Chapter 45 - Epilogue

579 25 15
                                    


Epilogue

"Congrats Graduates!!!" Masayang sabi ng Commentator ng graduation namin.

"Yey! Confirmed graduate na tayo!!" Masayang sabi ko habang kasama sina Trey, Six, Clemence at Zach syempre kasama na rin namin sina Nyah, Naila, Phoebe, Ennik.

Lahat ng Fílos ay nabunyag na ang mga sikreto.

Si Zach ay sinabi na saamin na nililigawan niya si Nyah.

Si Trey ay ganun rin kay Naila.

Si Van ay nililigawan na rin si Ennik.

Si Caligue ay umamin na sa relasyon nila ni Six.

Si Kuya at Zander ay may nakilala online.

Si Zeus isa daw sa mga ka trabaho niya.

Si Blaze naman at si Phoenella ay umamin na may relasyon sila dati at ngayon ay nagkabalikan.

Si Ryker at Ayeddy ay balak magpakasal ulit dahil mahal na nga nila ang isa't isa.

Si Phoenix ay may nakilaka sa isang fast food chain.

And lastly our bunso Clemence the Kano nililigawan si ate Phoebe!

Beep beep!!

"Sakay na!" Sigaw ni kuya saamin at sumakay naman kami sa Van.

Tahimik na nag d drive si Kuya at dahil kasama namin si Ennik, Kuha kami ng kuha n pictures.

Hindi namin alam ang daan na tinatahak ni kuya pero papalayo ito sa lugar namin.

May surprise namaman kasi sila saamin.

Nakatulog ako sa biyahe dahil na din sa pagod at antok.

Nagising akong naka Blindfold at lamig na lamig ako.

Nasaan ba ako.

May naramdaman akong nakahawak sa kamay ko. "Uhh. Nasaan ako?" Tanong ko.

"Hoy bakla si Fab na Six to chill ka lang."

May naramdaman akong isinuot nila saakin.

Parang dress? Gown? Basta mahaba tas mabigat.

Maya maya lang ay may bumuhat saakin.

"Hoy! Ano to! Bat may pag ganto? Ganto talaga surprise niyo? Wow ah!"

"Shh! Ang ingay mo naman!" Pag rereklamo ni Six.

"Eh kase ano ba nangyayari?"

"Basta!!"

Naramdaman kong pinasok nila ako ng kotse.

"Naks ganda ni pated!"

"Kuya? Ano ba nangyayari?!"

"Ewan!"

Naramdaman kong gumalaw ang sinasakyan namin.

Tumahimik na lang ako dahil mas nakakahilo pag naka takip ang mata.

"Nandito na tayo." Mahinang tugon ni Kuya at inalalayan ako palabas.

"Pwede ko na ba tanggalin nasa mata ko?" Tanong ko kay Kuya pero sabi niya five minutes pa daw.

Nag antay kami ng five minutes and I felt Kuya's hand untying the blindfold.

Nasilaw ako nang tanggalin ang blindfold pero nang makarecover ako ay nagulat ako dahil nasa tapat kami ng simbahan at...











Naka wedding gown ako.


"Kuya." Naiiyak kong sabi at nagbukas ang malaking pintuan ng simbahan.

I saw him standing near the altar looking handsome in his white tux waiting for me.

Akala ko ka OAan lang ang mga nasa drama na pag ikakasal ka ay iiyak ang bride.

Pero ako dito parang timang na nag uunahan ang mga luha ko pababa.

"Hey dude. Wag mong sasaktan ang baby girl ko. Nag iisa lang yan. Baby girl din ng Fílos yan."

"Siya nga nananakit sakin Terrence eh."

Tumawa naman kaming tatlo.

Halos buong seremonyas ay lutang ako dahil hindi ako makapaniwala na ikakasal na kami sa araw na to.

Ang naintindihan ko na lang ay ang "you may now kiss the bride."

"Teka!" -Trey

"Sobra na kissing scene ng dalawang yan!" -Blaze

"Kung nakakabuntis ang halik isang daan na anak nila!" -Zach

Natulala naman si Father.

Hindi na namin sila pinakinggan at hinalikan na ko. Ramdam ko sa halik niya ang pagmamahal at kasiyahan.

Humiwalay saakin si Ren at humarap sa lahat ng bisita.

"I have an announcement to make. Sa reception ay hindi niyo na kami makikita. Kayo na lang ang mag saya sa reception dahil dederetso na kami sa honeymoon. Ma, Pa. magkaka apo na kayo. Yun lang salamat!"

Having one person who cares for you is one of the great things in life. But having tons of them is the greatest thing.

Having Fílos by my side is The greatest thing that happened in my Life.

The End

__________

Sa wakas! Natapos na siya!!!

Thankyou sa lahat ng nag support sa story ko!

Labyu ol!

Kung hindi dahil sainyo hindi ko matatapos to! Kayo ang motivation ko!

At kanino ang gusto niyong susunod na Fílos story?

CaSix? (Caligue and Six)

Or

ZachNyah? (Zacheius and Zynyah)

At again! Thankyou! Labyu ol!!!

Unforgotten LoveWhere stories live. Discover now