Chapter 3♥ At your back

1 0 0
                                    

Azira's PoV💕

“Waah! Ang gagwapo nilang tatlo!”

“Ish, makalaglag panty ang kahottan nila!”

“Ngitian lang ako ng isa sakanila, maghuhubad na talaga ako!!”

“WAAAAAAAAAAAAAH!”

Napatakip kaming tatlo ng kanya-kanyang tenga namin dahil sa lakas ng tili at sigawan ng iba na nagatungan pa ng ngumiti at kumaway ang isa sakanila habang ang boys, ang sama ng tingin sakanila. Paano? May makakasapaw na sa kagwapuhan nila kahit hindi naman talaga.
“Hi, Miss. May nakaupo ba diyan?”

Napaangat ang tingin ko sa lalaking nakatayo sa harapan ko habang nakaturo ang isa niyang kamay sa bakanteng upuan ss likuran namin. Bakit ako ang tinatanong niya?

“Tingnan mo nga, may tao ba diyan?” pagtataray ko.

Taka naman siyang umiling at sumagot ng “Wala?”

“Edi, umupo ka diyan. Kita mo naman palang wala nakaupo, magtatanong ka pa.” sabat ko at isinandal ang ulo ko sa upuan.

Ako lang ba ang may mata sa'ming dalawa at hindi niya makita na walang nakaupo sa bakanteng bangko na yun? Geez! Bakante nga, diba? BAKANTE!

“A-ah, sorry.” at saka na silang tatlo umupo dun.

Uupo lang din pala, ang dami 'pang tanong.

Natahimik lang ang lahat ng pumasok na ang nagpakilalang Proffesor Sy namin na siyang magtuturo sa'min for today pero dahil may mga transferee's daw ay tinawag niya kami'ng anim para magpakilala, akala ko nga kaming tatlo lang pero kasama din pala ang tatlong asungot na nasa likuran namin. Kanina pa kaya kami pinagti-tsismisan niyan.

Tumayo ang lalaking kanina ay nagtanong saakin kung may nakaupo daw ba sa bakanteng upuan na ngayon ay upuan na niya. Gwapo naman siya at parang ang bait ng mukha pero tulad nga ng sabi nila, huwag magtitiwala sa mukha.

“Hello! Im Jasper Frenier. 17 years old.” pagpapakilala niya sabay ngiti ng pagkatamis-tamis.

Sumunod naman ang lalaking katabi niya na ang seryoso ng mukha pero nung ngumiti na, makalaglag panty nga.

“Im Kenji Miles, 17 years of age.”

Gwapo din siya at agaw pansin ang nagtataas baba niyang adam's apple na sobrang cute tingnan. Kailan pa ba naging cute ang adam's apple? Aish! Nevermind.

Nakatuon naman ngayon ang tingin ko sa lalaking nakakunot na naman ang noo habang parang walang buhay na nakatayo. Ang angas niyang tingnan at halos mapanganga ako nung aksidenteng lumabas ang super cute na dimples niya. Kahit sila Mikay at Lish, eh, nagpipigil na din ng kilig.

“Lexus Fire Fortaleza, 17.” at saka siya umupo na parang wala lang nangyari.

Ang cool ng pangalan niya. Nabalik na lang ako sa ulira't ng magsalita ulit si Proffesor sa harap.

“Now, you three, please!” masayang tugon ni Proffesor Sy habang nakatingin saamin.

Tumayo si Lish at nasa kanya na ngayon ang atensyon ng lahat. Hindi maipagkakaila na sa tingin pa lang ng boys, eh, pinagpapantasyahan na ang kagandahan niya. At sasabihin ko, wala akong binatbat sa kagandahan nilang dalawa ni Mikay.

“Hi everyone, Im Lishanne Andrea Buenaventura. 17 years of age, single.” sabay kindat ni Lish. Baliw talaga 'tong babaeng 'to!

“Liligawan ko na yan, pre!”

“Ang hot niya, sexy pa..”

Sunod naman na tumayo si Mikay na hawak pa sa kaliwang kamay niya ang cellphone niya na dinosaur ang case. Hindi ko nga alam kung paano niya nagustuhan ang dinosaur, favorite niya siguro si Barney. Tsh!
“Im Mikaella Louise Garcia. 17 years old, mentally taken.” tugon niya at saka umupo.

“Mentally mine?”

“Baliw ba siya?”

“Sayang! Ang ganda pa sana niya!”

Napatawa na lang ako sa mga bulungan ng iba pero maya't-maya pa ay napatigil din ako ng sikuhin nila ako sa tagiliran ko. Oh? It's my turn na pala, nawili ako kakatawa.

Tumayo ako at inayos ang uniform ko na nakusot na kanina nung umupo ako saka ngumiti sakanila, kasunod naman 'nun ang bulungan ng mga lalaki.

“Ang ganda niya!”

“Oo nga, sexy pa..”

“Single pa kaya siya?”

“Tss. Hindi naman ganoon kaganda, akala mo kung sino.”

Napatingin ako sa huling nagsabi 'nun at binigyan siya ng nakakamatay na tingin, mabuti na lang at umiwas dahil kung hindi, ililibing ko talaga siya ng buhay.

“Im Azira Denise Dela Vega, 17 years old and.,” I stopped for awhile. “Im taken by someone I can't call mine.” I smiled bitterly saka umupo.

Natahimik naman ang lahat at nakatitig lang sa'kin sila Mikay at Lish, ngumiti lang ako sakanila. Maski ako nagulat kung bakit yun ang sinabi ko, nakamove-on naman ako, diba?

Nag-start ng magdiscuss ng magdiscuss si Proffesor Sy pero hindi ko na narinig pa. Lutang na naman ako, naalala ko na naman kasi siya. Hays!

“Are you okay, Azi?” may alala sa boses na tanong ni Mikay.

Nandito na kami ngayon sa loob ng canteen habang hinihintay ang inorder naming pagkain dahil nung lunch break, eh, dito na agad kami nagtungo. Gutom kaya ako, hindi ako masyado nabusog sa breakfast ko kanina.

Tumango ako. “Yes, Im fine.”

“Girls, here na!” tugon ni Lish at inilapag ang mga pagkain namin sa pizza.

Isang nacho's with fries lang with ice tea ang kinain ko habang sila naman ni Lish at Mikay ay burger with fries saka coke in can, mga matakaw kasi.

“Azi?” tawag sa'kin ni Lish. Azi used to be my nickname kahit hindi naman talaga.

“Hmm?”

“What if, makita mo ulit si Ivan with Enza? What would you do?” diretsahang tanong ni Lish.

Palihim naman siyang siniko ni Mikay pero parang wala lang sakanya at tutok pa din ang atensyon sa'kin. Ano nga ba ang gagawin ko kapag nakita ko ulit sila? Alam ko na nakamove-on na ko sa nangyari pero hindi ko talaga maiwasan na masaktan sa tuwi'ng naririnig ko ang pangalan nilang dalawa, my trusted ones, dati pero, traitors ko na ngayon.

I sighed. “I don't know?” unsure 'kong sagot.

Kumunot naman ang noo ni Lish at kahit si Mikay ay napataas ang kilay. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang gagawin ko kapag nakita ko siya, I really don't know.

“What? Hindi mo alam? Eh, paano kung makita mo sila ngayon?” nakataas kilay na tanong ni Mikay.

I look at them two with full of curiousity. What are they talking about?

“Ano 'bang pinagsasabi niyo?” taka 'kong tanong at pekeng tumawa.

“Argh! At your back!” singhal ni Lish na sinunod ko naman.

Unti-unti 'kong nilingon ang nasa likuran namin na sana ay hindi ko pala ginawa..

----------
“THE BADBOY'S GIRL”
Season 1.
Unedited Version.
Written by PrinzeaInDark, the one and only.

⚠Plagiarism is a crime.⚠
⚠Beware of typo's.⚠

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 06, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Badboy's GirlWhere stories live. Discover now