Chapter 4

190 6 1
                                    

A/N: Bago niyo po simulang basahin itong chapter 4. Pakibasa po muna ng author's note^_^. Mayroon po kasi kayong mababasa na maaring ipagtaka niyo o magbigay ng katanungan sa isip niyo. Na kung paano ako nag come up sa mga names na nakalagay dito. Ang mga pangalan pong mababasa niyo dito ay likhang isip lamang at nahahawig lang sa mga tunay na pangalan nila. Para mas malinaw(~_^)Halimbawa Si Police Chief Superintendent Ronald "bato" Dela Rosa. Hindi po yan ang pangalan niyang mababasa niyo dito sa story. Para po maiwasan narin ang conflict kung sakali. Yon lang salamat^_^

ALEXANDRA'S POV

Alaskwatro palang ng hapon ay nakaalis na ako sa mansion. Ngunit mag aalasais na ng gabi ay nasa daan parin ako. What the hell! Ngayon pa nagkaroon ng trapic! Dinaig ng batangas ang edsa! My god!

Kasalukuyang nakatigil parin ang mga sasakyan. Pasado alasais na! Parang walang balak umusad. Hello!? Nagmamadali kaya ako! Napatingin ako sa phone kong kasalukuyang nagriring.

Brenda calling..

Napangiti ako ng mabasa ko sa screen ng phone ko ang pangalan ng matalik kong kaibigan. Anak siya ng ninong kong si General Rodulfo De Chavez. Siya ang matalik kong kaibigan. Si Brenda Elise de chavez

"Hello Dada!" napangiti pa ako. Alam kong inip na siya kakaintay sa akin.

Dada ang tawag ko sa kaniya. Mula ito sa pangalan niyang brenda at Dos ang tawag niya sa akin. Dahil panagalawa ako sa aming tatlo ng mga kapatid ko. Hehe

"Dos!! Where are you na ba!? Kanina pa kaya kitang hinihintay! You know naman that I'am excited to see you!!"

"I'm on my way na. Trafic lang. Just relax. Makikita mo rin ako!" napangiti pa ako.

"Faster! Hindi na ako makapaghintay! It's been 3 years when the last time i saw you. Ang tagal na kaya. My god! Bilisan mo."

"Okay wait for me there! Bye!" sabi ko pa sabay hagis ng phone sa katabi kong upuan.

Makalipas ang tatlong pong minuto ay nakarating din ako sa tapat ng De Chavez mansion kung saan idinaraos ng ninong ang pinagsamang ikalimampung kaarawan ng yumaong asawa niya na si tita fiona at welome party para kay brenda.

Ipapasok ko na sana ang sasakyan ng harangin ako ng guard sa may gate. Binuksan ko ang bintana ng kotse.

"Good evening.." bati ko pa.

"Mam maari po ba naming makita ang invitation card niyo!?" tanong ni manong guard.

"Sure!" pinakita ko ang invitation card.

Nakakatawa ang itsura ni kuya! Parang nakainom ng suka. Marahil nabasa niya kung sino ako! Haha

"Is there something wrong!?" kunware seryoso ko pang tanong.

"Ahm.. Mam kayo po pala si Police Inspector dela riva. Hehe! Pasensya na po.!" tumango pa ito.

"No it's okay. !" ngumiti pa ako. "Pwede na ba akong pumasok sa loob!?"

"Aahh yes mam! Kanina pa po kayong hinihintay ni mam brenda. !" natataranta pa nitong sabi.

"Okay thanks.! But where can i park my car? Anyway?"

"This way mam!" itinuro niya ang parking. Sumunod ako. Syempre mabagal ang paandar ko. Haha

Pagkatapos maipark ang kotse ko bumaba na ako agad. At nagsimula ng humakbang patungo sa loob ng mansion. Malaki ang mansion ng mga De Chavez. May connected door ito papunta sa function area kung nasaan ang buffet table ng mga pagkain. Pagpasok ko palang sa maindoor ay halos mapatingin ang lahat sa akin.

Tres Dela RivaWhere stories live. Discover now