bakante sa unahan? Ayoko sa likuran!” reklamo ni Lish. Arte-arte!

“Edi, tumayo ka diyan! Problema ba 'yan?“ sarkastikong sagot naman ni Mikay.

Nakakatawa talaga sila at dito pa talaga nagbangayan sa harap ng mga nakatinging classmates namin na ang iba ay halos malusaw na kami sa sama ng tingin, iba naman, eh, halatang natatawa pa. Mga baliw talaga 'tong kaibigan ko, mabuti 'di ako nahawa.

“Enough! Uupo na kayo o, ako na mismo ang magpapa-upo sainyo!?” tinaasan ko sila ng kilay at pinandilatan ng mata.

“Fine!” padabog na tugon ni Lish at nagtungo sa bakanteng upuan sa likod saka umupo.

“Oo na po, binibining sungit.” bulong ni Mikay pero narinig ko yun. Sinong masungit?

“Narinig ko 'yun, Mikay!“ banta ko sakanya.

Nagkibit-balikat naman siya at saka naglakad na sa isang bakanteng upuan na katabi lang din ni Lish at saka pasalampak na umupo, hindi man lang inayos ang palda. Napa-irap na lang ako sa kawalan bago napagdesisyunang maglakad sa isang bakante 'ding upuan na pinapagitnaan ni Mikay at Lishanne ng may humarang sa'king lalaki, alang naman babae?

“Hi, Miss. Ang ganda mo naman!” malumanay niyang tugon at pinasadahan ako ng nakakalokong tingin. Adik!

“Alam ko, hindi mo na kailangan 'pang ipangalandakan. Hindi lang naman siguro ikaw ang may mata?” I smirked at saka tinalikuran siya.

Pagka-upo ko ay tiningnan ko ang mga kaklase ko na panay ang kwentuhan at chikahan sa harapan. Hindi ko din naman maka-usap si Mikay dahil busy na naman kaka-cellphone habang ito naman'g si Lish ay may sariling mundo at kung ano na lang ang pinanlalagay sa mukha niya, nagmake-up pa. Eh, ako? Ito, nakatunganga habang nagmamasid sa mga masasayang classmate namin na nagkekwentuhan. Hays!

Tring—Tring—Tring—Tring.

Kinapa ko ang cellphone ko mula sa suot 'kong palda at tiningnan kung sino ba ang tumatawag. At 'ganun na lang ang paglapad ng ngiti ko ng makita ang pangalan niya sa caller's Id. Namiss ko din naman ang anak 'kong 'to, oo may anak ako. Hindi lang alam nila Lish at Mikay dahil wala naman din akong balak ipaalam sakanila.

“Hello, Baby?” bungad ko mula sa phone.

[Kamusta diyan, Ma?]

“Fine? Ikaw, kamusta ka diyan?”

[Im perfec—Bata? Sino iyang kausap mo!? Babae mo nanaman ba?]

Napangiti na lang ako ng marinig ang boses ni Mama Dy na sinisigawan na naman itong si Kyle, babaero kasi 'tong anak ko. Well, anak-anakan lang din pala. Isang taon lang ang agwat ko sakanya pero kung titingnan, eh, ang mature ng itsura niya. Paano ko siya naging anak-anakan? Wala lang, trip lang namin.

“Luh ka, Baby! Pinapa-highblood mo na naman si Mama Dy!” asik ko.

I heard him laugh. [Aish! 'Wag ka nga, Ma. Wala naman kasi akong babae. By the way, ano nga ulit 'yang school mo, Ma?]

Eh? “St. Montelo University. Wae?”

[Nothing. I'll hang up the call, highblood na naman si Lola!]

Umiling na lang ako kahit alam ko naman na hindi niya iyon nakikita. Pasaway talagang bata! “Geh. Bye!”

[Bye.]

Then, the call hang up. Mabuti na lang talaga at tumawag itong si Kyle dahil kung hindi, eh, baka nagwala na ko sa kaboringan. Napansin ko din naman na parang may nakatingin sa'kin, and Im so right. Nakakunot ang noong nakatingin sa'kin ni Lish habang, nakataas naman ang kilay sa'kin ni Mikay. What's wrong?

“Oh? Ba't ganyan kayo makatingin?” ang wierd, ha!

“Sino yun?” seryosong tanong ni Mikay.

“Kyle?” unsure 'kong sagot. Bakit ba kasi nila natanong?

“Who is he?” tanong naman ni Lish.

“My Baby?” Yeah, baby ko siya. Anak ko siya, ano 'bang problema nila?

“Aw!” daing ko ng bigla akong hampasin ng notebook ni Mikay sa ulo. Take note, sa ULO!
“Seriously!? Utak ko na nga lang ang puhunan ko, aalugin niyo pa turnilyo ko!? What's the problem ba!??” singhal ko. Kainis na, ha!

“KAILAN KA PA NAGKA-BOYFRIEND!?!” sabay nilang sigaw kaya napatakip ako sa tenga ko.

Mabuti na lang talaga at triple ang ingay ng mga kaklase namin kaysa sa kanilang dalawa dahil kung hindi, baka naging center of atraction pa kami'ng tatlo and wait up, kailan ko pa sinabing may boyfriend ako?

“Look, wala akong boyfriend. And, Kyle is my baby, anak-anakan ko siya sa Korea. Remember? Nung umalis kayo para puntahan ang family niyo dito, eh, wala akong kasama and he's the only one na naging kaibigan at anak-anakan ko 'dun. Wala din akong balak magboyfriend, tama na ang isang nanloko.”

Halata naman ang gulat sa itsura nilang dalawa. Ayoko ng mag-boyfriend dahil sapat na ang isang lalaki para ma-realize ko na hindi lahat ng lalaki ay seryoso. Kapag, ang lalaki kasi nagseryoso, tawag 'dun imposible. Sino ba naman kasi ang tanga na maiinlove na nga lang, eh, sa manloloko pa? Ay, life!

“Binusted ang mga seryoso, sinagot ang manloloko.” pagpaparinig ni Lish at Mikay na sabay pa talagang natawa.

Inirapan ko na lang sila at finocus ang atensyon ko sa mga nagchichikahang classmates namin. Ng biglang, natahimik na lang sila na parang may dumaang anghel sa harapan nila. And there I saw, tatlong naggagwapuhang nilalang na naglalakad sa aming tatlong naggagandahang nilalang but, someone caught my attention, ang lalaking nakakunot ang noo. Psh!

----------
“THE BADBOY'S GIRL”
Season 1.
Unedited Version.
Written by PrinzeaInDark, the one and only.

⚠Plagiarism is a crime.⚠
⚠Beware of typo's.⚠


The Badboy's GirlWhere stories live. Discover now