14

1K 27 0
                                    


Magkatabi lang kami dito sa upuan. Wala naman na kaming pinag-uusapan. Okay lang kasi marami ding tumatakbo sa isip ko. Na hindi ko naman magawang itanong o sabihin. Pero syempre.. hindi ko maiwasang hindi isipin.

Nagkagusto na ba siya sa iba? Ganito rin ba ang naging turing niya sakanila? Si Taliyah ba.. lagi niyang nakakausap? Magkaibigan lang ba talaga sila o baka may gusto yun sakaniya? Pag magkasama ba sila anong ginagawa nila? Anong pinag-uusapan nila? At kahit ba konti hindi siya namangha sa ganda at bait niya? Lahat na nasa kaniya. Lahat na.

Pero bakit ako? Talaga bang mahal niya ako?

Ayokong ilabas lahat ng iyan. Ayokong isipin niya na masyado akong mausisa at pakialamera.

Nagulat lang ako nang may tumunog na phone.

"Sa'yo yun?" Tanong ko.

Tumayo siya. Nakita ko ang pagbitaw niya sa mga kamay ko.

Hmm.. namimiss ko agad yung kamay niya!

Pumunta siya sa kaniyang bag na itim tapos kinuha ang tumutunog na cellphone doon.

Nakapamewang siyang sinagot ang tawag. Pero halata ang tuwa sakaniyang mukha. Sino kaya iyan?

"Hello? Taliyah? Why?"

Siya? Nakaharap siya sa akin pero tumatagos ang tingin siya sa likuran ko.

"Oh? Really? That's good! W-wait..." Tapos tinignan niya ang phone.

"Pinatayan ako." Sabi niya.

Bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit kahit alam kong magkaibigan lang sila.. nasasaktan parin ako. Sumisikip ang dibdib ko. Ayokong isipin na nagseselos ako. Ayokong maging mababaw.

Pero bakit ang pakiramdam ko gusto kong ako lang ang kausapin niya? Bakit parang gusto ko siyang bawalang makipag usap sa iba? Ngayong may kami na? Oo hindi pa kami. Pero M.U na kami. Mahal niya ako at mahal ko siya. Sinabi rin niya kanina na Akin siya at kaniya ako.

Pero alam ko ring hindi yun sapat na rason para pakialaman ko na siya. I will wait for him to change himself on his own.

"Bakit yun?" Nakangiti kong tanong sakaniya. Kailangan kong ngumiti. Ayokong i spoiled ang sarili ko.

"Si Liyah." Tipid niyang sabi.

"Ah.."

"Ahm.. okay lang ba?"

"Ang alin?"

Nakatingin lang siyang diretso sa akin, "Na nakakausap ko siya? I know I should stop doing this--"

"No!" Pigil kong agad. "Huwag mong iwasan yung mga dati mong ginagawa para sa akin."

Ayoko pa. Hangga't hindi pa tayo. Pero kapag officially boyfriend na kita at girlfriend mo na ako.. I will not allow everything that would bring us to a difficult situation. Never. Ewan? Tama lang ba na ganyan isipin ko? Parang di ako pabor sa sarili ko HAHA

"Okay, if you say so.." Aniya atsaka ngumiti.

Waah! I love seeing his smile.

"Let's go for a walk? Mukhang okay naman na ang paa mo eh. Kaya mo ba?"

"Ano ka ba tumakbo takbo na nga ako kanina."

"Malay mo biglang sumakit kakatakbo mo kanina."

Umiling ako, "Nandyan ka naman para alalayan ako diba?"

"Always."

Tumayo siya. Sumunod ako.

Nilingon ko ang magkahawak parin naming mga kamay.

My Queen 19:14 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon