Chapter 27

339 29 10
                                    

"Phoebe..." tawag ko sakanya.

"Oh Zard? Anyare? Asan na si Quinn? Ayos na kayo?" Nakangiting tanong nya saakin.

Ngumiti ako ng maliit. "Hindi. Sa tingin ko hindi na rin. Bakit? Kase sila na ni Marcus. Huli na ko. Phoebe huli na ko." Hindi ko na napigilan ang luha ko at isa isa nang pumatak.

Ang nakangiti niyang mukha ay napalitan ng pagkalito.

Niyakap niya ako at hinimas ang likod ko. "Tahan na. Wag ka nang umiyak. Sinabi niya ba sayo? Sinabi niya ba ng harapan?"

Humiwalay ako sa pagkakayakap at pinunasan ang luha ko. "H-hindi. Pero kay Six niya sinabi. Narinig ko."

"Hindi lahat ng naririnig mo Zard totoo. Magkaibigan sila. Malay mo nag bibiruan lang sila. Subukan mo kaseng kausapin siya Zard. Ano ba? Matagal na kayong magkakilala. Kilala mo sya. Lagi mong kinukwento saakin kung gaano siya kabait. Yung mga lagi niyang palusot sayo. Kung gaano siya katalas ang dila niya pag ayaw niya sa isang tao. Zard, ngayon ka pa ba susuko?"


Pagkatapos ng mahaba niyang sinabi ay nabuhayan ako.

Tama siya. Mas kilala ko si Lea kesa kay Marcus.

Matagal na kaming magkakilala.


Sa huling pagkakataon ay niyakap ko si Phoebe at niyakap niya naman ako pabalik. "Thank you." Bulong ko.

Humiwalay ako. Maglalakad na sana ako pabalik sa room nila Lea nang makita ko siyang nakatayo sa hindi kalayuan.

Nakatingin siya saakin.

Hala sa mata niya na nasasaktan siya.


Pupunta na sana ako sakanya ng bigla siyang tumakbo palayo.

Shoot. No. Lea, mali ka ng iniisip mo.

Tajlea Quinn's POV

"Congrats tablea!! Dalaga ka na yieee!!"

Tumawa ako dahil sakanya. "Gaga to joke lang uy! Kaibigan ko lang si Marcus. Mabait naman kasi siya saakin. He cares for me. I'm just returning back the favor of him being good to me, Anim."

"pasaway ka! Napaniwala mo ko! Sarap mong batukan!" Sabi niya at binatukan nga ako.


"Eh binabatukan mo na nga ako eh!"

"Eh kase nauto mo ako!"

"Kasalanan ko bang uto uto ka!"

"Ewan ko sayo. Sandali lang." paalam niya at lumabas saglit.

"Ay wala na?" Rinig kong sabi niya kahit mahina.

"Oy! Anong wala na?" Tanong ko sakanya at tumingin sya saakin.

"Correction, Sinong wala na!"

Napairap ako. "Oh edi Sinong wala na?!" Pag tama ko.

"Si Zard." Sabi niya sakin.

Napatahimik naman ako.

"Hala! Baka narinig niya pinag usapan natin! Sinabi mo pa naman na kayo na ni Marcus! Baka na misunderstood siya!"


"Ano naman kung marinig niya eh may Phoebe naman na siya?"

"Alam mo? Ang manhid mo! Kahit na girlfriend niya si Phoebe ay ikaw pa rin ang gusto niya! Ikaw pa rin ang mahal niya. Narinig ko silang nag uusap kanina nang papunta ako dito. Wala na sila. Pinakawalan na ni Phoebe si Zard kasi ikaw ang mahal ni Zard. Nako Tablea. Ewan ko sayo!!"

Hindi ko alam kung bakit pero agad akong tumayo sa kina uupuan ko at tumakbo palabas.



Halos malibot ko ang buong building.

Nang makarating ako ng ground floor ay may narinig akong nag uusap.

Sumilip ako at nakita ko si Ren. Kasama niya si Phoebe magkayakap sila.


"Thank you." Rinig kong bulong ni Ren.

Nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon.


Halata sa mata ni Ren ang umiyak siya.


Narinig nya nga talaga yung kanina?


Nasaktan nga ba talaga siya sa narinig niya?


Sana ako yung nagpapatahan sakanya. Yung nag c comfort sakanya.



Posible ba yun? Yung nanakit sayo ang mag c comfort sayo?


Napatingin saakin si Ren.


Halatang nagulat siya sa nakita niya.



Gusto kong umiyak ngunit ayokong ipakita sakanya na mahina ako.


Tumakbo ako palayo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.



Takbo lang ako ng takbo hanggang sa dalhin ako ng paa ko sa parking lot.


"Quinn!" Rinig kong sabi ng pamilyar na boses.

Ennik. Oh god I missed her. Pero damn gusyo kong lumayo muna.

Sumakay ako kay Mac at pinaandar.

Bago pa ko makaandar ay may kumatok sa bintana ni Mac.



"Lea! Open this freaking door!"  Rinig kong sigaw ni Ren.


Hindi ko siya pinakinggan at pinaandar lang ang Mac ko.


Oh my god baby Mac sorry kung haharurot ako ngayon!



Nakalayo na ko. Nasa highway na ko. Kakaunting kotse lang ang dumadaan.

Nagulat ako nang may bumusina.

Tumingin ako sa side mirror at nakita ang kotse ni Ren.


Bat niya ko sinusundan? Ano to fast and furious?


Nakatingin lang ako sa side mirror ng bigla siyang bumusina nanaman at para bang may tinuturo.

Napatingin ako ng diretso sa daan ng makita ang isang truck na pasalubong saakin.


Biglang may nag flashback saakin.

"Tyler!!! Eyes on the road!!!!" Sigaw ni Mommy. Napatingin ako sa harapan at may malaking Truck na pasalubong samin.

"No...." pabulong na sabi ko. I heard a very loud noise and the next thing I know is I am covered with blood.



Sumilip ako sa unahan at napaiyak ako sa nakita ko. "No!!! Nooooooo! Mommy! Noo. Daddddd!" At napahagulgol na lang ako at nagdilim ang paningin ko.


Bumalik ako sa katotohanan ng may narinig akong malakas na tunog.



Tunog na narinig ko ng ma aksidente kami ni Mommy and Dad sa panaginip ko.

Malakas na busina ng truck.


Iniliko ko ang manibela ko ngunit sa kasamaang palad ay bumangga naman ako sa puno.

And as soon as the air bag popped out I suddenly lost consciousness and everything went black.

_________

A/N: sorry sa matagal na update! Happy 5 year sa bangtan and two days from now comeback na ng blackpink!

Unforgotten LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon