10

1K 24 0
                                    



Naglakad kami sa may dalampasigan. Nakasuot na ako ng shades. Nauuna siya. Kita kong hinahangin ang buhok niya.

Waaaaah! Pumikit ako atsaka dinama ang sarap ng hangin! Amoy dagaaaat! Minsan lang ako makapunta sa ganito. Kaya naman na miss ko ito!

Parang kapag nakaharap ka sa dagat magiging payapa ka. Makakalimutan mo lahat ng problema.

Kaya gustong gusto ng tao sa ganito. Dito sila na re-relax. Ano kaya ang pakiramdam ni Tyler kapag nandito siya?

Hays.. kung sana ay close kami edi naitanong ko na. Kaso, hindi.

Kaya nanahimik nalang ako atsaka sinundan siya. Anlayo naman! Kanina pa kami naglalakad! Saka bakit nila kami iniwan? Bakit natira kaming dalawa sa Van? Saka, gaano na ko katagal na tulog doon? Nakakahiya!

"Pumasok ka lang doon."

Nagulat ako nang huminto siya tapos tinuro yung parang mga private cottages. Nandoon sila? Saka, bakit hindi kami sabay tutungo doon?

Nakita kong inilagay niya ang phone niya sa tainga niya.

"Taliyah.."

Ah? Tumawag si Taliyah Linco? Tumawag yung girlfriend niya. At kailangan niyang sagutin yun kahit ano pa ang mangyari. Kahit sino pa ang kasama niya. At kahit nasaan pa siya. Kailangan niyang unahin yung ka relasyon niya. Yung.. mahal niya.

"S-sige." Sabi ko nalang.

Pumasok ako sa kahoy na gate, tapos agad kong nakita sa may malaking cottage ang mag pipinsan. Kinakawayan ako nila Ate Shamsee.

Nilingon ko si Ty bago ako umakyat sa cottage. Nanatili siyang may kausap sa phone.

:----(

Hindi ko maitago ang pagka dismaya ko.

"Smile!"

Ani Ate shams habang hinahagod ang likod ko.

Ngumiti naman ako ng pilit.

"Asan si Ty?" Tanong ni Ate Jelay.

"Kausap po girlfriend niya sa phone." Sagot ko.

"Girlfriend niya?" Takang tanong niya, "Ah! Si Taliyah Linco! Yung artista!"

I was just wondering.. siguro kung malapit lang dito yun si Taliyah, siya ang iimbitahan nila dito. Hindi ako.

"Pauwiin ko na nga dito si Paolo para mag date din kami sa tabing dagat." Sabi naman ni Ate Nichole na nakatingin sa labas, kung nasaan si kuya Jovanne na katabi si Ate Janine na gf niya sa may upuan sa labas. Nakaharap sila sa dagat. Woah!

"Sino iyon ate? Boyfriend mo?" Tanong ko.

"Oo be!" Kilig niyang tugon.

Napangiti ako. Ang alam ko si Ate Jelay din ay may boyfriend na school mate niya, nakikita ko sa mga posts nila sa Instagram at Facebook. Tapos si Ate Shams, single. Pati si Ariella. At syempre.. pati yung kambal dahil mga binhi pa iyan.

"Upo ka muna, Ffion. Maghahanda kami ng pagkain." Ani Ate Shams tapos lumabas.

"Sige Ate Shams!"

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon